Part 9

352 2 0
                                    

 - - - - - - - - - - - - - -

Pupungas-pungas pa ako nang masulyapan ang silahis ng araw na sumisilip mula sa puwang sa pagitan ng mga kurtina. Dala ng malamig na hangin ang halimuyak ng bukang liwayway.

Sa hindi kalayuan ay maririnig ang pagtilaok ng manok. Hindi nagtagal, napuno ng tilaok ang paligid, waring nagsisi-awitan upang gisingin ang sanlibutan.

Nakaramdam ako ng pamamanhid sa aking bisig at kirot sa leeg; nakatulog pala ako ng nakaupo habang ang ulo at kamay ko ay nakahilig sa gilid ng kama.

Datapwat ng maalala ko ang pangyayari kaninang madaling araw, hindi ko na lang inalintana ang posisyon ko. Mas importante ang kalagayan ng lalaki sa kama.

Mahimbing ang tulog nya. Namumutla parin pero mas maayos na ang paghinga nya kumpara kanina. Kung hindi lang nagtataas-baba ang kanyang dibdib, mapagkakamalan mong sumakabilang-buhay na ang batang ito.

Litaw na litaw ang naglalakihang mga eyebags at nangingitim na mata. Talagang kinareer nga nya ang pagkayod para sa ekonomiya. Napabuntong-hininga na lang ako.

Natuon ang pansin ko sa kamay naming magkahawak. Hinaplos ko iyon gamit ng aking hintuturo bago pinisil ng marahan.

Makalipas ang ilang sandali, kinuha ko ang bimpo sa kanyang noo. Papalitan ko na sana iyon, pero lumamig na pala ang tubig sa planggana. Magpapakulo na lamang ako ng tubig maya-maya.

Chineck ko ang temperature nya, 38.5°C — mas mababa kaysa sa naunang 39.8°C kanina, pero mataas parin. Buti naman at umpeketo ang ginawa kong pag TSB.

Napabulong ako ng pasasalamat sa CI namin na naglecture kung papano gawin ang proper TSB. Hindi ko alam na magagamit ko ang natutunan ko ng ganito kaaga.

“Fuhhh, what will you do without me, little shit?” bulong ko sa kanya.

“Ngh..” bahagya syang gumalaw at napakunot ang noo.

Napangiti na lamang ako at binigyan ng konting pisil ang oily nyang ilong. Tumayo ako para itapon sa banyo ang malamig na tubig. Sya namang pagpasok ni auntie sa kwarto.

“Magandang umaga, nak… heto, dahan-dahan at bagong kulo yan.” inabot nya sakin ang isang thermos.

“Good morning din auntie. Tamang-tama, bababa sana ako para magpakulo eh.”

Inilapag ko ang thermos sa bedside table saka kumuha ng isang tabo ng tubig sa banyo. Napaupo naman si auntie sa kama ni Gus at kinapa ang kanyang leeg.

“Kamusta na sya?”

“Mataas parin yung po yung temp nya pero mas mababa na kumpara kaninang madaling-araw.” tugon ko naman.

“Salamat nak ha, magdamag mong binantayan si Gus.”

“Walang anuman auntie…”

Naglagay ako ng umuusok na tubig sa planggana at binuhusan iyon ng tubig para maging maligamgam. Nagbabad ako ng bimpo pero nang pipigain ko na ay pinigilan ako ni auntie.

“Ako na’ng magpupunas sa kanya nak, mag-almusal ka na muna.”

“Ho? Eh, kaya ko na ‘to auntie.” tanggi ko bigla.

“Ako na, alam kong hindi ka pa nakakatulog simula nang magising ka. Ako na muna dito.” inagaw nya ang bimpo na nasa planggana.

“Actually kagigising ko lang auntie.”

“Ganun ba? Edi mag-ayos ka na lang at baka ma-late ka sa klase. Mahal ang tuition nyo kaya dapat mag-aral ka ng mabuti.” pangaral nya.

“E-eh, sige po. Pero hihintayin ko na lang syang magising para naman may kasabay si Gus mag-almusal. Maliligo muna ako.” paalam ko.

Meet My Middle FingerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin