MAGALING AKO

34 7 0
                                    

Ako'y kontento
sa taglay kong talento ,
Sapat na din ang aking talino
para sumugal sa mapanakit na mundo.

Ngunit sa simpleng biro at lait nila
ay nawawalan ako ng gana  na nagpahina sa aking loob.
Anong naging kasalanan
ng tulad kong nangangarap lamang ,
upang kanilang apak apakan at maliitin .

May kakayahan din ako ,
ngunit sa bawat subok ko'y
panglalait at panghuhusga
ang aking natatanggap.

Hindi pa man  nakakalipad ang tulad ko ay hinihigit na nila  ako pababa ,
Pagkakamali ko'y kanilang pinagsisigawan
at ang galing na aking ipinamalas  ay kanilang kinalumatan .

RANDOM COMPILATIONWhere stories live. Discover now