SSNHB - 24

33 5 2
                                    

Makalipas ang halos isang oras matapos makaalis ni Mia ay siya namang dating nila Dustin at Liam dito sa bahay.

"Akala ko ba si Jake ang kasama mo pag punta dito Dust?" Tanong ko rito nang makapasok sila sa loob ng bahay.

"Sila Jake na lang pinasama ko kay Paulo. Sil ana lang ang aattend sa trial mamaya. Sinabihan na rin nila sila Tita, kaya baka doon na lang sila magkita-kita." Paalam sakin ni Liam habang nag-aalmusal kami.

"Hindi ba nagtaka sila mama kung bakit hindi kayo kasamang dalawa?" Tanong ko sa kanila. Kasi alam ko naman na magtataka talaga sila mama dahil halos mula nung isugod ako sa ospital hanggang sa ilibing ako ay kumpleto silang lima.

"Hindi naman, sinabi lang nila Paulo na may kailangan lang kami lakarin ngayon ni Liam, at makikibalita pa rin from time to time." Sagot naman ni Dustin. Tumango naman ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay sila Dust at Liam na ang nagpresinta na mag linis sa may kusina. Hindi naman na ako tumutol at umakyat na lang sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos ay bumaba ulit ako at nakita ko silang dalawa na nasa sala at may pinapanood.

Tumabi ako sa kanila sa sofa at tinignan ang pinapanood nila. Pagkatapos nila manood ay humarap silang dalawa sakin. Tila may gustong sabihin. Tinaasan ko sila ng kilay dahil mukha na silang tanga na nakatitig lang sakin.

"Kumusta si Atty.?" Tanong ni Liam. Napailing naman ako sa tanong niya, at kusang napangiti dahil muli na naman pumasok sa isipan ko ang itsura ni Mia kanina bago siya umalis.

"Ayos lang naman siya. Hindi nga lang ata nakatulog ng maayos dahil inasikaso nga ang trial ko ngayong araw." Sagot ko sa kaniya.

"Hindi ba siya kinaabahan?" Tanong naman ni Dustin.

"Mukha kamo siyang kalmado, lalo na kanina bago siya umalis. Parang wala lang sa kaniya ang mangyayari ngayong araw." Pagkukwento ko base sa nakita kong emosyon sa mukha ni Mia kanina.

Totoong mukha siyang hindi kinakabahan dahil sobrang kalmado niyang tignan. Para bang siguradong sigurado siya na mananalo siya sa labanan na mangyayari ngayon. Yung mukha niyang hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon, pero kung titigan mong maigi, ayun yung mukha nang walang kinakatakutan.

"Wala bang boyfriend si Atty.?" Curious na tanong ni Liam. Bago pa ako makasagot ay pabalang na siyang sinagot ni Dustin.

"Mukha bang meron? Tingin mo kung may boyfriend yon, papayag ba yung boyfriend non na dito muna tumira si Ken? Isip naman Liam." Tumawa naman ako sa mahabang litanya ni Dustin.

"Wow, Dust sorry ha. Malay mo meron pala, pero okay lang kasi naawa din kay Ken." Pagpipilit naman ni Liam.

Bago pa makasagot muli si Dustin ay ako na ang nagsalita. "Walang boyfriend si Mia, Liam. Pero magkakaroon na." Nakangising sagot ko sa kaniya.

Kunot-noo naman silang lumingon sakin ni Dustin. "Ha? Paano mo nalaman na magkakaroon na siya ng boyfriend? Pinakilala niya sayo yung manliligaw niya?" Tanong ni Dustin.

"Bakit niya pa ipapakilala sakin? Eh ako nga yung manliligaw niya." Preskong sabi ko. Kung kanina ay gulat sila, ngayon ay halo lumuwa na ang mata nila at natulala dahil sa sinabi ko.

"Luh? Gago? Seryoso ka ba dyan Ken?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dustin nang makabawi na siyas sa pagkagulat.

"Weh? Utot mo blue Ken. Baka nahihilo ka lang." Pambabara naman ni Liam at halatang hindi siya naniniwala.

"Oo nga. Letse kayo bakit ayaw nyong maniwala?" Tanong ko sa kanila. Mukha ba akong nagsisinungaling?

"Gago, bakit si Atty.?" Seryosong tanong ni Dustin. Tinitigan ko silang dalawa ni Liam at parehas na silang seryosong nakatuon ang atensyon sakin.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now