SSNHB - 22

41 6 21
                                    

A/N: I'm so sorry for slow and late update, I am really busy the past few weeks dahil gawaan n grades ng students ko and I have to edit some videos. Here's an update, hopefully, this week sched is not hectic anymore. Enjoy 💕






Ilang minuto akong napatulala dahil hindi agad rumihistro sa utak ko ang sinabi ni Ken. Gusto niya ako? Totoo ba? Kailan pa?

"Mia..." Pagtawag nya sa akin dahil ilang minuto rin akong hindi kumibo dahil sa pagkagulat. "Ayos ka lang ba?" Muli niyang tanong.

I cleared my throat and fixed my hair that's blocking my face because of the wind. I looked at him again at ganoon pa rin ang tingin niya. Malamlam, nanghahalina.

"A-ah oo, ayos lang ako Ken." Sabi ko nang makabawi nako sa pagkagulat. I looked at the view outside.

The sun already sets and the dark sky with billions of stars shining above welcomed my sight. The cold breeze of air adds up to these unnamed feelings I am feeling right now. Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa kamay ko na binabalot ng lamig. I looked at him again, and he smiled with me sweetly.

"Mia, it's okay with me even if you don't return the same feeling. Gusto ko lang talaga sabihin sa'yo ang nararamdaman ko. I don't want to leave this world again with another regret." Mahinang sabi niya.

Humarap ako ng tuluyan sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Tumingin sya sa kamay naming magkahawak bago niya inilipat ang tingin sa mga mukha ko.

I smiled at him, at kahit halos lumabas na ang puso ko sa bilis ng tibok nito ay binanggit ko rin ang mga salita na magpapangalan dito sa nararamdaman kong ito.

"I like you too, Ken." Dahan-dahan at halos pabulong na sagot ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa mga kamay ko. When I looked at him, I mirrored his eyes, we're both sharing and showing the same emotions.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya. I nodded at him because I don't think I can utter a word anymore without bursting into tears.

"Shit!" Napatakip sya sa bibig nya habang humihinga ng malalim. Hindi ko maiwasang mapatawa sa rekasyon niya. "Totoo talaga?" Tanong niya na hindi pa rin makapaniwala.

"Oo nga! Ang kulit, gusto mo bawiin ko?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman sya agad at dinala sa mga labi niya ang kamay ko para halikan ito. I know I am blushing right now because I can feel the heat in my face.

"Cute mo." Saad niya at pinisil ang mukha ko. Inirapan ko lang sya at tumingin na lang sa labas upang tanawin ang paligid. Malapit na rin kaming bumaba. Ilang minuto kaming ganoon, magkahawak ang mga kamay, tahimik na minasmadan ang paligid at dinadama ang hampas ng malamig na hangin sa balat namin.


Nang makababa ay magkahawak kamay pa rin kaming naglalakad papasok ulit sa loob ng mall. Balak namin na magtake out na lang from Chowking.

Habang nakapila sa loob si Ken ay nag-aantay lang ako sa isa sa mga vacant table sa labas ng kainan. I was observing a group of people, couples, and even family passing by. I heaved a sigh and looked back at Ken who's now in front of the counter. I smiled when I remembered how warm his hands are on mine.

"Atty. Ellena, kumusta ang pinapagawa ko sa'yo?" I was stunned in my track when I heard that familiar voice speaking.

"Medyo mabagal ang kilos Mr. Herrera dahil nag-iingat talaga si Ramirez sa bawat galaw nya." Sagot naman ni Ellena. I looked slowly at my back and there, I saw the two of them speaking seriously like I am not around.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now