"Sit down, Jazzie. Let me treat you," he said.

Doon ko lang napagtanto ang gusto niyang gawin. I looked at my hand and noticed the red mark on it.

"O-Okay lang ito. Maliit na bagay," ani ko.

I shrieked when he pulled my arm, causing me to fall on the couch. "It's an order," he coldly stated.

I didn't bother to argue anymore. As of now, he's my boss and I am his employee.

Tahimik niyang ginamot ang paso sa kamay ko gamit na rin ang mga gamot na nakalagay sa first aid kit. Banayad at puno ng pag-iingat niyang inihaplos ang isang ointment doon. He even blew it a little as if it will hurt me.

"Thanks," mahinang sambit ko at agad na binawi ang aking kamay sandaling nakita ko na tapos na niya itong gamutin.

I averted my eyes and waited for him to stand up from kneeling. Naramdaman niya siguro iyon kaya marahan na rin siyang tumayo at umalis sa harapan ko. He walked towards the opposite side of the sofa and took his seat. Mayamaya pa ay kinuha niya ang tasa na naglalaman ng kape saka sumimsim doon.

"Why does my coffee taste like this?" Valjerome raised his cup.

Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. "Hindi ba lasang kape?" ani ko saka mabagal na tumayo.

He rested deeply, then put the cup on the center table. "You know I prefer brewed coffee, Jazzie," he uttered.

"I know? Pasensya na, Sir, pero wala akong alam na kahit ano tungkol sa inyo," walang emosyon kong wika, pilit pinipigilan ang namumuong galit sa dibdib ko.

Right, Jazzie. Act like he's nothing. No, he's really nothing.

He scoffed. "Really? You'll treat me like this?"

Ano bang trato ang inaasahan niyang gagawin ko?

Palihim kong ikinuyom ang kamao ko. "May mali po ba sa trato ko, Sir?"

He didn't speak, he just stared at me for a while then stood up from his seat. Kinuha niya ang kanina niyang hinubad na coat saka iyon sinuot.

"Don't give me a 3in1 coffee next time," he said and started to take his leave.

Umirap ako sandaling narinig ko ang pagsara ng pinto. Mabagal akong humarap sa direksyong pinaglabasan niya at saka umismid.

"Napaka-arte. Pasalamat nga siya, twin pack pa ang binili ko. Tss!"

Bilang isang tagalinis, kinuha ko ang tasa ng kape at natungo sa kusina para linisan iyon. Asta ko sanang papasukin ang kwarto para palitan ng bedsheet ang kama niya nang bumukas ang pinto.

"Ken?" taka kong sambit.

Tipid siyang ngumiti sa 'kin saka nagpatuloy sa pagpasok dala na rin ang trolley niya. "Nakukulangan ba siya sa linis mo?" aniya at sinuri ang buong silid.

"Nasa'n si Erom?" tanong ko sa halip na sagutin siya.

"Iniwan ko muna saglit sa staff's room."

"Mag-isa lang?"

"Oo, eh. May mga pinalinisan din kasing kwarto si Stacey sa iba."

Nakagat ko ang ibaba kong labi habang naiisip ang anak ko na nagsosolo sa silid. Hindi ko maiwasan na maawa para sa kanya. Gustuhin ko man na makipaglaro palagi sa tabi niya ay may mga responsabilidad din akong iniintindi.

"Bakit ba hindi mo na lang siya isinama rito? Hindi naman 'ata maarte 'yong guest saka behave naman ang anak mo."

Naiisip ko pa lang ang sinabi niya ay nanindig na ang mga balahibo ko sa takot. Umiwas ako ng tingin at hilaw na tumawa.

"Sa sunod na lang kapag iba na ang bisita. Mahirap na, hindi rin natin alam ang mga ugali nila," pagdadahilan ko.

Tumango-tango naman si Ken na tila naiintindihan ang sinasabi ko.

"Sige. Salamat ulit, Ken, sa pagtitingin sa kanya. Puntahan ko na muna," ani ko at nagsimulang maglakad.

Nasa harapan na ako ng pintuan nang lingunin ko siyang muli. "Oo nga pala, malinis na ang labas. Kwarto at banyo na lang ang linisan mo."

"Kaya gusto kita, Jazzie, eh—"

Kasabay nang pagsasalita ni Ken ang biglang pagbukas ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras sa lapit ng distansya ni Valjerome dahilan para muntik na akong matumba. Kundi lang sa braso niyang mabilis na pumulupot sa bewang ko ay sumalampak na siguro ako sa sahig.

"You like her?" usal ni Valjerome sa nagyeyelong tono habang nakatingin kay Ken sandaling binitiwan niya ako.

Para namang nagulat si Ken sa inasta niya kaya napatayo siya nang tuwid. "Ang i-ibig ko pong sabihin ay gustong katrabaho," namamawis na tugon niya.

Valjerome didn't speak and just glanced at me. "Your number," he uttered.

I gave him a confused look.

He sighed and handled his phone in front of me. "I need your number in case I need something so I can call you directly," he stated.

Napatitig naman ako sa telepono. Nagdadalawang isip kung ibibigay ko ba sa kanya o hindi. I don't want any communication with him. Pakiramdam ko ay lalong liliit ang mundo ko. Sa huli ay wala na rin akong nagawa pa kundi kuhanin iyon.

Well, pwede naman akong magpalit ng number kapag umalis na siya.

As if din naman na kakausapin niya pa ako after this.

I typed my number and gave back his phone. Saglit siyang nagpipindot doon at saka itinapat sa kanyang tainga ang telepono.

On cue, my heart throbbed in anxiety.

No, no, no. My prince, don't answer the call.

"Did you really give me the right number?" Valjerome spoke coldly as he stared at me. "I can't hear any phones ringing right now," he added, still on his phone.

"N-Nakalimutan ko sa kwarto naming mga staffs," puno ng kaba kong wika.

Nanatili ang titig niya sa akin, nanunuri. Mayamaya pa ay marahan na niyang ibinaba ang kanyang telepono at isinilid sa kanyang bulsa.

"Next time, bring it with you. May mga importante akong ipag-uutos minsan. Alam mo 'yon," aniya.

Gusto ko sana siyang sagutin ulit na wala akong alam sa kanya pero dahil sa kaba na naramdaman ko kanina ay nawalan ako ng lakas na umimik pa. Tanging tango lang ang isinagot ko.

Pinasadahan niya kami ng tingin ni Ken saka niya kami tinalikuran at naglakad paalis. Awtomatiko akong napasalampak sa sahig sandaling nawala ang pigura niya sa paningin ko.

"Jazzie!" nag-aalalang tawag ni Ken at mabilis na umalalay sa akin. "Are you okay?"

"Ayos lang ako. Medyo naliyo lang." Pilit kong ikinalma ang aking sarili at nagpasalamat sa 'king isip.

Mabuti na lang at naturuan ko si Erom na huwag sumagot ng unregistered numbers noon.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now