Part 12

445 2 5
                                    

*******

Payapa ang gabi.

Bukod sa yabag ng aking mga hakbang, tanging ang huni ng kuliglig at lagaslas ng mga dahon ang maririnig.

Minsan ay nababasag ang katahimikan sanhi ng panaka-nakang pagkahol ng mga aso mula sa di kalayuan.

Umihip ang malamig na hangin at nanindig ang aking balahibo nang dumampi ito sa aking mukha. Mabuti na lamang at makapal itong aking suot, kung hindi’y pati tuhod ko ay kanina pa nangatog.

Hinawakan ko ang strap ng aking bag na nakasukbit sa aking balikat at binilisan ang paglalakad pauwi ng bahay.

Mag-aalas dos na ng madaling araw ngunit ngayon pa lamang ako nakauwi. Ang hirap palang maghanap ng taxi na masasakyan.

Wala rin namang jeep na nagagawi papuntang hotel na iyon kaya wala akong choice kundi maglakad doon sa labasan at mag-abang ng taxi.

O dahil baka natatakot ang mga driver sa mukha ko kaya di nila ako pinasakay kahit ganitong nakagayak na ako?

Hay, bakit kasi ganito ako kapangit?

Hindi ko naman sinisisi ang mama at papa, pero nakakapagod na rin na pulos kamalasan ang aking inaabot dahil sa mukha ko.

Katulad na lamang nang nangyari kanina sa party bago ako makauwi...

“Watch out!”

Muntik na akong matumba nang may humila sa aking inaapakan. Paglingon ko ay sinalubong kaagad ako ng nanlilisik na mata ng isang ginang.

Hinihila nya ang laylayan ng kanyang gown na hindi ko sinasadyang maapakan.

“Look at what you’ve done! Ingat na ingat ako tapos aapakan mo lang ang gown ko?”

“Sorry p—“

“Sorry? SORRY? Hindi mababayaran ng sorry mo ang nasira kong gown!” sigaw nya sa matinis na boses.

“Mam, d-di ko naman po sinasadya. I-iniwasan ko lang po yung staff na may dalang tray ng maruruming plato—“

“I don’t care kung nag banggaan kayo at nabasag lahat ng mga pinggan! Tingnan mong ginawa mo? Pay for it!” putol nya sa paliwanag ko.

“L-lilinisin ko na lang p-po yung gown mo mam. S-sorry po talaga...”

Lumuhod ako para pagpagan ang bahagi ng gown na aking nadumihan, pero bigla na lamang nyang inapakan ang kamay ko gamit ang matulis nyang heels.

“A-aray!” di ko mapigilang sambit.

“Sorry? Anong sorry? Walang sorry-sorry dito! I demand you pay Php 10,000 right here, right now!” demanda nya.

Pinagpawisan ako ng malamig. Teka, wala namang damage ang gown nya ah. Bakit ako pagbabayarin?

“P-po? E-eh, w-wala naman pong sira yung—“

“Are your eyes made of cardboard at di mo nakikita ang sira sa gown ko? Gusto mong idutdut ko yang kadiri mong mukha sa sahig, ha?!” pagbabanta nya.

Gigil na gigil nyang diniinan ang pagkakaapak at pakiramdam ko’y mabubutas ng takong nya ang kamay ko.

Nakarinig ako ng bulong-bulungan at ako’y nasindak nang makitang pinalilibutan na kami ng iba pang mga panauhin.

Hawak-hawak nila sa isang kamay ang baso ng red wine habang nakatakip ang isa pang kamay sa kanilang mga labi habang nag-uusap.

Gayunpaman, bakas sa kanilang mga mata ang pandidiri nang makita ako.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jun 11, 2021 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Meet My Middle FingerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora