Chapter 33

3.9K 298 18
                                    

BASKETBALL

. . .

Avery's POV


Time check. 6:09 pm.

Pinatay ko na ang hawak kong phone at ibinalik ito sa aking bulsa. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng kwarto.


I wasn't really supposed to go out there pero napakakulit talaga ng utak ko so in the end, napagpasyahan kong pumunta na lamang sa kanilang laro.

Don't get me wrong, wala naman talaga sa akin ang pumunta roon. Sobrang nahihiya lang talaga akong makaharap ngayon si Travis dahil sa mga nangyari sa 'ming dalawa kahapon.

Umalis ngayon si mama at pumunta sa kanyang mga kaibigan kaya naman hindi ko na kinailangan pang magpaalam. Nagcommute na lamang ako papunta sa lugar kungsaan ginaganap ang laro nila Travis.

Kaninang tanghali ay susunduin talaga dapat ako ni Travis sa bahay namin pero nag-insist akong mag-isa nalang na pumunta dahil sigurado akong hindi ko talaga siya kakayaning makasabay pumunta sa lugar ng kanilang laban. Hindi pa sana niya ako papayagang papuntahin mag-isa pero dahil mapilit ako ay ni-reply-an niya na lamang akong pumunta ng maaga.


Pero dahil nga ngayon ko lang naisipang pumunta ay malamang sa malamang, kanina pa nagsisimula ang laro sa oras na makarating ako roon.

Halos kalahating oras din ang tinagal ng biyahe papunta sa university na pinaglulugaran ng kanilang laro kaya naman nang makarating ako sa lugar na iyon ay nagbayad na agad ako kay manong at nagmamadaling pumasok sa loob ng university.

Kagaya ng pinayo sa akin ni Travis ay nagsuot nga ako ng aming pe uniform kaya hindi na ako pinahinto pa nung mga gwardya sa pagpasok ng lobby. Dahil hindi naman ako pamilyar sa istraktura nitong school ay tinungo ko muna ang bulletin board nilang nakapaskil sa isang poste at mabilis na naghanap ng school map.

Hindi naman ako nagkamali dahil nakakita nga ako ng isang map doon. Hinanap ko agad sa mapa ang pwesto ng kanilang basketball court at nang mahanap ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tinungo na ang daan papunta roon.

Habang naglalakad sa kanilang hallway ay hindi ko maiwasang ikutin ang aking paningin sa bawat rooms na nadaraanan ko.

Hindi naman ito nalalayo sa laki ng aming mga classrooms sa campus pero mapapansin mo pa rin namang mas malaki ang amin kumpara sa kanila. Syempre, kaya nga tinaguriang best university ang eskwelahan namin sa buong bansa.

Pero kahit na number one pa iyon ay hindi ko naman maipapagkait na mas malinis ang bawat mga classrooms dito kaysa sa amin. Kung gaano kalaki ang agwat ng school namin sa kanila ay ganoon din ang agwat ng ikinalinis naman nila sa amin. Halos wala na nga akong makitang kahit isang dumi man lang sa paligid ng mga silid nila eh. Mapapa-sana all ka nalang talaga.

Habang papalapit sa aking destinasyon ay mas nadidinig ko ang lakas ng naghihiyawang mga tao sa loob ng kanilang court. Kapansin-pansin din ang ilang mga ilaw na kanina pang nakabukas at may mga nakakasalubong na rin akong mga tao sa daan. Mukhang malapit na ako.

Matapos ang ilan pang mga lakad ay tuluyan na akong nakapasok sa loob ng kanilang basketball court. Kaagad namang umalingawngaw sa aking pwesto ang mga sigawan at cheer ng mga tao sa buong paligid para suportahan ang kanilang mga pambato.

Dahil hindi pa masyadong nakakapag-adjust ang paningin ko ay napatakip ako ng isang palad sa aking mga mata dahil sa sinag na nanggagaling mula sa mga ilaw. Nang makapag-adjust na ako ay saka ko lamang nakita ng malinaw ang aking nasa harapan.

Maraming tao ang mga nagkukumpulan ngayon sa loob ng court. Karamihan ay puro mga estudyante pero may iba rin namang mga magulang. Saglit ko pang inikot ang aking paningin sa paligid bago yumuko sa aming ibaba.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now