KATAPATAN

32 2 0
                                    


Katapatan sa  pagmamahalan
Ay magsisilbing haligi sa  binuong samahan ,
Na magpapatatag sa  dalawang pusong nagmamahalan
Para sa pagsasamang pang matagalan .

Kaya't  ang puso ay wag mong sugatan
Ng dahil lamang sa makasariling kagustuhan ,
Na maaring mauwi sa hindi pagkakaintindihan
Na magiging daan  sa masaklap na katapusan.

Tiwalang inalay ay wag sanang  sayangin
Sapagkat dulot nito ay pighati sa sangkataohan ,
At ang pusong naging sugatan
Ay hindi basta't  nakakalimot .

Ang ipanadamang Katapatan-
Ay nahihigit sa ano mang kayamanan ,
Kaya't ito'y iyong alagaan at ingatan
Sapagkat ito ay biyaya na naipagkait sa karamihan.

RANDOM COMPILATIONWhere stories live. Discover now