Checkpoint 12

Começar do início
                                    

Gaya kani-kanina lang, tinuro lang ni Gilbert ang labas ng tent para mabigyan ng espasyo at katahimikan ang panggagamot ni Aether sa kan'yang pasyente. Nang tumango noon ang babaeng sundalo na hindi man lang sila nilingon, ay agad rin namang lumabas ang dalawang lalaki.

Hanggang ngayon, habang nilalagyan ng gamot at benda ang minor injuries ng sundalong nakaligtas, ay hindi pa rin mawala-wala ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Kanina pa ito at hindi niya alam kung paano pakakalmahin ang kan'yang sarili. Paminsan-minsan rin siyang tumitigil sa kan'yang ginagawa dahil naapektuhan ng kaba ang mga kamay ni Aether. Nanginginig ang mga ito.

Matapos ang saglit na pahinga at buntong hininga para naman asikasuhin ang braso ng sundalong may metal rod, ay bigla namang bumukas ang pasukan ng tent at iniluwa no'n si Felix na malapad pa ang ngiting nakapaskil sa labi.

"Kailangan mo ng tulong?" Masigla pa nitong tanong kay Aether dahilan para mapakislot ang babaeng sundalo. She sat on the carpeted ground from squatting in front of the injured and unconscious soldier.

"A-ano k-ka ba n-naman, Felix," she huffed from shock and held her chest. Pinikit niya ng mariin ang mga mata at muling nagbuntong hininga. "'W-wag ka n-namang g-gan'yan. Mamamatay ako sa gulat d-dahil sa g-ginawa mo, eh," halos pabulong na lang na dagdag ng babae habang hawak pa rin ang dibdib.

"Bakit ka ba kasi nagugulat? Hindi naman kita ginulat." From the entrance of the tent, Felix walked his way beside Aether and squatted, eyeing the unconscious survivor.

He let out a low whistle after he saw the metal rod from the arms of his comrade. Sigurado siyang hindi niya magagamit ang braso niyang iyon. At iyon din ang nasa isipan ni Aether.

Nilingon ni Felix si Aether nang may ngiti pa rin sa labi, "I'll remove the metal rod, you'll stop the blood from spurting out. Oka—Bakit namumutla ka?"

"'Wag ka nga kasing pabigla-bigla dahil nagugulat ako sa 'yo!"

Dahil sa naghahalong inis at gulat ni Aether, nasipa niya ang mukha ni Felix.

"Sorry naaaa!" daing ng lalaking nakahiga na sa carpeted ground, hawak ang pisngi niya.

Umayos ng pagkakaupo si Aether at hinarap ang kan'yang pasyente, pinag-aaralan kung paano nila aalisin ang metal rod sa braso ng sundalo at kung paano nila patitigilin ang pagdurugo nito habang ginagamot.

Hanggang sa matagumpay nga nilang naalis ang metal rod at napigilan ang pagdurugo ng braso ng sundalo. At sa buong minutong iyon, tahimik lang si Felix at hinayaan lang si Aether sa ginagawa niya.

"Uy, sorry na. Nagulat rin ako no'n. I mean, earlier," said Felix while pouting, looking at Aether who's currently bending the soldier's arm.

She rolled her eyes upward, "Great, Felix. Pinaalala mo pa."

Tinutukoy ng lalaki ay ang pagbanggit nila sa pangalan ng babaeng sundalo nang sabay-sabay at seryoso pa.

"Sorry na nga, eh." Yumuko si Felix at ramdam rin Aether ang pagsimangot nito kaya natawa siya.

"Fine. Forgiven."

"Yehey!" Felix beamed and hugged Aether with his excitement.

Both of them was caught off guard, they even looked at each other's faces with only few inches apart.

At ayan na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ni Aether nang hindi niya maintindihan. Nagsimula lang ang kaguluhan sa kalooban niya nang tawagin ng limang lalaki ang pangalan niya nang sabay. At hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito ang sarili niya!

Ano ba talaga ang ibig sabihin niyon?!

Mas mabilis pa sa kidlat na kumuwala si Felix sa pagyakap sa babaeng sundalo na para bang napaso siya dahil doon. He looked away.

St. Agustin Hospital | ON-GOINGOnde as histórias ganham vida. Descobre agora