Itinaas naman ni Kiyota ang isang kamay niya.

"5 Seconds Violation? Ano yun?" Tanong ni Takamiya. Tumingin naman si Mito sa kanya.

"Naalala ko, nasabi sakin yan ni Ayako noon. Ang '5 Seconds Violation' ay isang violation na hindi dapat matagalan ng limang-segundo ang pagkakahawak mo sa bola. Kinakailangan mo itong ipasa bago ka maabutan ng limang-segundo dahil kung hindi magagawaran ka ng 5 seconds Violation. Isa yan sa mga rules ng Various Time Restrictions ng Basketball." Paliwanag ni Mito sa kanya.

"Ahh, kung ganun bago mag limang segundo dapat naipasa mo na ang bola." Ohkusu

"Oo." Mito

"BWAHAHAHA BUTI NGA SAYO MATSING!" Sigaw ni Sakuragi habang tumatawa.

"Tumigil ka Unggoy!" Naiinis na sagot ni Kiyota.

"Ano bang problema mo, Kiyota? Pangatlong foul mo na yan at magkakaparehong Violations pa!" Taas kilay na tanong ni Mari sa kanya.

"Kase naman Mari eh, si Maki. Masyadong mahigpit ang depensa sakin, ayaw niyang palusutin ang mga pasa ko!" Mangiyak-ngiyak na sagot ni Kiyota.

"Naturingan ka pa namang Ace Player dati ng Kainan, dapat natatapatan mo siya." Mari

"Inaamin ko, mas magaling si Maki kaya ang hirap niyang talunin. Atsaka hindi basta-bastang Ace Player si Maki dati, Star Player yan ng Kanagawa prehh!" Makatwirang sabi ni Kiyota.

"Hmmp... Oh sige na! Sa mga Sempai ang bola!" Sigaw ni Mari.

Kinuha ni Fukuda ang bola at pinatalbog ito.

Mabilis itong gumawa ng opensa hanggang nakarating sa kanilang area, nakita niya sa ilalim ng ring sina Hanagata at Daisho Lyovochka ang Leading Center ng Yokohama.

Pumusisyon siya at gumawa ng jumpshot mula sa shooting area, pero natamaan yun ni Ikegami kaya tumama sa ponta ng ring ang bola.

"REBOUND!" Sigaw ni Mari

Parehong nakatingin sa nakatalbog na bola sina Hanagata at Daisho. Kahit naunang tumalon si Daisho, nakuha parin ni Hanagata ang Rebound at gumawa ng malakas na dunk.

*DUNK!!!*

"Magaling, Hanagata!" Puri ni Fujima sa kanya.

Napatayo si Sakuragi sa pagkakaupo at sumigaw.

"ANO BA NAMAN KAYO! KUNIN NYO ANG REBOUND! PURO KAYO MGA WALANG KWENTA!" Sigaw ni Hanamichi.

"Sakuragi..." Ikegami

"Palibhasa may pangalan kaya kung makasabi ng walang kwenta parang siya na ang magaling." Napairap si Kiyota.

"Ayun, nagwawala na si Hanamichi pag rebound na." Noma

"Grabe, mukha alam na ng mga Sempai natin ang gagawin nila sa mga first year." Nakangiting sabi ni Mito.

"Oo nga, mukhang alam na nila ang kahinaan nila." Sabi rin ni Takamiya at binago ang Score na mula sa 16-19 ay naging 16-21 na.

"Ang tinutukoy mo ba Takamiya ay yung Rebound?" Noma

"Ayy nako! Kung si Hanamichi pa ang nandyan, hindi makukuha ni Hanagata ang Rebound." Ohkusu

Tinapik ni Hanagata ang balikat ni Daisho... "Ayos lang yan, makukuha mo rin ang Rebound. Basta subukan mo lang."

"Opo, Hanagata-sempai!" Sagot ni Daisho at yumuko kay Hanagata.

"ISANG MINUTO NA LANG!" Sigaw ulit ni Mito.

