PANAHON

44 21 0
                                    


Isang batang may ngiting totoo
Na matapang na nagpapakatotoo.
Ang kanyang mapagpatwad na puso
ay higit pa sa ano mang ginto.

Ang Oras ay tumatakbo
at ang kinagisnan ay maaring magbago.
Ang dating saya ay maaring maglaho
lalo't reyalidad ang kaharap.

Ang lungkot ay kanyang naging kalaban
at dilim ang naging sandalan .
ngiti ay nabalot na ng maskara
na naglinlang sa karamihan.

Nais niyang makakalaya sa  kinalalagyan
ngunit  siya'y walang mapagmasdan, 
kaya't hihintayin na lamang ang panahon ng kalayaan
kung saan madadama ulit ang tunay na saya.

RANDOM COMPILATIONWhere stories live. Discover now