CHAPTER 52 The Awards Night

Start from the beginning
                                    

Mabuti sana kung nakikita namin ang views, para na mo-monitor namin kung malapit na ba sa 4million o ilan pa ang kulang eh kaso mo naka hide ang NUMBER OF VIEWS ng mga kasali sa contest. Ang hirap tuloy mag imagine kung nakakailang views na ba ang video. Alam niyo naman ang rules diba? Dapat ma beat ng MV nato ang na unang video na inupload nila.

Tanging ang nasa likod ng YouTube lang ang nakakaalam kung ano na ang nangyayari sa views namin. Syempre naman noh, wala na yung suspense kung lantaran sa lahat hehehe.

Sa ganitong contest pwede rin daw na magkaroon ng tie. Eh syempre baka ang iba nalagpasan din yung first uploaded video nila diba? Kaya kailangan ding may tie breaker. Dapat isa lang talaga ang manalo eh. Pataasan nalang daw ng views pagnagkataon.

Hay nako papa Jesus, pinapasayo ko na po ang lahat. Kung ano man po ang ibibigay niyo sa amin ay tatanggapin ko po, basta alam namin sa mga puso namin na ibinigay namin ang lahat para manalo.

"Shamy, nominated ka sa best leading lady award diba?"

Tanong ni Chris. Oo nga pala nominated ako sa category na yan. Marami naman kasing mga semi awards eh tulad ng best lyrics, best rapper, best story line at best love team. LOVE kasi talaga ang theme ng contest nato. Pero hindi ang mga tao ang magdedecide kung sino ang panalo, bale may mga judges para diyan.

"Ahh, hehe. Oo eh, bakit?"

"Walang duda, panalo kana!"

"Nako Chris wag mo akong paasahin baka masaktan lang ako."

"Anong wag paasahin? Eh kanina ka pa tinatawag oh! Shamy umakyat kana sa stage ikaw ang panalo!"

"ANO!!? Waaah! Ahhh! Panalo ako! Hahaha!"

Sigaw ko tapos sinisigaw ng crowd ang pangalan ko. Grabe di ko manlang napansin na tinatawag na pala ang pangalan ko? Natameme siguro ako sa sobrang kaba.

Grabe tuwang-tuwa sina Racky sakin ang galing ko raw haha. Di ako makapaniwala ako ang napili nila nakakaoverwhelmed.

At heto, nakatayo na ako sa stage para mag speech. Hindi ako nakapaghanda ha! Pero sige bahala na huhuhu.

"Goodevening po. Uhm, gusto ko lang magpasalamat sa mga judges, isa pong malaking karangalan po ito sakin. Sa totoo niyan, wala po akong may inihandang magandang speech, pero kukunin ko nalang ang chance nato para magthank you. Sa family ko na nandito ngayon, maraming salamat talaga sa inyo. Sa pagsusuporta niyo sakin, sa pagtitiwala at kahit maraming nangyari di parin kayo namumbat o sumisi manlang, kasi kayo ang klase ng pamilya na, for better or for worst magkakasama parin tayo."

Nag pause ako kaya nagpalakpakan ang mga tao. At sina nanay sobrang natouch sa sinabi ko. Ako ay naiiyak na nga pero pinipigilan ko lang, nakakahiya naman kasi hehe.

"Gusto ko ring magthank you kay God sa pag guide niya samin lagi na nililigtas niya kami sa kapahamakan. Tapos kay Brennah at kay Steffon."

Nagulat naman sila nung nabanggit ko ang pangalan nila.

"Steffon, sir pogi thank you sa pagkakaibigan natin. Ikaw ang unang tao na naging malapit sakin nung nag-uumpisa palang ako sa pagtuturo kaya ispesyal ka talaga sakin. At Brennah maraming salamat kasi kung di dahil sayo di ako magiging isang regular teacher. Hindi ko talaga yan makakalimutan at pangako ko na di ko sasayangin yong ibinigay mo sakin. Babalik ako dun at personal na magpapasalamat kay ma'am principal sa pagtitiwala niya sakin at siyempre para makasama ulit ang mga students kong miss na miss ko na."

"Tapos syempre sa Candies na nilalanggam na sa sobrang tamis na pagmamahal na pinaparamdam nila sakin. Kahit matagal tayo na di nagkita, gumawa parin kayo ng paraan para mahanap ako at dahil dyan sa Rackylovers na fans club natin!"

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Where stories live. Discover now