"Tara na! Tapusin na natin ang First Half!" Maki

"Oo!" Sila

Nagsimula ulit lang maglaro.

Ang point guard na si Watanabe ay nahihirapan sa kanyang opensa dahil sa pagbabantay ni Sendoh. Habang nagdidribol si Watanabe ay hindi nya napansin na sa likuran niya si Maki at naagaw ang bola.

"Magaling, Captain!" Masayang puri ni Sendoh.

Ipinasa ni Maki sa kanya ang bola at para gumawa ng lay-up shot pero mabilis na dumating si Kiyota at pinalpal yun kaya hindi pumasok.

Pagbagsak ng bola kinuha yun ni Ikegami para gumawa ng jumpshot mula sa ilalim ng ring pero mabilis natamaan yun ni Sendoh yung bola kaya nawala sa porma ang jumpshot na ginawa ni Ikegami.

Mabilis na nagpunta sa kanilang mga pwesto sina Hanagata at Daisho para kunin ang Rebound.

Masyadong mataas ang talon ng bola kaya humanda sa pag-aabang ang dalawang sentro para kunin ang Rebound. Unang tumalon si Daisho para makuha yun pero tumalon din agad si Hanagata at tinamaan niya ng kanyang daliri ang bola para tumalbog ulit pataas.

"Naku, 10 seconds na lang!" Sabi ni Mito habang tinitingnan ang oras.

Sabay sila ni Daisho bumagsak sa lupa pero tumalon agad ulit si Hanagata at nakuha ang bola. Ipinasa niya ito kay Maki na nasa likuran niya at natanggap yun ni Maki.

Nasa Power Forward Area si Maki nakapwesto at gumawa ng side shot...

Pumasok yung bola ng matagumpay.

(Time over sound...)

Pumito si Mari at sabay sabing... "GAME OVER!"

"Ayos! Panalo kami!" Sigaw ni Kiyota.

Natigilan silang lahat at napatingin kay Kiyota.

"Huh?" Sila

Napatakip ng mukha si Kiyota ng marealize niya ang sinabi niya.

"Pasensya na! Nakalimutan kong opensiba ko pala si Maki. Akala ko magkateam pa rin kami." Sabi niya na napahiya.

"Nakakatawa ka talaga kahit kaylan, Kiyota." Ginulo ni Maki ang mahabang buhok niya. Parang pusang nakangiti si Kiyota sa kanya.

"Daisho, ikaw ng Center ng first year. Agawin mo kay Hanagata ang rebound para makontrol mo ang laro." Sabi ni Maki kay Daisho.

"Pero Captain... Hindi ko aakalain na masyadong magaling sa Rebound si Hanagata-sempai. Hindi ko maagaw sa kanya ang rebound." Sagot ni Daisho.

"Hayaan mo na, Maki. Unang game naman nila ito laban sa atin. May training pa naman." Sabi ni Hanagata.

"Grrrrrrrrr puro sila mga walang kwenta! mabuti pa sila nagpapakasaya sa loob ng court, eh ako naman bangko." Naiinis na sabi ni Hanamichi habang nakacross-arms.

"Sakuragi..." Napatingin si Hanamichi kay Fujima

"Fujiboo?" Hanamichi

"Maghanda ka para sa Second Half." Sagot ni Fujima.

"P-palalaruin mo na ako, Fujiboo?" Tuwang tanong ni Hanamichi. Ngumiti lang si Fujima sa kanya.

Natapos ang first half na may puntos na 16 Score para sa mga 1st years at 23 points para sa mga Sempai.

Ngayong naghahanda na si Hanamichi para sa pagpasok sa Second Half, isinumpa niya sa sarili niya na...

"Walang ibang maghaHARI sa Rebound kundi..." Napangisi sya at bumuo ng mataas na kumpyansa sa sarili.

"Kundi... Ako lang!" Hanamichi

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Kde žijí příběhy. Začni objevovat