Part 8

352 2 0
                                    

 - - - - - - - - - - -

“Gus, ano ka ba? Kaya ko ang sarili ko.”

“Nakakahiya naman sa’yo.”

“Diba sabi ko wag kang mahihiya? Tayo-tayo na nga lang ang nagtutulungan eh.” inis nyang tugon.

“Pero—kahit na!” nag-aalinlangan kong sagot.

“Hay! Ginagawa ko ‘to kasi gusto ko, hindi dahil napipilitan ako. Isa pa, nakita mo na ba yang hitsura mo sa salamin?”

“Hoy Jerra! Grabe ka naman.” singit ni Ate Tess.

“O bakit? Wala naman akong pinapahiwatig ah. Ang akin lang naman, gusto kong malaman nya na namumutla sya. Natutulog ka pa ba?” taas-kilay na tanong ni Ate Jerra.

Tuluyan nang pumasok si Ate Tess sa workroom at nakisali sa usapan namin patungkol sa “sana ay” leave ni Ate Jerra. Sa susunod na buwan na kasi sya manganganak pero nagpupumilit parin syang magtrabaho dito sa shop.

Dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas nang magsimula ang second semester pero lupaypay na ang kaluluwa ko. Hindi ko na mapagkasya ang bente kwatro oras dahil sa dami ng aking mga gagawin.

Pandagdag stress din ang pagkakaroon ko ng duty bilang iskolar. Dahil sa aking kurso, na designate ako bilang assistant sa school clinic. Tuwing martes at huwebes lamang ang aking duty.

Light lang naman ang workload at mabait naman ang university physician pero dahil busy rin sya, sa akin napapasa lahat ng paperworks pati pag-organize ng files. Kaya hindi na ako magtataka kung susunod na linggo ay bibigay na ang mga daliri ko.

“Natutulog naman po ako ate. Marami lang talaga akong inaaral kaya nagpupuyat ako.” tugon ko.

“O, eh nagpupuyat ka pala! Ni hindi ka na nga magkanda-ugaga sa dami ng mga costumer mo diba? Kaya hayaan mo na ako.” pagpupumilit nya.

“Ate, ayokong mastress ka. Baka mapano yang dinadala mo.”

“Hay naku, hayaan mo na nga sya Gus! Kahit anong pagpigil mo jan eh babalik at babalik yan dito. Sasakit lang ulo ko kakasaway jan.” singit ulit ni Ate Tess.

“Bruha ka Tess! Pero may point ka. Isipin mo Gus, kung si Tess ang gagawa ng ibang flower arrangements, palagay mo may matitira ka pang costumer?” pangungumbinsi nya sa akin.

“Leche ka! Umuwi ka na nga, kanina ka pa hinihintay ni Badong.” ganti ng tiyahin ko.

“Wala na ba talaga akong magagawa para pigilan ka ate? Final na ba talaga yang decision mo na tumulong parin dito?” tanong ko sa kanya.

“Wala na nga!” sabay nilang sagot saka nagtawanan.

“E-eh, maraming salamat…”

Malaking ngiti lang ang isinukli ni Ate Jerra nang lapitan ko sya at yakapin ng mahigpit. Manganganak na sya pero iniisip parin nya ang kapakanan ko. Ang swerte ko dahil sila ang naging pamilya ko.

“O sya, kausapin mo ulit si Tiyang Minia dun sa plano nating maghire ng tauhan ha? Mahihirapan kami kapag nagdedeliver sa malayo si Badong. Walang tagabuhat ng mabibigat na halaman.” bilin ni Ate Jerra habang palabas ng workroom.

Bukod kasi sa mga potted plants at flower arrangements, nagbebenta na rin kami ng iba’t-ibang uri ng mga pot, vases, at mga fertilizers. Kaya pag nagdedeliver si Kuya Badong, si Ate Tess lang ang natitirang tagabuhat ng mga halaman at pot.

“Ewan ko ba kasi jan sa nanay mo kung bakit ayaw maghire ng hindi nya kakilala.” reklamo ni Ate Tess nang makapwesto na sa counter.

“Kasi nga hindi nya kakilala, timang. O sige, alis na ako ha…” paalam ni Ate Jerra.

Meet My Middle FingerWhere stories live. Discover now