Anuman ang totoo ay ipinagsawalang bahala ko na lang sa huli. Hindi ako pupwedeng magtiwala sa kanya. Minsan na niyang hiniling na mawala ang anak ko kaya naman mahirap sa akin na pagkatiwalaan siyang muli sa kabila ng mga ipinapakita niya.

"Hija," ani Manang na nakasunod na pala sa amin.

May bitbit siyang tray na naglalaman ng mga pancakes. Mayroon ding baso sa gilid na naglalaman naman ng gatas na tingin ko ay para sa anak ko. Sa likuran ni Manang ay may isa pang katulong, tulad niya ay may dala rin itong pagkain. Ang kaibahan lang ay light meal ang laman niyon.

"Pinadadala ni Senyor sa inyong silid ang mga niluto niyang pagkain. Halika na bago pa lumamig ang mga ito," nakangiti niyang pagkausap sa 'kin, tila sa gano'ng paraan sinasabi sa akin na intindihin muna namin ang pagkain bago ang lahat.

Wala na akong nagawa pa kundi ang tumango at umuna sa paglalakad. Nagugutom na ang anak ko, kung makikipagpataasan pa ako ay walang mangyayari.

Ganadong kinain ni Erom ang pancakes na niluto ni Valjerome habang ako naman ay palipat-lipat lamang ang paningin sa kanya at sa pagkain ko. The food seems good, but my pride telling me not to eat it. Mas gugustuhin ko pang magtiis sa gutom kaysa kainin ang inihanda niya.

Why is he doing this anyway?

I get it. Gutom na ang anak ko at naghahanap ng pagkain. Pero bakit kailangang siya pa ang magluto? Ang dami niyang katulong na pwedeng utusan. May parte sa akin na nagsasabi na gusto niyang makuha ang loob ng anak ko, pero ayaw kong paniwalaan iyon. Ayaw kong magtiwala, lalo na at anak ko ang pinag-uusapan.

I was out of my reverie when I heard a knock. Napabaling ako ng tingin sa may pintuan at nakita ang marahan na pagsulyap ng kanang kamay ni Valjerome, si Jaime.

"Señior is asking you in his office," pormal niyang saad.

Wala sa sarili akong umirap at tinusok-tusok ang pagkain na dala ng katulong. "I'm still eating. Maghintay siya kamo," tugon ko.

"You're not eating it, you're destroying the food," a familiar voice spoke.

Natigilan ako at marahan na bumaling muli ng tingin.

Nakita ko si Valjerome na nakapamulsa habang nakatayo sa likuran ni Jaime. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin at saka inilipat ang kanyang atensyon sa pagkain na... yeah, dinurog ko.

'Pakialam mo? Ganito ako kumain, eh. Bakit ba? Kanya-kanyang trip lang 'yan.' Gusto kong sambitin ngunit pinanatili ko na lang sa isip ko dahil sa anak ko na ngayo'y nakamasid sa amin.

"Come to my office later," he said and started walking away.

Napahinga na lang ako nang malalim saka ngumiti sa anak ko na inosenteng nakatingin sa 'kin. Tila naghihintay na magkwento ako o anuman.

"Go on, continue eating. Pupuntahan lang ni Mommy 'yong boss, okay?" pagkausap ko rito.

Tumango lang si Erom saka muling pumilas sa pancake na nasa plato niya.

Napangiti na lang ako at hinaplos ang kanyang buhok.

I'll do everything to protect you.




"WHAT do you want?" seryosong bungad ko sandaling pumasok ako ng opisina ni Valjerome.

Tulad kahapon ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang swivel chair. He stared at me for a second then stood up from his seat.

"Huwag kang lalapit sa akin," agad kong sambit sa malamig na paraan.

Tumigil naman siya sa asta niyang paglalakad at nagpakawala ng buntonghininga.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want to spend time with my child, Jazzie. Please, huwag mo naman siyang ilayo sa akin," nangungusap na wika niya.

Sarkastiko akong tumawa. "Dapat pala sa ulo ka nadaplisan, ano? Baka sakaling matauhan ka kahit papaano."

"Alam ko, nagkamali ako sa naging desisyon ko noon sa anak natin. Pero pakiusap, hayaan mo akong bumawi ngayon. Kahit... makasama lang siya ayos na sa akin. Kahit hindi niya na ako kilalaning ama. Just please, hayaan mo akong makalapit sa kanya," namamaos niyang saad saka muling naglakad.

"HUWAG KANG LALAPIT SABI!" I yelled, but he didn't bother to stop.

The next thing he did, stunned me.

"Please... kahit hawak lang, kahit saglit lang. Hayaan mo ako, pakiusap," nanghihina niyang sambit habang nakaluhod sa harapan ko.

He glanced at me with his teary eyes. "Let me be with our child, Jazzie. I-I promise, I won't do anything bad. Hindi mo siya kailangang protektahan sa akin dahil ako mismo ang papatay sa sarili ko kapag sinaktan ko siya. Please... let me hold him, take care of him, love him." A lone tear escaped from his eyes. "Hindi na ako hihiling pa ng sobra, if you don't want our child to know that I'm his father, o-okay. Just, please... hayaan mo akong makasama at makabawi sa kanya sa paraang kaya ko," patuloy niya sa garalgal na boses.

Walang lakas niyang isinubsob ang kanyang ulo sa tuhod ko at yumakap doon. "Nagmamakaawa ako, Jazzie. Pakiusap."

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora