Chapter 5

5 0 0
                                    

Chapter 5

Pagpasok ko palang ng classroom sumalubong na agad sila Zumi. "Ang ganda pala ng boses mo!" Gagad ni Eloisa, isa sa lagi kong kasama dito dahil tulad ko iwas  din siya sa iba naming kaklase.

"Oo nga, hindi mo pinaparinig samin ha!" Dagdag naman ni Elijah kakambal ni Eloisa. Napapantastikuhan akong tumingin sa mag kambal.

Luminga ako sa paligid at ganon nalang ang pagtataka ko ng makita kong halos lahat sila ay may tinitingnan sa cellphone. Binalik ko ang tingin ko kila Zumi. "Anong meron?"

Pero sa halip na sumagot lumakad palayo si Zumi at nawala ang ngiti ng kambal. "Nagtatampo." bulong naman ng dalawa.

Si Zumi ang palagi kong kasama dito sa school katulad lang din namin siya ng kambal. "E ano ba kasi yung meron?" mahinahong tanong ko dahil wala talaga akong alam, bakit bigla nalang nila nalaman na marunong akong kumanta at bigla nalang nagtampo sa akin si Zumi.

"We saw your video together with Kyther and Vince. Nakita din ni Zumi na sila yung kasama mong maglunch, e umalis kami kasi akala ko sasabayan mo siya kumain, maybe that's the reason. You should go and talk to her she's a cry baby any way." pagpapaliwanag naman ni Elijah.

Huh video? "Wait? Video?" Agad kong nilapitan si Zumi sumunod din naman si Eloisa at Elijah.

"What?" Iritableng tanong ni Zumi. "Can't you all leave me alone?" tanong pa niya pero para na siyang paiyak. Hindi talaga bahay na maging maldita siya dahil malambot din ang puso niya.

"Sorry hindi ko alam na wala kang kasabay na kumain. Ang akala ko kasi ay kasama mo sila Elijah." sinsero kong saad. Si Zumi ang kasama ko simula pa noon at ngayon lang third year namin nakasama ang kambal. Mas bata  siya sa aming apat kaya naman siya din ang pinaka matampuhin pero din ang mas maunawain at mas nakakaintindi. "Sorry na Zumi"

"Okay na sige, bati na tayo" napangiti ako ng marinig yun dahil ganon talaga siya kadaling suyuin. Kasing bata lang siya ni Crystal kaya naman nagkasundo din kami.

"Zumi, Eloisa, Elijah ano yung video?" Ayun yung pinagtatakahan ko talaga ng husto.

Naglabas ng cellphone ang tatlo at nagpipindot doon. Hindi din nagtagal iniharap nila iyon sa akin ng sabay sabay. Video iyon na may kumakanta or must I say, video ko iyon na kumakanta kasama si Kyther, makita din sa video na nakaupo si Vince at masayang nanonood.

Beside You (Officer series #1)Where stories live. Discover now