Wow. Akala ko talaga. Naiiritang hinila ko siya sa uniform bago batukan, napangiwi naman siya pero natawa rin kaagad. "Maka-jollibee talaga!"

"Pero I really thought ikaw ang nanliligaw, baby." Sabi ni Jo kay Valeen na nag-make face dahil sa endearment sa kanya, akala mo nagk-kombulsyon. "But that's good! Ibig sabihin you can court me na."

"Luh, okay ka lang?" Parang offended pa itong best friend ko sa sinabi no'ng isa. "Asa naman. Hindi kita type."

Julliana shrugged her shoulders. "Your loss. Sa ganda kong ito?"

"Saan banda?"

"Your loss talaga."

--

Hindi natapos nina Via and East ang klase dahil nagpa-excuse sila na pinayagan naman ng teacher. Hindi ko alam kung bakit sabay sila pero parehas silang mukhang nagp-panic and worried. Kami na lang ni West ang magkasama, sina Jo ay kanina pa nauna habang hila-hila si Valeen. Magd-date daw sila kahit parang hindi naman, mukha kasing agrabyado yung isa, na well, sino pa nga ba? Pabebe ng butiking 'yon tapos ang dami-dami sinasabi kapag involve ako.

Nasa may vacant room kami at parehas nakaupo sa armchair na nandito, tanaw ko rito mula sa loob yung pagbabago ng kulay ng langit since late afternoon na. Napatingin ako kay West na focus sa cellphone niya, gagawa raw siya ng update. Hanggang ngayon parang hindi pa rin ako makapaniwala na may understanding na kami sa feelings ng isa't isa, at saka nililigawan ko na siya─kahit parang hindi naman obvious na nanliligaw ako.

Nag-search pa ako sa Google kagabi kung paano manligaw kaso kung anu-ano naman ang nabasa ko, puro dapat i-treat mo si girl as someone special, ilibre mo, i-date mo, effort-an mo like ihatid-sundo mo, at marami pang iba. Parang bago pa yata ako sagutin ni West, eh, ubos na baon ko pati ideas ko.

Paano ba manligaw kapag highschool ka pa lang? Tapos, paano kapag parehas kayong babae? Sa salon kami, gano'n? Sabay kami magpa-rebond o kaya shopping-shopping-shopping. 

Kung titingnan, hindi naman materialistic si West, parehas lang din kaming indoor type, duda ako sa mga gusto niya gawin sa buhay aside sa magsulat, maglaro ng games, at magmuni-muni. Pero sure ako na kapag inaya ko siya, sasama siya. Introvert siya pero marunong siya mag-enjoy sa mga bagay na labas sa comfort zone niya, iyon lang naman ang tingin ko.

"Are you bored, Ella?"

Umiling ako. Weird lang na kahit hindi kami nagkikibuan, okay lang sa akin and comfortable. Parang kahit panoorin ko lang siya, no problemo. "Mahirap ba magsulat?"

"Oo, pero minsan depende sa theme ng kwento mo." sagot niya. "It's just sometimes, we ran out of ideas, or we're too demotivated to write. It's not always the high."

"Anong ginagawa mo kapag naw-writer's block ka?"

"Nagr-relax." Ngumiti siya. Ibinaba niya ang phone para lang abutin ang kamay ko. Para akong ewan dahil basta na lang bumilis ang tibok ng puso ko, kahit mukha ko ramdam ko na mainit. Jusko, ano na, girl? Kaya mo pa? Paano kapag kayo na talaga? "Minsan nalabas ako to take a walk, or I'll just go and observe people. Minsan tambay sa coffeeshop, nakiki-waitress. Sometimes makikigawa ako ng kape."

"Marunong ka mag-brew?" Parang na-amaze naman ako, bigla kong naalala yung napanood kong kdrama dati, Coffee Prince yata ang title, ang gwapo kasi no'ng bidang lalaki ro'n, tapos cute din ng partner niya. Para akong baliw na bigla na lang na-imagine si West na nakasuot ng pang-coffeeshop attire, shems!

