LANGIT AT LUPA

40 14 0
                                    


Langit at lupa ,
pagitan ng dalawang nag iibigan.
karangyaan para sa kahirapan
na animo'y pinaghalong tubig at langis .

Daga para sa pusa
Patatas sa tinola
Kalabasa sa adobo
ay maiihalintulad sa kanilang pusong nag iibigan.

Sampal ng tadhana
ay sadyang nakakawasak ,
lalo't ang puso ang nagdesisyon
sa pag ibig na kailanman ay hindi plinano.

Kanilang pagmamahalan
ay ipinaglaban ,
sumugal sa mapaglarong tadhana
para lamang makamit ang masayang katapusan.

RANDOM COMPILATIONTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang