Chapter 18

1 0 0
                                    

Knowing Each Other

Chapter 18

Speechless. Iyan ako wordless, muted, silent, uncommunicative kahit ano basta may kinalaman sa word na 'walang masabi'. Bakit naman kasi may ganon? Anong ibig sabihin noon?

He takes us a picture, but I still unable to move. Sobra ang gulat ko sa mga katagang binitawan niya. Sino ba ang hindi magugulat sa mga ganoong salita na maririnig?

Pero wait.... Yung itsura ko din doon sa picture, talagang nakatulala lang ako.

He likes me? How come? Pinaglololoko niya yata ako e!

Naglakad na siya paalis pero ako ay nakanganga padin at nakatulala sa pinag alisan niya.

Onti onti pa kasing inaabsorb ng utak ko yung mga sinabi niya. Tama ba yung narinig ko? Malabo lang naman ang mata ko, hindi ba? Pero bakit parang naging bingi na din ako all of the sudden?

Halos magdadalawang buwan palang since nakilala ko siya, at hindi pa kami consistent na nagkikita dahil lagi siyang busy tapos sasabihin niya sakin na I am the woman that he like. Oh come on, how come?!

"Ade!" bumalik lang ako sa reyalidad ng makita ko si Zumi na pasalubong sa akin. Kumakaway siya at may hawak hawak na mga tshirts at kung ano ano pa.

At talagang hindi bumalik ang lalaking iyon.

"Ade! Sino ang kasama mo dito?" excited niyang tanong. Halatang halata ang kasiyahan sa mukha niya.

Yung taong may gusto daw sakin pero hindi na ako binalikan dito. Gusto ko sayang sabihin iyon pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Mukhang nag bibiro lang naman siya ng sabihin niya iyon. Pero mukhang hindi din naman, ay basta magulo. "Si Kyther."

Mas lumapad ang ngiti niya at pasimpleng kinurot ang tagiliran ko. Luminga linga pa siya na parang may hinanahanap. "Asan?" tanong niya, siguro ay si Kyther ang tinutukoy. Kahit naman ako ay hindi ko alam.

"Nandyan lang nag iikot ikot" sagot ko.

"Okay, wait! Dont tell me nagdedate na kayo?" kinikilig na tanong niya sa akin. Habang daretsyo padin sa pag kiliti sa akin.

"Huh?" nanlaki pa ang mata ko sa gulat sa tanong niya.  "Hindi no!" tanggi ko naman. Talaga itong si Zumi ang dali daling nag conclude ng mga bagay bagay sa isip niya. Sinamahan ko lang naman o si Kyther, date na agad?

"Sus. Okay lang yan no! Single ka at single din naman siya also nineteen ka na no. Wala naman ng masama dyan!" saad niya. Hindi talaga siya titigil na rin ako sa  ganitong bagay. Palagi niya din sinasabi na mag boyfriend na daw ako at mag kwento sa kaniya ng mga bagay bagay.

Beside You (Officer series #1)Where stories live. Discover now