Chapter 28

3 0 0
                                    

Chapter 28

Halos hindi ako magkandadala sa mga natanggap kong regalo at sulat. Yung iba ay alam kong galing kay Kyther katulad nalang niyong malaking teddy bear na may hawak na gitara, dahil ngiting ngiti talaga siya ng makita niyang tinanggap ko iyon. Pero the rest katulad ng flowers at chocolates kung hindi galing sa kaniya, kanino? Nakasimangot lang siya habang nilalagay niya sa likod ng sasakyan iyong mga natanggap ko. Ihahatid niya daw ako ngayon dahil alas dyis na ng gabi. Noong mga nakaraang araw ay hindi naman ako inabot ng ten dahil pagkatapos ng free cinema ay umuuwi na kami. Pero ngayon ay napakaganda ng mga inihandang performance ng AIS band kaya napa dami din ang kanta nila at ng iba pang volunteers.

"Bakit ka nakasimangot?" tanong ko ng lapitan niya ako para pag buksan ako ng sasakyan.

Ngumiti siya pero pilit.

"Not convincing"

"I'm pissed" seryosong saad niya.

"Edi ibalik nalang natin yan dun" nakasimangot kong saad.

"Bakit naman?" nakakalokong tanong niya. Syempre naasar siya na may nagbigay saking  iba kaya mas maganda na ibalik nalang para hindi na siya maasar.

"E ayaw mo e" Nang makalapit ako sa pinto ng sasakyan ay umatras ako para mabuksan ko iyon pero agad ding napatigil ng hilahin ako ni Kyther palapit dahil sa muntikan na akong mahagip nung kumakaripas na sasakyan.

"Are you okay?" nag aalalang tanong niya sa akin pero nakatingin sa paalis na sasakyan.

"Get in the car. May tatawagan lang ako" daredaretsyo niyang saad habang binubuksan ang sasakyan.

Nagulat din naman ako at natakot pero mas daig pa niya yung dapat kong reaksyon. "Okay lang ako. Umuwi na tayo" hinawakan ko ang manggas ng suot niyang T-shirt.

"Okay fine let's go"

Tahimik lang kami habang nasa byahe dahil totoo namang nagulat din ako. Pilit kong kinukumbinsi na hindi talaga yon sinasadya at baka nagmamadali lang ang driver pero kahit saang anggulo tingnan, sinadya ng driver iyon.

"I'm sorry"

"Hindi mo naman kasalanan e. Baka nagmamadali lang yung driver" hindi siya nagsalita at patingin tingin sa cellphone niya.

"Ang cute niyong teddy bear. Salamat ulit itatabi ko to sa pagtulog" nakangiti kong saad.

Hindi siya tumingin sa akin pero ramdam ko ang pagngisi niya. Nang lingunin ko siya Ayun nanaman ang namumula niyang pisngi at tainga.

"How lucky, tsk." napangiti ako sa sinabi niya. Ang cute talaga nito magselos.

Gusto ko pa sana siyang patuluyin sa bahay pero sarado na ang lahat ng ilaw. Nagpaalaman lang kami sa isat isa at umalis na din siya.

Nang dumating ang araw ng sabado tanghali na akong nagising dahil magdamag din kami nag usap ni Kyther kagabi.

Beside You (Officer series #1)Where stories live. Discover now