Part 1

3.4K 13 1
                                    

Ako si Hunter Pineda, 18y/o, heartthrob ng university. May karapatan akong magyabang kasi gwapo ako, mayaman, matalino, simpatiko.

Sya si Gustavo Jalandoni, 17y/o. Creep, weird, freak, pangit.. nung nagsabog ang Diyos ng biyaya, sya lang ata ang tulog. Sya yung tipo na kapag tiningnan mo, masusuka ka na, mamalasin ka pa.

Langit at lupa ang pagitan namin. Pero pilit kaming pinaglapit ng tadhana. Hindi ko aakalain na dahil sa apat na katagang iyon, magbabago ang kapalaran naming dalawa.

But me? Fall in love with him? AS IF.

******

"Heyya everyone, I'm Hunter Mav Pineda, 18. Single, ready to mingle. My cell no. is 09xxxxxxxxx, exclusive only for beautiful ladies. Nice to meet y'all."

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga babae matapos kong magpakilala. 1st day of college life, andami ko na agad fans. Syempre, sino ba ang hindi maiinlove sa gwapo kong 'to?

Maraming nagsasabi na kahawig ko daw si Taylor Lautner/Channing Tatum, mas lamang nga lang ako ng sampung paligo. Proud ako sa katawan ko at hindi ko itinatanggi na ilang sikat na brand na ang nag-alok sa akin para mag model.

Especially underwear.

6ft ang aking height at isa akong champion swimmer. Pero sa kasamaang palad, tumanggi si mommy na sumali ako sa Junior Olympics.

To tell you frankly, my mom's a dictator. Lahat ng katagang lumalabas sa bibig nya ay batas. No wonder naghiwalay sila ni dad. Pero dahil sya ang nagpapaaral sa akin, lahat ng gusto nya ay sinusunod ko.

Just like my course. Gusto ni mommy na sumunod ako sa kanya sa Texas at magtrabaho doon. Kaya sa ayaw at sa gusto ko, nursing ang kinuha kong kurso.

I don't like it. In fact, I hate it. Sino ba naman ang gustong maging alalay ng duktor? Maghugas ng pwet ng mga matatanda? Maglinis ng suka ng mga bata? Isn't it tantamount to being katulong? Ugh.

But no choice. Kung ayaw kong ma-cutoff ang allowance at credit cards ko, kailangan kong sumunod sa kanya sa ayaw at sa gusto ko.

Dad and I were never close. The last time I saw him was 8yrs ago; I was 10yrs old then. Simula noon, wala na kaming communication. My mom was too busy working sa US para asikasuhin ako.

"Well, next person please."

Natigil ang pag-iisip ko nang makita ang isang lalaki na pumunta sa harap. Kung mayroon mang kataga para madescribe sya, yun ay: YUCK.

He's creepy, weird, freak. No space for new pimples sa mukha nya. Sino bang nagpapasok sa kanya sa university? Eh mas marumi pa mukha nya kesa dun sa taong grasa na nakatambay sa labas ng 7eleven eh.

"Ahemm.. a good morning to you too. I-I'm Gustavo Jalandoni. I'm so nice to meeting."

"BWAHAHAHA!!"

Napatawa ako ng malakas. What the?? Hindi pa marunong mag-English. Anong klaseng entrance exam ang binigay nila para makapasok "ito" dito?

"Mr. Pineda, no laughing at class." sabi ni Sir Valentin, isa sa mga clinical instructors namin.

"Sor...sorry sir. But c'mon, he's in college na. Hindi pa maayos ang grammar. Diba?"

Sumang-ayon ang halos lahat sa classmates ko. Totoo naman talaga eh. Pati nga ibang C.I. natawa dahil wrong "gramming" si Gustarbo.

Even his name is unremarkable. Everything about him is unremarkable. He's a sight for sore eyes. Nagko-contribute lang sya sa air pollution.

"Okay, quiet down class. We will start the lecture na." sabi ni Sir Valentin.

Meet My Middle FingerWhere stories live. Discover now