"Erom," pagkuha ko sa atensyon ng anak ko.

Ngumiti ako sa kanya sandaling tumingala siya sa akin. "This is Nanay Fe," pagpapakilala ko kay Manang. "Siya naman po ang anak ko, si Erom," ani ko kay Manang pagkatapos.

Hinaplos niya ang mukha ng anak ko at ngumiti. "Napakagwapo mong bata, hijo. Palagi kang magbabait, ha."

Mabilis na tumango ang anak ko bilang tugon.

"Manang," usal ko at palihim na inilibot ang paningin sa kabahayan, hinahanap ang presensya ng dati kong asawa.

"Ano iyon?" masuyong usisa ni Manang.

Namumungay naman akong tumingin sa kanya. "Pwede niyo po ba munang tingnan si Erom? Kakausapin ko lang po si Valjerome," magalang kong saad.

Isang ngiti ang pinakawalan ni Manang at tumango. "Ako na ang bahala," paniniguro niya sa akin.

Ngumiti na lang din ako pabalik saka hinarap ang anak ko.

"Anak, kay Nanay Fe ka muna, ha. May gagawin lang na importante si Mommy. Remember my reminders, okay? Huwag kang basta sasama sa kahit sino," pagbibilin ko.

"Okay, Mom. Take care po," he answered.

Napahinga na lang ako nang malalim at saka siya niyakap bago maingat na itinulak palapit kay Manang.

"Nandoon siguro siya sa kanyang opisina," imporma niya sa akin.

I nodded and turned my back against them. Nagsimula akong maglakad patungo sa hagdanan at sinimulan iyong akyatin.

It felt like a dejavu. Anim na taon na ang nakakalipas pero nandoon pa rin 'yong alaala ko sa bawat sulok ng bahay na ito.

Pagkatapos ng ilang minuto na paglalakad at tuluyan ko na ngang narating ang harapan ng opisina ni Valjerome. I didn't bother to knock and just opened the door. Agad ko siyang nakita na nakaupo sa kanyang swivel chair, tila talagang hinihintay ang pagpunta ko sa kanya.

I closed the door and then coldly looked at him. "Paalisin mo kami ng anak ko," mariin kong untag.

He just stared at me then licked his lower lip. Marahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo at saka naglakad patungo sa akin.

"Anak ko rin siya," pagpapaalala niya nang nakarating siya sa harapan ko.

I scoffed and laughed sarcastically. "Hindi mo siya anak, Valjerome."

I saw his jaw clenched. "Hindi ko siya anak sa papel, oo. Pero ako ang tunay niyang ama."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya at gawaran siya ng isang malakas na sampal.

"Ang kapal ng mukha mo," nagngingitngit kong wika. "Anong karapatan mo para tawagin ang sarili mo na isang ama?!"

He glared at me. "Ano rin ang karapatan mo para itago sa akin ang anak ko at ipa-apelyido sa iba?!"

I slapped him again. Halos mag-init ang palad ko sa lakas ng sampal na ginawa ko.

Mas lalong tumalim ang paningin ni Valjerome at nakita ko ang pagbakat ng mga ugat niya sa leeg dahil sa labis na pag-igting ng kanyang panga.

"Nauntog ka ba?" sarkastiko kong sambit saka walang laman na humalakhak. "Kung umasta ka ay para bang inapi kita gano'ng ikaw ang rason kung bakit siya nakapangalan sa iba!" sigaw ko.

"YOU. ASKED. ME. TO. ABORT. HIM," I reminded, glaring with my emotionless eyes. "You fvcking asked me to kill the child that you're shamelessly claiming now."

Hindi siya agad nakaimik sa sinabi ko. Ang kanyang matalim na mga mata ay unti-unting namungay habang nakatingin sa akin.

"Abort it. Abort that child. Hind ko gustong magkaanak sa 'yo. 'Yan ang mga linyang sinabi mo noon, Valjerome." Tumingala ako para pigilan ang nagbabadya kong luha.

"You should at least tell me the truth," he said hoarsely.

I shook my head with disbelief and slapped him one more time. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at saka muling tumingin sa 'kin. He looked at me with his bloodshot eyes.

"Gising ka na? Tngna nasaan ang pagiging Mafia boss mo? Literal na vovo itong nasa harapan ko," pang-iinsulto ko.

"Tell him the truth," nanghihinang wika niya. "Tell him that I am his real father."

I scoffed. "Bakit hindi ikaw ang magsabi sa kanya?" panghahamon ko.

"Hindi pa ba sapat sa 'yo na ipina-apelyido mo siya sa iba?" namamaos niyang wika.

Pagak akong tumawa. "Kung umasta ka ay parang ako pa ang nang-agrabyado, Valjerome. Sintido-kumon. Naghanap ang anak ko ng tatay, sa lahat ng mga ginawa mo noon. Tingin mo ay pag-iisipan ko siyang ipa-apelyido sa 'yo?"

"I will change his surname," he said instead of answering.

I smirked. "Change it then. But that will not change the fact that for my son, Chaos is his father."

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. Gusto ko iyong paniwalaan pero isang katangahan kung gagawin ko iyon. Isa pa ay wala iyong silbi, nagsisisi man siya o hindi, huli na ang lahat para doon.

"Ito ba ang ganti mo sa akin, Jazzie?"

I coldly looked at him. Mas lumapit ako sa kanya saka pinasadahan ng aking daliri ang kanyang balikat paibaba sa kanyang braso.

"I am..." With my quick movement, I took his gun and pointed it under his jaw. "Protecting my child, Valjerome. This is not a revenge," I stated.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now