Chapter 47

3.4K 244 31
                                    

SMALL

. . .

Avery's POV


"Hey... we need to go now to the clinic if that thing keeps up," pinal na saad ni Andrei sa akin habang pinapanood ako sa aking estado.

Mabilis naman akong napailing sa sinabi niya at napabuntong-hininga.

"Ayoko. Kaunting pahinga lang naman 'to at mawawala na." Hindi pwede. Ayokong lumiban sa klase dahil lang dito. Masasayang lamang ang pagpasok ko at natatakot din akong baka wala nang pumapasok pa sa aking utak dahil sa palagi nalang lumilipad ang isipan ko tuwing may klase kami.

"No. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? I'm calling our teacher," mariing pagkukumpronta niya. Akmang tatayo na sana si Andrei upang tawagin ang aming guro nang bigla ko itong pigilan at umiling.

"Please? Bespren naman eh..." nagmamaka-awa kong pakiusap sa kanya. Dahil sa ginawa ko'y saglit naman itong natigilan at matapos ay napabuntong-hininga na lamang bago muling bumalik sa pagkakaupo.

"I really don't get you. Bakit ba ayaw mong magpa-clinic nalang? Para namang ikakamatay mo ang pagpunta lang sa clinic," naiiling nitong tanong. Napangiti na lamang ako rito ng tipid at pumikit.

Bakit nga ba? Hindi ko rin maintindihan itong sarili ko eh.

Akala ko naman kasi noong una, maayos na itong pakiramdam ko. Pero akala ko lang pala iyon dahil makalipas ang ilang minuto ay bigla na namang nilusob ang aking sistema ng karamdaman, na siyang nagpahilo ng sobra sa ulo ko. Para tuloy akong naparalisa ngayon at nakasubsob lamang ang mukha sa desk habang tulalang nakatapat sa bandang kanan.


At ang mas nakakairita pa, ay buong magdamag akong nakatitig sa garapatang Travis na kanina pa kinakausap ang baguhan naming classmate na si Emma. Parang mas nanakit lang tuloy ang ulo ko sa nakikita.

Nakakasama lang kasi ng loob. Bakit ba parang bigla nalang naiba ang ihip ng hangin? Ang pagkakatanda ko naman ay hindi palakausap na tao itong si Travis at lalong-lalo na sa mga taong kakakilala pa lamang nito.

Pero tingnan niyo naman ngayon, aba't parang wala pa yata akong nakikita kahit isang beses na hindi ito umiwas ng tingin kay Emma.

At eto namang si magaling na Emmalandi, feeling close pa sa Putravis na 'yan. Potek na babae 'to. May patawa-tawa pang nalalaman at pasimpleng himas sa mga braso ni Travis habang tinatampal ito ng mahina. Parang walang klaseng nagaganap ah?


At ako naman itong si monggoloid, parang sira at pinapanood silang dalawang maglandian kahit na nasasaktan na ang sariling kalooban. Nananakit na nga yung ulo ng tao, gusto pang pasakitin din yung puso.

Pagak tuloy akong natawa sa sarili. Nababaliw na nga siguro ako.

Mabuti na nga lang at kung hindi pa magsasalita itong si Andrei ay baka sa buong durasyon ng klase ay nakatutok lamang ako sa dalawang taong wala nang ginawa kundi ang magharutan.

Napailing na lamang ako at itinungo ang ulo habang hinihintay na matapos ang klase. Hindi ko na sila kayang panoorin. Mas lalo lang akong nas-stress. Bakit nga ba ako nasasaktan kahit na alam kong hahantong naman talaga ang lahat sa ganito? Dapat siguro ay masanay na ako.

Tila kisapmatang natapos ang oras ng aming mga klase. Medyo nakakadismaya nga lang dahil lahat ng mga tinuturo sa 'min ay pasok lang sa kaliwang tenga, labas naman sa kanang tenga ko.

Nawalan lang din ng saysay ang pananatili ko rito. Sana nga talaga ay sumunod na lamang ako sa payo ni Andrei. Kung kanina pa ako naroon sa clinic, baka nabawas-bawasan pa kahit papaano itong nararamdaman ko.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now