"Kita tayo mamaya ha?"

"Tatawagan kita, sige na."

Akala ko aalis na, aba may pagbalik pa si Rafael at hinalikan ako sa ulo.

"Iba ang ganda natin talaga!"

"Direk talaga!"

I just smiled.

The first set was fine. Halos ako pa lang tsaka yung lead man ang may mga scene.

I was about to go to Ninang Annika's clinic nung harangin ako ni Jessica.

"Alam mo, hindi ko alam kung paano mong nabibilog ang lahat ng tao. Paanong magiging kayo eh kelan lang kayo nagkakilala at iilang beses pa lang kayo nagkikita?!"

"Paano mo naman nalalaman ang mga pagkikita namin ni Raphael? Ano ka? Stalker?"

"Hindi! Pero ako ang nagpalit ng mga key card kaya alam na alam kong, noon lang kayo nagkakilala. Niloloko nyo kaming lahat."

"Ah, so ikaw pala."

"Oo! Ako ang nagpalit ng keycard nya! Ako rin ang tumawag ng media. Kaya hindi mo ako maloloko."

I needed to calm myself. At least now, I know who is backstabbing me.

"Galit ka? Galit ka hindi ba? Bakit di mo ako sampalin o itulak? Para masabi ko sa lahat na sinaktan mo ako kasi sinet up kita??!"

"Bakit naman ako magagalit?? You gave me opportunities, why would I not grab it? Thank you ha! Can you see how good my life is getting? Thank you, next time, make sure your evil plans will not get back on you!"

"Jan ka na!"

Tinulak ko sya at umalis na.

I told Mary everything. She's knows everything about this, sya ang laging karamay ko.

"You know girl, sabihin mo kay Doc yan! Kasi mahirap na. Ako na ang bahala sa'yo. Ako na rin ang magsasabi kay Tita Aria. Siguradong tsugibells yan."

"Sasabihin ko nga kay Paeng pero mamaya siguro."

"Bakit di mo itext?"

"Bakit ko itetext?"

"Ui! Magboyfriend kayo, walang masama kung itetext mo yung tao."

"Pero----"

She pouted pointing at Jessica.

"May nagaabang sa'yo at sa mga ginagawa mo, kaya go, pagbutihin mo."

"No Mary, let us make her crazy thinking about everything. I will not give away news for her to bend again."

"Tama yan."

"Pero Mary, sa atin na lang muna ito. Let's find concrete evidence muna."

"Ayie! Kailangan na matanggal ni Jessica."

"Mary, mas mabuti kapag mas malapit sa atin si Jessica. If she goes away, then, it'll be hard to control."

"Tama ka rin naman. Pero nakakagigil sya!"

"Wala muna tayo magagawa sa ngayon Mary pero may araw din yan."

"Haiii Ayie, paano nga ba kayo naging magkadugo ng talangkang yan eh magkaibang-magkaiba naman kayo??!!"

"Maybe because I am a Seigfreid."

"Malamang nga. Tsaka baka hindi talaga kayo magkadugo."

"Sana lang talaga Mary."

I left Mary and went to Ninang Annika who's already waiting for me.

"Ninang."

"Kanina pa kita hinihintay ha."

DesugaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon