Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung paano kami nagawang traydurin ni Red, hindi ko inaasahan na papanig siya sa organisasyong kinasusuklaman niya. Batid kong may mabigat siyang dahilan kaya niya nagawa iyon pero hindi ko din inaasahan ang muli namin pagkikita. Sa loob nang dalawang taon wala ako narinig na balita tungkol sakanya, ang alam ko lang ay namumuhay na siya ulit ng normal, tulad nang kagustuhan niya. Pero mahal yata talaga niya ang pagiging gangster dahil hindi niya nagawang iwan ang mundong kinalakihan niya, ang masaklap pa sumali siya sa ilegal na organisasyon na alam niyang pwedeng kumitil sa buhay niya kahit anong oras pa. Pwede naman kasi na bumalik siya sa amin bakit don pa?! Tch.

"X-xabrina?"

Ang bobo talaga kahit kailan. Hindi marunong magisip. Bobo. Inutil. Tanga. Manhid ka Red.

"Xabrina!"

Hindi ba niya naisip na pwedeng-pwede namin siyang tanggapin ulit ni Yoongi sa gang? Ang laki niyang tanga grabe. Hindi pa din nagbago.

"Min Hyo Shin!" Nagising ako sa ulirat nang marinig ko ang pangalan ko. Wow nice. Nasa harap na pala ako ng dorm, hindi ko man lang napansin yon. Tinignan ko nang matalim ang hampaslupang naglakas ng loob na isigaw ang pangalan ko.

"Ano na naman ba ang gusto mo? Leche." Tanong ko sa lalaking dahilan nang pagkasira ng reputasyon ko.

"D-dumdugo yung b-balikat m-mo," Utal-utal na sabi niya saken, tch. Yun lang ba?

"Ah. Eto ba? Wag kang magalala malayo yan sa bituka." Sagot ko sakanya habang tinuturo ang tama ko sa balikat. Nawala sa isip ko na may tama nga pala ako ng bala, hindi ko naman kasi ramdam ang sakit eh.

"Gago ka ba?! Paano kung mamatay ka? Ha?!"

"Ano? Ako mamamatay? Imposible, masyado akong maganda para mamatay." Ang oa at duwag talaga neto eh. Parang ngayon lang nakakita ng taong tinamaan ng bala ng baril.

"Wag ka ngang pilosopo! Halika dito, gamutin natin yang sugat mo sa loob!" Hindi na ako naka-angal pa dahil hinila na niya ako papuntang dorm.

Pinabayaan ko siyang gamutin ang sugat ko, wala naman kasing mangyayari kung magbabangayan pa kami tska alam kong mauuwi din sa ganto kaya pinabayaan ko nalang siya na gawin to. Kagustuhan niya yan. Pagbigyan, kesa pumunta pa ako sa hospital at magbayad ng mataas na buwis eh ganon din naman kung ikaw mismo gagamot sa sarili mo. Libre pa.

"Xav, pwede ba sa susunod magingat ka naman?" Wow. Tapos na pala niya akong gamutin ako kaya malakas na ang loob niya na pangaralan ako.

"Okay,"

"Pwede ba Xabrina?! Hindi mo alam kung gaano ako nagaalala sayo!" Sigaw pa niya. Ano ba?! Jusko naman hindi ba niya pwedeng sabihin yan nang hindi sumisigaw. Yung eardrums ko eh. Hayop talaga ang ilong na 'to.

"Hindi ko kailanman sinabi na magalala ka sakin," Malamig na tugon ko dito na siyang naging dahilan nang pagkagulat niya.

"Wala ka talagang kwenta. Tch," Padabog siyang umalis sa harap ko at umupo sa sofa.

"Salamat." Sarkastikong sagot ko naman sakanya kaya out of frustration ay sinabutan niya ang sarili niya. Hindi ko naman maiwasan na matawa. Ang pikon talaga neto.

Makalipas ang ilang minuto, nagulat kami ni Jungkook nang biglang bumukas ang pinto at sumigaw ang BTS. Mababasag yata eardrums ko. Parang mga babae lang na nakakita ng mga crush nila. Tch.

Ilang oras din akong kinulit nang mga 'to sa pagtatanong kung anong nangyari sa benda na nasa balikat ko. I told them the truth, na pinaliguan nga ako nang bala ng baril kaya ko nakuha ito. But of course, kelangan kong bawiin 'yun. Sinabi ko sakanila na sa katangahan ko lang 'yun, at mabuti naman ay nakumbinsi ko sila. Although i know Min Yoongi isnt, alam niyang may kinalaman ang pagiging gangster namin dito kaya ko nakuha itong sugat na ito.

Bad Ass DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon