Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Chaos may not be the real father of my child, but I am so grateful because he took my child like his own. Hindi ko maiwasang isipin kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, wala naman siyang mapapala. Bukod pa ro'n ay ikasisira lamang ng pangalan niya.

"In love ka na ba sa 'kin?"

Nagulat ako at natauhan nang nagsalita si Chaos malapit sa mukha ko. Nag-init naman ang mukha ko sa mapanuksong titig na ibinibigay niya sa akin.

"Siraulo ka talaga, Chaos!" tanging sambit ko.

He chuckled, Erom did the same. Napairap na lang ako at pinatay ang tv.

"What brought you here?" usisa ko habang naglalakad patungo sa kusina.

Pakinig ko naman ang mga yabag niyang nakasunod sa likuran ko. Kahit ang hagikhik ni Erom na nakikipaglaro sa kanya ay hindi nakaligtas sa aking pandinig.

"I will be gone for a week," he uttered.

Natigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.

"Mukhang gulat na gulat ka, mami-miss mo ako?" nakangising tudyo niya.

Doon pa lang ako umayos muli saka siya inirapan. "Asa," tipid na sambit ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nagtungo ako sa ref at kinuha ang pitcher na may malamig na tubig saka nagtungo sa lababo para kumuha ng baso.

Pinaupo niya naman si Erom sa kitchen stool saka naglakad palapit sa pwesto ko. Inagaw niya sa akin ang pitcher at siya ang kusang nagsalin sa baso.

"May family event kami two days from now. Gusto ni Mama na nandoon ako before the event," pagdedetalye ni Chaos.

"Hmm. I understand, enjoy your family gathering," I uttered and got the glass from him.

"Gusto mo ba isama ko muna si Erom? Magsasabi ako sa school niya," aniya na para bang alam na kalagayan ng anak ko ang iniisip ko ngayon.

Tipid akong ngumiti at umiling. Sandali akong uminom sa hawak kong baso at saka iyon inilapag sa kitchen sink.

"Alam mo naman na..." I glanced at Erom who's innocently watching us. "Your parents don't want him," I murmured.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Chaos kaya muling natuon ang atensyon ko sa kanya. "Ako ang bahala sa kanila," pangungumbinsi niya.

Muli akong umiling. "No need, Chaos. I understand them. Saka family gathering niyo iyon. Magtataka ang mga kamag-anak mo kapag nagdala ka ng bata tapos ang tawag pa sa 'yo Papa," puno ng pag-iingat kong bulong, sapat lang para marinig ng kausap ko.

"What's wrong with that? He's my son anyway," kibit-balikat niyang wika.

I rolled my eyes and washed the glass. Narinig ko ang paghalakhak siya saka yumakap mula sa likuran ko. Nabigla naman ako ro'n kaya hindi agad ako nakakilos.

"You know what, Jazzie. I like you."

Doon ay tuluyan ko nang nabitawan ang hawak kong baso sa lababo.

"You're shocked right?" he murmured and chuckled. "You don't need to answer me. Kapag bumalik ako saka tayo ulit mag-usap. But... I really hope you give me a chance."

Marahan akong humiwalay sa kanya at saka siya tinitigan. "S-sigurado ka ba?" nauutal na sambit ko.

He raised his left eyebrow at me.

"I-I mean... I have a child," I pointed out.

"Yeah, our child," he said.

Napatampal na lang ako sa noo ko at huminga nang malalim.

"Look, like I said. Hindi mo ako kailangang sagutin ngayon. I will give you a week to think," Chaos uttered and held my hands.

Nagkatitigan kaming dalawa. Tipid siyang ngumiti sa akin at lumapit para halikan ang noo ko.

"Let's give our son the family he deserves," he whispered.



WALA sa sarili akong pumasok ng trabaho kinabukasan. Still thinking about Chaos offer and sudden revelation. Aaminin ko na naa-attempt ako sa gusto niya ngunit ayaw ko ring magpadalos-dalos ng desisyon. Ayaw ko na pagsisihan niya ang pagpili sa akin. Ano ba ang mayroon ako? Bukod sa may anak na sa ibang lalaki, hindi rin ako maipapagyabang na babae.

I was walking inside the hotel when my supervisor, Stacey met my way.

"Sumunod ka sa akin," nagngingitngit niyang wika at nagpatiuna sa paglalakad.

Agad naman akong kinabahan sa dumoble niyang kaseryosohan kumpara sa normal niyang inaakto. Wala akong nagawa kundi ang tahimik na sumunod sa kanya.

Nagsimulang tumambol ang dibdib ko sa kaba sandaling tahakin namin ang daan patungo sa opisina.

Damn. What did I do?

Nauna siyang pumasok sa loob. Nagdalawang isip pa ako kung susunod ako ngunit mabilis din akong kumilos nang tingnan niya ako nang matalim. Nakayuko akong pumasok sa loob, takot sa maaari kong madatnan sa silid.

"I am really sorry, Sir. Naiwan po siguro iyan ng isa sa housekeeper namin. We meant no harm."

Pakinig kong wika ng owner ng hotel sa kung sinuman.

"How can I be so sure? Mamaya palabasin niyo pang ninakaw ko ito."

Tila nanlamig ako sa 'king pagkakatayo sandaling narinig ko ang baritonong boses nang nagsalita.

"That will not happen, Sir. Please, we'll do anything to make up for you."

Slowly, I lifted my head. Para akong matutumba nang nagtama ang paningin naming dalawa.

Valjerome...

He laughed emptily. "Then, I want the owner of this necklace to be my personal assistant while I am here," he said in a dismissive tone as he played with my lost necklace in his hand.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now