PAALAM KAIBIGAN

15 2 0
                                    


Tayo ay marami ng pinagsamahan
Sa kahirapan man o kaginhawaan ,
Kapatid ang ating naging turingan
Sa mga panahong na ating pinagsaluhan .

Ngunit inggit at kawalan ng tiwala ay iyong pina iral ,
na dahilan ng pagkawasak ng ating pagkakaibigan .
At kung ako'y iyong ilarawan ,
ay parang ako na ang pinakamasamang tao sa buong mundo .

Ako'y lubusang nagulat at nasaktan
dahil sa pagkakakilala mo sa akin na wala namang katotohanan .
Ang ilang taong pagsasama ay nasayang lamang
dahil sa iyong mga makasariling  desisyon .

Hindi ko na madama ang sinasabi mong pagkakaibigan
Dahil hindi ganito ang magkaibigan ,
Naging maka sarili ka at iniisip lamang ang iyong sarili
At kahit ikaw ay nakakasakit ay patuloy mo pa rin itong ginagawa

Sakit na iyong naidulot sa akin ay walang kabayaran
Ngunit ang aking puso ay matagal ka ng napatawad .
Ako'y tatalikod na at magsisimula ng wala ka
Kaya't paalam at salamat sa pagkakaibigan na minsan nating napagsaluhan .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RANDOM COMPILATIONWhere stories live. Discover now