Chapter 42

4 0 0
                                    

Dinner Date

Chapter 42

Pumipili ako ngayon ng susuotin ko para sa dinner date namin mamaya ni Kyther. Pagkatapos ng ilang buwan ay pumayag nadin sa wakas si Ms. Martinez sa relasyon namin. Totoo nga ang sinabi ni Kyther na gagawa siya ng paraan para maging maayos si Ms. Martinez sa relasyon namin.

Napabalik naman ang isip ko sa reyalidad ng may kumatok sa pintuan ko. Pumasok naman si nanay dahil naka bukas naman ang pinto.

"Anak, kausapin mo muna ang tatay mo" inabot sa akin ni nanay iyong cellphone.

Mag iisang buwan nadin si tatay sa Australia dahil sa mga inaasikaso niya sa negosyo niya. Tanging sa video call nalang namin siya nakakausap sa ngayon, pero mas okay na ngayon kesa noon na wala talagang komunikasyon. Kahit naman ganito ay nakikita namin na masaya sila sa isat isa lalo na si nanay.

"May lakad ka daw ngayon?" bungad naman sa akin ni tatay. Kahit naman nasa ibang handa siya ay updated padin siya sa mga nangyayari sa buhay namin.

Lalong lumapad ang ngiti ko. "Opo tay kakain po kami kasama ang mommy ni Ky" sa tuwing gusto kong ipakilala si Kyther kay tatay ay sakto naman palagi ang mga emergency meetings niya. Ang alam lang niya ay kung ano ang ikwento ko sa kaniya, katulad ng kung pano kami nagkakilala at sa tuwing sinusurpresa niya ako at kung gaano siya kagaling sa pamumuno sa school.

"Mabuti naman kung ganon magpakabait ka ha" ang bilin niya ay parang nagbibilin sa batang iiwan sa school for the first time.

"Opo naman tay"

"Si Crystal? Hindi ko na siya nakakusap. Nagtatampo na ako sa kapatid mo, palagi nalang siyang busy" natawa naman ako sa itsura ni tatay dahil nakasimangot talaga siya.

"Tumutulong po kasi siya sa business ng kaibigan niya habang bakasyon pa. Atsaka parang hindi niyo naman po kakilala ang bunso, gagawa at magawa iyon ng paraan para maging productive ang araw niya" pagtatanggol ko naman sa kapatid ko.

Totoo naman kasi na busy si Crystal sa pag summer job niya sa business nila Troy. Wala namang pumilit sa kaniya sa katunayan ay ayaw talaga ni nanay pero sadyang mapilit si Crystal.

"Pero hindi naman dapat na kahit linggo ay andon padin siya ang nanay mo nagtatampo nadin hindi lang nagsasalita" banat naman ni tatay. "Huwag na huwag niyong kakalimutan pag laanan ng oras ang nanay at lola ninyo, okay?" hindi ko siya tunay na tatay pero sa tingin ko ay sa kaniya namin naman ni Crystal ang pagkakaroon ng busilak na puso.

Beside You (Officer series #1)Where stories live. Discover now