PAANO

29 3 0
                                    

Tao lamang ako
at hindi perpekto ,
normal lang na magkamali ako
sa mapanakit na mundo .

Ngunit paano ko maitatama
ang mga pagkakamaling nagawa ,
kung hindi man lang mabigyan
ng pagkakataon ang isang tulad ko .

Sabi ko ay patawad
ngunit panghuhusga ang aking natanggap.
Sabi ko hindi ko sinasadya
ngunit ako'y minaliit at sinisi lamang .

Paano , paano , paano
Ano na nga ba ang gagawin ko ?
habang buhay ko na lang ba dadalhin ang sakit
sa pagkakamaling hindi ko naman ginusto .

Wala akong magagawa kung hindi tanggapin na lamang ang  lahat,
Sapagkat Ito ay aking kapalaran
na kailangan kong pagdaanan .

RANDOM COMPILATIONWhere stories live. Discover now