"Pagtimpla kita next time?" Mabilis akong tumango. She clicked the roof of her tongue bago tumango, at ngumiti ng cute. Para siyang bata, kagigil. "Minsan pinagtitimpla ko si Ate North and Ate South, si East kasi bawal 'yon sa kape, baka matuluyan."

"Pero 'di ba, yung isang story mo na about sa'yo tsaka kay Jamaica, bakit mo pa ginawan ng kwento? Curious lang ako." Ever since kasi na nasabi niyang about sa kanila yung story, somehow ay nag-sink na sa akin yung mga naganap sa kwento, parang similar siya na hindi. Kumbaga, alam ko naman na hindi ganoon ka-extreme yung naging feelings niya kay Jam pero dahil doon, nabuo yung kwento na inaabangan naming mga readers niya.

"It's a sort of resolution, a conclusion, or pwede ring what ifs." Nilaru-laro niya ang kamay ko, mina-massage niya, minsan naman ay i-intertwine niya sa kanya tapos is-squeeze ng mahina. Nad-distract tuloy ako. "It's not like I'm letting things happen just for the sake of having my writing materials. I'm just trying to make peace with my emotions, with the people around me, without having the need of confronting them. Hindi ko alam kung paano siya ie-explain sa way na mas understandable, pero let's just say na remembrance siya, na it's too appreciate what happened, what's happening, and probably what will happens next."

Nakatingin lang ako sa kanya and ganoon din siya. Hindi ko alam kung bakit parang nag-gets ko siya, na kahit ako, hindi ko rin ma-explain pero alam ko kung saan nanggagaling yung sinasabi niya.

"Writing is my outlet, pero bukod doon, parte ng pagkatao ko ang pagsusulat and tingin ko ganoon din 'yon para sa lahat─even if it's not writing. In everything you do, you always leave a part of yourself."

Somehow, nagkakaroon ako ng deeper understanding kung bakit kahit na kilala siyang writer sa Wattpad, hindi siya nag-a-aim ng kahit ano. For example, ang maging published author, mga ganoong opportunity. Siguro kasi bata pa kami, and yung mga gano'ng goal, hindi para sa lahat. Iba-iba lang mga gusto natin. Kuntento na siya sa kinalalagyan niya ngayon much to the point na kahit ang daming humahanga sa kanya, tuloy lang siya sa passion niya, hindi dahil sa nagiging snob lang siya. Siguro kasi gusto niya lang talaga magsulat kahit hindi siya makipag-interact sa kahit na kanino.

Pero yung mabasa pa lang ng readers niya bawat update niya, feeling ko interaction na 'yon. O baka bias lang ako kasi kilala ko siya.

"Inlab na yata ako sa'yo," Pabirong sabi ko na sinundan ko pa ng tawa kasi no'ng sinabi ko 'yon, parang naramdaman ko talaga nagpakitang gilas ang heartbeat ko. Na parang may hint ng truth sa sinabi ko. Pero paano ko ba malalaman kung more than like na 'to? Natigilan lang ako nang mapansin kong namumula siya. Omg. "A-ang mature mo, tapos, ano, ang talented mo rin."

Shems, parang ang awkward na ewan─pero ang cute niya, nakakaiyak. Blush 'yon, 'di ba? Hindi lang dahil sa mainit? Kasi hindi naman na mainit, eh.

"You're cute. Baka sagutin kaagad kita." Tumawa siya ng mahina, pati 'yon walang kupas, sarap sa ears. Tinago niya ang phone sa bag bago tumayo, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Hinila niya ako ng marahan hanggang mapadikit ako sa kanya. "Hatid na kita pauwi."

"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Ako ang nanliligaw, bakit ikaw maghahatid sa akin? Ako dapat."

"I don't think there's any rule na bawal maghatid ng manliligaw."

_____

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon