Chapter 24

1 0 0
                                    

Chapter 24

Noong lunes ay nakasama naming manood ang buong officer ng club sa field. Maganda ang ipinalabas kaya naman enjoy na enjoy kaming manood. Ganon din ang nangyari noong martes, sumasali nadin kami sa ibat ibang laro sa mga booths at sinusuportahan namin ang mga laro ng mga schoolmates namin.

"Ate nakita ko yung reservation niyo sa booth namin. Excited na akong makita iyon" kinikilig na aniya.

Kasali na si Crystal sa English Club, doon siya pumasa.

"Hindi ba at wedding booth ang sa inyo?" kadadating lang ni nanay ng bahay kasama si tatay Kino.

"Magandang hapon po!" bati namin sa dalawang bagong dating.

"Opo nay! At alam mo ba kung kanino 'ikakasal' si ate?...." pinagdiinan pa niya iyong salitang ikakasal "edi sa manliligaw niya na presidente ng isang prominenteng org dun sa school namin! Tapos ang gwapo pa, matalino--" naputol ang nagsasalita ni Crystal sa pag klaro ng lalamunan ni tatay.

"Adelaide?" naglalambing na pagtawag ni tatay sakin.

"Ipapakilala ko siya sa inyo sa susunod, tay"

Kasalukuyan kasi kaming nagaayos ng mga pinagkainan.

"Halika kayong dalawa dito. Meron kaming pasalubong sa inyong dalawa" nagkatinginan muna kami ni Crystal bago sabay na pumunta sa salas.

Nakalahad doon ang napakadaming paper bag. May mga laman iyong damit na halata talagang mamahalin.

"Ito ang sa iyo Adelaide" turo ni nanay sa mga paper bag na nasa single sofa. "Ito naman ang kay bunso" turo naman ni tatay sa mga paper bag na nasa center table.

"Salamat po!" masayang tugon namin ni Crystal.

Agad kaming pumunta sa sarisarili naming kwarto para maisukat ang mga damit.  Meron ding mga make up, bag at sapatos iyong mga binili nila para samin.

Habang nagsusukat ako ay my kumatok sa pintuan ko. Si Crystal iyon na may dala dalang damit.

"Ate! Eto ang isuot mo bukas ha! Bagay sayo to saka malaki sakin kaya sayo nalang!" excited niyang tugon habang itinatapat sakin ang puting dress.

Pinagmasdan ko iyon. Kulay gatas iyon na sakto naman sa mapusyaw kong balat off shoulder iyon at palobo naman ang laylayan na may makikinang na disensyo sa ibaba.

Beside You (Officer series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin