KABANATA 5

125 7 0
                                    

Madaling araw na ng Gabi at nandito padin ako sa labas ng palasyo,ang ganda ng buwan ngayon.

Namimiss ko na ang bayan,nasa likod ako ng palasyo kung saan ay walang nakakakita saakin.Umupo ako sa lilim ng puno,tanaw na tanaw ko dito ang buwan.

Tinitingnan din kaya nina Sedna at Lorcan ang buwan ngayon? Bumuntong hininga ako at ipinatong ang mukha ko sa tuhod ko.

"Hayst,namimiss ko na kayo June.Hindi ko akalaing ganito pala sa palasyo." Kumuha ako ng bato at itinapon iyon.Kumuha ulit ako nun at itinapon sa puno.

"Aray."

"Sino iyan?!" kinakabahang tanong ko,anak ng.

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi padin ito nag-sasalita kaya kumaripas na ako ng takbo pabalik.

Ganun nalang ang gulat ko nang may  mabangga ako.

"Pasensiya na." kinakabahang sambit ko.

"Lucine?" Si Prinsepe Sovann pala ito.Magsasalita pa sana ako nang hilahin niya ako at ipinasok sa isang kuwarto.

"Anong-" tinakpan niya ang bibig ko.

"Shhh,Alam mo bang hindi na puwedeng maglakad-lakad ang mga tagapagsilbi sa gabi? Dahil napapagkamalan kayong magnanakaw tsk."

"H-hindi ko alam."

"gabi gabi ay nagroronda ang mga kawal."

"Patawad." Sinilip niya ang labas at tiningnan ako.

"ihahatid na kita." Tumango ako,natameme ako ngayon jusme.Swear hindi na talaga ako lalabas sa gabi!

~~
Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin,anak ng! mukha akong panda ngayon!

Hindi kasi talaga ako nakatulog kagabi! Iniisip ko kung sino iyong natamaan ko ng bato kagabi!

"Anong mukha iyan?haha panda?haha." Umirap ako kay Zurie.

"Ang ingay mo,hindi kasi ako nakatulog kagabi." Kasalukuyan naming inaayos ang silid ni Prinsesa Muriel.

"At bakit naman?"

"Basta."

~~

NApahinto kami sa paglalakad ni Zurie nang mapadaan sa trono ng Hari,reyna, Prinsepe at Prinsesa.

Nakaupo silang lahat at may mga kawal na nakaharap sa kanila.

"Mahal na hari,may sulat na pinadala ang Hari ng Robin." ani ng isang kawal at inabot sa hari ang sulat.

"Robin?diba iyan iyong bansa na nais pabagsakin ang Astrid?" bulong ko kay Zurie.

"Oo,mukhang nagbabalak na naman atang sakupin ang bansa natin."

"Kahit kailan talaga ayaw nilang tumanggap ng pagkatalo."

"Kaya nga." Nakita ko ang pagkunot ng noo ng hari habang binabasa iyon.

"Sovann, kailangan nating pumunta ng Robin." Nagkatinginan ang Reyna at si Cadfael.

"Bakit?"

"Nagbabalak na namang sakupin ni Alankar ang kaharian."

"Oh diba tama ako." bulong ni Zurie,tumango ako.Sana magtagumpay sila.

"Halikana baka makita pa tayo dito." Nagulat ako nang mapatingin saakin si Prinsepe Sovann,iniwas ko nalang ang tingin ko sa kaniya.

Nahihiya ako sa nangyari kagabi.

Papunta kami ngayon sa herbalist ng palasyo para humingi ng gamot sa lagnat.Nilagnat kasi si Aira,si Aira iyong kasamahan namin sa pag-aalaga kay Prinsesa Muriel,iyong seryoso.

KINGDOM OF ASTRIDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