Chapter 41

4.3K 268 27
                                    

CAFETERIA

. . .

[ DAY OF EXAM ]

~ ~ ~

Avery's POV


"Hays."

Sinara ko na ang pinagsulatan kong test booklet at pagod na sumandal sa aking upuan. Tumingala ako sa kisame ng aming silid-aralan at mariing pumikit. Bumuntong-hininga ako.

Finally, natapos din ang paghihirap ko sa buong linggo.

Kasalukuyan kasing nagaganap ngayon ang aming last day of examination tests. At dahil huling araw na ngayon ng aming examination week ay maaaring ipahinga ko na ngayon ang utak ko dahil sa sobrang stress.

Dumako ako sa kaliwang bahagi ng aming classroom kungsaan may isang malaking bintanang gawa sa salamin at pinanood na lamang ang mga batang naghahabulan sa labas ng aming unibersidad.

Tatlong araw na ang nakalilipas mula noong huling naganap ang mga pangyayari ngunit gayunpaman, hindi pa rin nagbabago ang pagtrato ni Travis sa akin hanggang ngayon.


Sa loob ng tatlong araw na nagdaan ay purong stress at pagod lamang ang nararamdaman ko at wala nang iba. Stress hindi lamang sa pagsasagot ng mga exam, kundi stress din dahil sa kakulitan at panggugulo ni Travis sa aking isipan.

Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o nahihibang na pero habang tumatagal kasi ay parang mas napapalapit na sa akin si Travis. I mean, wala naman talaga iyong problema sakin pero kasi...

Parang ano... nagiging mas clingy siya?

Like, kahit saan nalang ako pumunta ay doon din siya pumupunta. Maski kahit sa pag-ihi ko ay lagi rin itong sumasabay kaya naman halos hindi na ako mapakali sa sitwasyon ko dahil sabay nalang ito ng sabay palagi sa akin.


Parang halos lahat na nga 'ata ng mga ginagawa ko buong araw ay alam na niya eh.

Idagdag mo pang palagi na rin itong nakikitulog sa bahay namin. Tapos ito namang si mama, hindi manlang pinapangaralan o umaangal kahit isang sita.

Mabuti nalang at tapos na ang paghihirap ko sa exam. Ang poproblemahin ko nalang ngayon ay kung paano ko paaalisin sa aking utak ang adik na si Travis.

Marahil dumaan sa isip ko si Travis ay pasimple ko itong sinilip sa aking kanan. Hindi naman ako nahirapang masilayan ito dahil isang upuan lang naman ang pumapagitan sa aming dalawa kaya malaya ko itong napagmamasdan ng klaro.

Dahil busy ito sa paglalaro ng kanyang cellphone ay hindi na nito napapansin ang mga nakapaligid sa kanya. Naningkit ang mga mata ko nang makitang wala itong pakialam kahit na ibalandra pa niya sa harapan ng klase ang paglalaro nito sa kanyang phone.

Parang walang nag-iinspect na proctor ah.

Masyado itong tutok ngayon sa kanyang hawak-hawak at paminsan-minsa'y bumubulong pa sa hangin habang napapailing. Pati nga ako ay nahahawa na sa kanya kaya naman napapailing narin ako minsan. Naglalaro kasi ito ngayon ng monay legends kaya bakas sa mukha nito ang pagka-seryoso. Mabuti na lamang at busy ang lahat sa pagsagot kaya hindi na nila masyadong napapansin ang binibigay ngayong aura ni Travis. Napaismid na lamang ako.


Bantayan niyo ho sana itong ugok na 'to hanggang sa tumanda.

Hindi pa man ako tapos sa pagmumuni-muni ko nang bigla nalang may nagbato sa akin ng isang maliit na papel na nanggaling mula sa likuran ng upuan ko. Sandali naman akong napalingon sa gawing iyon at 'di maiwasang mapairap nang makita ang mukha ng taong nagbato sa akin.

Pinulot ko sa baba ang papel nitong binato at palihim iyong binuklat.

'Beke nemen. 1-59 lang. :3'

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now