EPILOGUE

132 6 2
                                    

Sampung taon na ang nakakaraan mula nung mamatay si Sovann,sa mga bawat taon na dumaan ay unti-unti ko na ding natatanggap ang nangyari sa kaniya.

Sina Sedna at Lorcan ay nagkaroon ng dalawang anak,naging masaya ang kanilang pagsasama.Sina June,Elle at Chen ay malaki na,naging tagapagsilbi sila sa Palasyo.

Kung minsan ay dumadalaw ako sa palasyo,Malaya na akong nakakapasok at nakalalabas sa palasyo dahil nadin kay Haring Cadfael.Tama kayo ng iniisip,Isa ng Hari si Cadfael habang si Prinsesa Callidora naman ang Reyna ng Astrid.Naging mapayapa ang aming Kaharian

Si Zurie at Frost ay nagretiro na sa paninilbihan sa kaharian at namuhay ng payapa,nagkaroon din sila ng isang anak.

Habang ako ay ganun padin,nagbebenta ng sapatos.Naging dalawang palapag ang pagawaan namin ng sapatos,maging ang taga ibang bansa ay pumupunta sa kaharian namin dahil sa aking mga gawang sapatos.

"Lucine,marami ka bang ginagawa?" Napatingin ako kay Zildan.

"Wala naman,bakit?"

"Maaari ba kita ipasyal?" natawa naman ako doon.

"Oo naman." ngumiti siya saakin.

"Maraming salamat!"

Si Zildan ay taga gawa din ng sapatos sa kaharian ng Navulia,nakilala ko siya noon sa Navulia nung minsang magtrabaho ako sa pagawaan.

Lumuwas siya dito sa Astrid upang dito magpatuloy,ilang beses na niya akong niligawan kahit hindi ko naman pinapayagan.

Sinabi ko sa kaniya na hindi na ako magmamahal bukod kay Sovann ngunit matigas talaga ang kaniyang ulo kaya hinayaan ko nalang.

                                   ***

Nandito kami ngayon sa gitna ng gubat,kasalukuyan niyang pinaglalagay ang mga pagkain sa tela.

"Kainin mo." Tumango ako bago sinubo iyong pagkaing inabot niya.

Isa sa mga gusto ko kay Zildan ay masarap siyang magluto,sa tuwing nagkakasama kami ay palagi talaga akong nabubusog.

"Ano nga palang dahilan ng pagpunta natin dito?" tanong ko habang ngumunguya.

Kumain siya at bumuntong hininga,nangunot naman ang noo ko.

"Alam mo,bigla kong napagtanto na hinding hindi mo talaga ako mamamahalin." natigil ako sa pag-nguya.

"Zildan."

"Oo,h-huwag kang mag-alala.Ayos lang,ano nga bang laban ko kay Prinsepe Sovann diba?haha." Yumakap ako sa kaniya.

Isa sa mga ayaw ko ay ang makitang umiiyak 'to.

"Shhhh,marami pang babae diyan na magmamahal sa'yo.Hindi talaga ako ang para sa'yo." tumango siya.

"Kaya naisipan kong tumigil na,mas mabuting maging magkaibigan nalang tayo." Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.

"Oo,mas mabuting kaibigan nalang haha." Tumango siya at suminghot,natawa naman ako.

                                   ***

Nandito ako ngayon sa libingan ni Sovann,nilagyan ko ito ng bulaklak.

"Kamusta kana diyan mahal?" Hinimas ko ang lapida niya.

"Eto ako,masaya.Unti-unti ko na ding natatanggap na wala ka na,siguro ay masasanay na ako.Nandito ka ba? Kung nandito ka yakapin mo nga ako haha." Natawa nalang ako sa pinagsasabi ko.

"Alam mo ba,iyong kwinekwento kong si Zild.Ayun tumigil na,masaya ako dun syempre kasi hindi na siya masasaktan no.Nakakalungkot kayang Makita ang taong nasasaktan nang dahil sa'yo diba?"

"Alam mo ba Sovann,sina Zurie at Frost may anak na! Ang Saya saya nga nila e,ang ganda din ng anak nila.Manang mana kay Frost, Pati sina Sedna at Lorcan may dalawa na ding anak.Nakakilig sila."

"Alam mo Sovann,wala na talaga akong planong magmahal pa ulit.Tila hindi na tumitibok ang puso ko sa iba, tanging sa'yo lang talaga.Napakasuwerte mo Sovann ah hahaha."

Ilang minuto pa akong tumatawa do'n.Tuwing nagkakaproblema ako,sa libingan ni Sovann ako pumupunta,doon ko lahat nilalabas ang lahat ng hinanakit ko.

Ang daming nangyari mula nung pumasok ako sa kaharian ng Astrid.Marami akong nalaman na hindi ko akalaing nangyayari pala, katulad na lamang ng pag-iibigan ng aking Ina at Haring Tristram na hindi nabigyan ng masayang wakas,Ang Kahariang napakaayaw ko ay dito ko pala mahahanap ang taong kinababaliwan ko.

Mula nung pumasok ako sa kaharian ng Astrid ay doon ako nakahanap ng mga bagong kaibigan at pagmamahal na hinihiling ko.

Ang daming nangyaring nakakatawa at nakakaiyak.Mga pangyayaring pinakaiingatan ko.

Si Sovann,Ang prinsepeng nagparamdam saakin ng totoong kaligayahan at kasiyahan.Hinding hindi kita makakalimutan mahal ko,maging saaking kamatayan ay ikaw padin ang aking iisipin.

Pinagsisihan ko ang pag-alis sa Astrid dahil dito sa kahariang ito ako namulat, nagkaroon ng kaibigan at pag-ibig na hindi inaasahan.

END....

KINGDOM OF ASTRIDWhere stories live. Discover now