SSNHB - 04

76 6 3
                                    

"Ugh. Mia! Ang ingay ng cellphone mo!" I heard Ate Marie whine. I can also feel her pinching my thigh. Kinapa ko naman ang hinihigaan namin para patayin yung cellphone ko.

Nang makapa ko na ang cellphone ko ay nakita ko ang pangalan ng secretary ko na si Anya. Sinagot ko naman agad ang tawag niya.

"Hello, Anya bakit ang aga aga mo naman tumawag?" I ask in a low voice baka masapak na ako ni Ate pag nakarinig pa 'to ng ingay.

"Ma'am, sorry to disturb you pero need niyo pong pumunta dito sa law firm before lunchtime." She answered on the other line. Tinignan ko naman kung anong oras na. Damn, it's only 6 in the fucking morning.

"You should have at least called maybe later around 7 or 8 am. Anya ang aga-aga or you can at least texted me." I scolded her. Damn, ang sakit ng ulo ko. I looked at Ate Marie again, I shook my head and laugh at her.

Paano ba naman kasi, halos lahat ng unan nasa kanya na tapos naka-taas pa yung damit niya exposing her belly, binaba ko na lang yung damit niya dahil baka kabagan pa 'to.

"Sorry Ma'am, I just announced it early." She said.

"Too early. Is there anything else you want to say?" I asked her. Ang sakit talaga ng ulo ko. Tanginang hang-over 'to.

"Ahm, makakapunta po ba kayo ma'am?" She asked.

"Ano bang meron mamaya? Today should be my rest day, right?"

"Ma'am, may big announcement daw sa firm mamaya eh. Lahat daw po dapat nandoon." Sagot ni Anya. I pinched the bridge of my nose. Ang sakit ng ulo ko dahil sa hang-over tapos may trabaho ngayon na dapat ay wala.

"Okay. Bye," I said and dropped the call.

Sobrang sakit pa talaga ng ulo ko. Matutulog muna ulit ako. I set my alarm at 9 AM and then sleep again. I scooped closer to Ate Marie and hug her from behind. Actually nasa sala lang kami ng bahay niya, hindi na kami umakyat sa kwarto dahil sa sobrang kalasingan. Good thing nag latag kami agad ng kutson bago kami mag-inuman kagabi.

I woke up when I hear my phone alarmed. I reached for it and turn it off. Umupo naman ako agad at nag-unat. Saktong 9 AM na, ugh! Nakakatamad talaga kumilos.  This announcement should be important or else...

Nakita ko rin na gising na si Ate dahil hawak na niya ang cellphone niya. Pinalo ko ang pwet niya para malaman niya na gising na ako.

"Mia! Punyeta ka talaga tigilan mo pwet ko." She hissed. Tumawa lang ako. Paano ba kasi ang sarap talagang hampasin ng pwet niya, sana all matambok pwet hmp.

"May laman ref mo? Magluluto ako almusal natin. Ano gusto mong kainin?" Tanong ko sa kaniya habang nag s-scroll saglit sa social media account ko.

"Oo nag grocery ako kahapon. Gusto ko mag bacon tsaka boiled egg wag mo ilaga ng masyado please tapos iced coffee." Sabi niya habang nakangiti ng malaki sakin. Parang bata talaga.

"Okay magkakanin ka ba?" I asked.

"Of course. Rice is life." She exaggeratedly said. Well bat ko ba kasi tinanong pa? E sa aming dalawa siya lagi ang nagkakanin pero hindi naman nataba. Ang unfair!

Dumiretso nako sa kusina at kinuha yung bacon sa freezer. Ibinabad ko muna sa tubig yon para mawala na yung yelo, after that ay nag saing na ako. I planned to eat bread only pero dahil alam kong sesermonan na naman ako ng kasama ko ay kakain na rin ako ng kanin. Sinabay ko na rin ang pagpapakulo ng tubig saka nilagay yung dalawang itlog. After that ginawan ko na agad si ate ng iced coffee, habang ako ay hot choco naman.

Pag silip ko sala, nakita ko si ate na nililigpit na yung mga bote ng alak, pati na rin yung kutson na hinigaan namin. Bumalik na ako sa kusina at inalis na yung itlog sa kumukulong tubig, tapos pinahinaan na rin yung kanin ng kumulo na 'to. Agad ko din namang niluto yung bacon. After ng ilang minuto pa ay lumabas na ako ng kusina dala-dala yung bacon at itlog. Agad namang kumuha ng kanin si ate at dinala din iyon sa sala.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now