SSNHB - 39

38 5 0
                                    

SSNHB – 39

Sabay na bumalik sila Dave kasama ang girlfriend nitong si Guia at sila Ate Marj at Kuya Ivan kasama ang anak nilang si Mavi. Pagdating nila ay napagdesisyunan na mag convoy na lang kami dahil may kaniya-kaniya namang sasakyan sila Dave, Ate Marj, Ate Marie and Mia.

"Bali, ako, si Ken, Tita Myla and Tito Danilo ang magkakasama sa sasakyan ko." Sabi ni Mia na siyang nag presinta na igrupo-grupo kami.

"Ikaw Ate Marie sino ang isasabay mo sa'yo?" Tanong nito sa pinsan.

"Ako, si Liam, tapos sino pa gustong sumabay sa amin?" Tanong din nito nang hindi alam kung sino ang isasabay.

"Wow, si Liam talaga agad ang pinili." Pang-aasar ni Kuya Ivan dito.

"Well, priorities." Sagot naman ni Ate Marie at kinindatan si Liam. Nagtawanan naman kami sa kaharutan nilang dalawa.

"Kami na lang ni Ate Kat ang sasabay sa'yo Ate Marie." Sagot ni Khloe sa naunang tanong ni Ate Marie.

"Alright! Kayo Ate Em, sino ang isasabay niyo?" Tanong nito kay Ate Marj.

"Sa backseat ko din ilalagay si Mavi, so isa lang ang masasabay namin." Sagot ni Ate Marj.

"Ako na lang sasabay sa inyo Ate Marj. Ang cute ni Mavi." Sabi ni Khloe.

"Akala ko ba kay Ate Marie na tayo?" Takang tanong ni Kat sa kapatid namin.

"Eh, si Kuya Dustin na lang kasama mo. Dito na ako kila Ate Marj, lalaruin ko si baby Mavi." Sagot naman ni Khloe at saka lumapit kay Kuya Ivan na siyang may karga kay Mavi.

"Okay, so Dust, kila Liam ka na sumabay. Tapos si Khloe kila Ate Marj." Tugon ni Mia saka bumaling kila Paulo at Jake.

"Pau and Jake, kila Dave and Guia na lang kayo." Saad ni Mia sa mga ito. Tumango naman silang dalawa.

Nang masettle na kung sino ang magkakasama ay lumabas na kami ng bahay. Tinulungan ko si Mia na magsara ng pinto at mga bintana at saka ng gate. Nang masigurong okay na ay agad na kaming sumakay sa sasakyan.

"Ako na lang ang mag dadrive." Saad niya sa akin.

"Sure?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin at saka tumango. Hindi ko na siya pinigilan at saka sumakay sa passenger seat habang sila mama at papa naman ay sa backseat sumakay.

Mia revved the engine and then put her phone in the dashboard at saka binuksan ang internet para i-video chat sila Ate Marie, Ate Marj at Dave.

"Saan nga ulit yung resort?" Tanong nito nang sagutin ng apat ang tawag.

"Sa Batangas. The Farm At San Benito." Sagot naman ni Ate Marie rito.

"Okay. Ingat sa pagdadrive." Sagot ni Mia saka pinatay ang tawag. Agad nitong sinuot ang seatbelt at saka inayos ang rearview mirror ng sasakyan. Bumaling ito kila mama at papa at nakangiting tinanong kung ayos lang ba ang mga ito.

"Oo Mia, ayos lang kami." Nakangiting sagot naman ni mama. Nang marinig ito ni Mia ay agad na nitong pinaandar ang sasakyan.

Nauna nang umalis sila Ate Marj kasunod si Ate Marie, sila Dave at kami. Habang nasa biyahe ay nag-uusap usap lang kami at hindi iniinda ang traffic.

Lumingon ako kay mama nang maramdaman ko ang paninitig niya sa akin. Nginitian ko ito ng makitang nangingilid na ang luha sa mga mata nito.

"Bakit ma?" Tanong ko rito. Ngumiti ito atsaka inilahad ang kamay niya sa akin. Inabot ko naman ito at hinawakan ng mahigpit.

"Wala naman anak, pinagkakasya ko lang ang sarili ko sa iilang oras na mayroon ka pa. Gusto ko lang alalahanin ang mukha mo, kahit alam kong imposible na makalimutan ko ito." Puno ng emosyon na sabi niya.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now