Chapter 28

5.1K 303 39
                                    

MEET

. . .

Avery's POV


*PAKKK!*

"ARAYYY!" napahawak ako sa aking pwet na dinapuan ng hanger ni mama.

"Hoy lalake! Gumising ka na nga jan at kanina pa kitang tinatawag sa baba! Nandito na yung sundo mo," walang hintong panenermon ni mama sa akin. Hindi ko naman maintindihang masyado ang kanyang mga sinasabi dahil antok na antok pa ang diwa ko.

Dahan-dahan akong sumandal sa headboard ng kama at nag-inat ng katawan. Nagpahinga muna ako sandali at maya-maya'y napagpasyahang tumayo na ng kama.

Bago lumabas ay nagtungo muna ako ng cr upang gawin ang aking mga morning routines tuwing umaga.

Malamang, morning nga eh. Ano ka ba naman, Avery.

Makalipas ang ilang oras ay natapos din ako sa paliligo at iba pang panlilinis ng katawan kaya naman dumiretso na ako pababa ng bahay. Kinuha ko muna ang aking bag bago tuluyang nilisan ang kwarto.


Pagbaba ay bigla akong nagulantang sa nakita.

"Oh, ayan na pala ang aking prinsesa—ay! Hindi ko na pala prinsesa, may bago na kasing magmamay-ari sa kanya," narinig ko pang kantyaw sa 'kin ni mama pero hindi sa kanya ngayon naka-focus ang presensya ko kundi sa kanyang katabi sa sofa.

Pansin kong mukhang natuwa naman siya sa aking reaksyon at nakangising sumandal sa sandalan ng kanyang inuupuang sofa.

"Morning," matikas nitong pagbati sa akin. Hindi naman ako nakasagot kaagad dahil sa halo-halong nararamdaman ko sa aking loob.

"A-ahh... goodmorning, T-Travis..." napaiwas ako ng tingin sa kanya at tumalikod. Bakit nandito siya? Kaninang umaga pa ba 'to? Bakit ang aga naman?

Ipinilig ko nalang muna ang aking ulo at nagtungo sa kusina upang makakuha ng tubig na maiinom. Binuksan ko ang aming ref sa kusina at kumuha ng pitsel na naglalaman ng malamig na tubig. Nagsahod kaagad ako sa isang baso at walang ano-anong diretso itong tinungga sa lalamunan.

Habang lumulunok ay saglit akong napaisip.

Ano na namang ginagawa niya rito? Ang aga-aga palang. Hindi naman porket sinabi ni kuya na siya ang magbabantay sa akin e pati ba naman sa bahay, andito siya?

Sakto namang pagkaubos ko ng iniinom ay biglang may sumulpot sa aking likuran. Si Kuya Kurt.

"Good morning, bunso!" masiglang bati nito sa akin. Ngumiti naman ako pabalik kay kuya at yumakap, "good morning din, kuya!"

"Hmm, bango mo ngayon ah. Aga mo namang maligo! E sa pagkaka-alam ko, wala naman daw kayo ngayong pasok." Kumunot naman ang aking noo dahil sa sinabi ni kuya.

Walang pasok?

"Huh? Kanino niyo naman po nalaman na wala kaming pasok?" nagtatakang tanong ko. Nginuso naman ni kuya ang taong nakaupo sa aming sala kaya agad ko nang naintindihan kung sino ang kanyang tinutukoy.

Akmang magsasalita na sana ako sa kanya nang bigla na namang may sumulpot sa aking likuran. Ano bang meron at puro nalang sila sulpot ng sulpot sa likuran ko?

"Avery! Why are you wearing your uniform? Haven't you saw the announcement yesterday? It says that there'll be no any classes for today. Didn't your fake friends told you?" pagsabat ni Travis sa aming usapan ni kuya. Sinamaan ko naman siya ng tingin nang sabihin niyang 'fake friends' ang mga kaibigan ko.

Anong fake friends? Sina April at Andrei? Kelan pa sila naging peke? Baka siya kamo. Mang-iiwan ng wala manlang dahilan.

"Hindi ko sila fake friends. Atsaka saan mo naman nakuha iyang fake news mo? Ako yung president ng klase natin tapos ako pa yung walang alam na wala palang pasok? Lahat nalang talaga ng mga pinagsasabi mo sa mga magulang ko, puro kasinungali--"

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now