KABANATA 19

68 4 0
                                    

Masaya naming pinapanuod ni Sovann ngayon ang ilog at buwan,ang ganda talaga nito.

"Iyong bahay na iyan,diyan muna tayo matutulog ngayon." ani niya, napatingin naman ako sa bahay na iyon,hindi ko napansin iyan kanina ah.

Hinawakan niya ang kamay ko na ikinangiti ko,wahhh ang lambot talaga.

"Kamusta ang araw mo?" tanong ko.

"Hindi maganda,ang daming pinagawa ni ama saakin at Isa pa,si Prinsesa Lina mukhang may gusto saakin." natatawa niyang ani,nawala naman ang ngiti sa labi ko.

Naalala ko, siya iyong kamag-anak ni Prinsesa Callidora at Prinsepe Flavio.

"Tsk.ngayon mo pa talaga nalaman, sa bagay manhid ka naman." mas lalo siyang natawa sa sinabi ko, inis ko siyang tiningnan.

"Ikaw din naman manhid,hindi mo nga napapansin na gusto kita nung nasa palasyo pa tayo." Nawala naman iyong inis na nararamdaman ko.

"Patawad pero bakit mo pinupunta saakin ang usapan aber?" Kinurot niya ang pisnge ko.

"Nakakamangha ka kung manibugho." namula naman ako doon.

"Ako?! Naninibugho?!" Tumawa siya ng tumawa.

"Sige,tumawa ka lang diyan." Tumayo ako papunta sa bahay na iyon ngunit hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako mula likod sabay patong ng kaniyang ulo sa balikat ko.

Napangiti ako doon.

"Patawad,hindi ko intensiyon na magalit ka." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sayang nararamdaman.

"patawad din,sa totoo lang ay naninibugho ako.Wala naman akong balak itanggi iyon sapagkat kasintahan na kita." naramdaman ko ang pag-ngiti niya.

"huwag kang mag-alala,hindi ako gagawa ng masama."

"Siguraduhin mo lang." Narinig ko ang pagtawa niya ng marahan.

"Opo kamahalan."

"Nga pala,may regalo ako sa'yo." Pinaharap niya ako sa kaniya,kita ko naman ang pagkunot ng noo niya.

"Anong okasyon at balak mo akong regaluhan?"

"Wala namang okasyon,balak ko lang magbigay ng regalo sa'yo.Pasasalamat na din dahil sa pagtatanggol mo saakin nung nasa loob pa tayo ng palasyo at sa nanay mo o kilala bilang Reyna natin." Umiling siya at niyakap ako.

"Kahit anong regalo pa iyan ay tatanggapin ko."

Umupo muli kami sa damuhan at hinarap ang ilog,nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Ah Sovann,h-hindi naman sa panghihimasok sa buhay mo ha ngunit nais ko sana tanungin ang relasyon mo sa Reyna mukha kasing hindi kayo magkasundo." Ngumiti siya ng pilit.

"Ayoko namang magsinungaling sa iyo dahil mahal kita,sa totoo lang ay hindi kami magkasundo mula nung mahuli ko sila ni Lord Serafino." Napatakip ako sa bibig ko at hinarap siya.

"Lord Serafino?"

"Yeah,may relasyon sila ni mama."

"Alam ba ng Hari?"

Umiling siya.

"Gustong gusto kong sabihin sa kaniya iyon ngunit sa tuwing nagbabalak ay kinokontra naman ako ng isip ko, natatakot ako na masira kami." Hinimas ko ang likod niya.

"Nung minsang makita mo akong malalim ang iniisip,iyong tungkol kay mama at Serafino ang iniisip ko." Niyakap ko siya.

"Gawin mo iyong dapat,mas mahalaga iyong papa mo." ani ko,narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

NANdito kami sa loob ng bahay dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan,kinuha ko sa basket ang sapatos na gawa ko para sa kaniya.

"A-ahh Sovann,eto nga pala iyong regalo ko sa'yo." Nahihiya kong inabot sa kaniya ang sapatos,mabuti nalang ay tinanggap niya agad.

"Ang ganda nito." sambit niya.

"salamat hehe." nginitian niya ako ng matamis.

"salamat dito,huwag kang mag-alala makakabawi din ako sa'yo." Umupo kami,kakainin namin ngayon ang niluto kong pastel ng mansanas.

"ayos lang,kahit huwag na."

"Anong huwag na?babawi nga ako,maniwala ka." Tumango ako at ngumiti.

KINAumagahan ay masaya kong binuksan ang pagawaan ng sapatos.

"Ganda ng ngiti ah?" bungad ni Lorcan,natawa nalang ako.

Kasalukuyan akong gumagawa ng sapatos ni Sedna.

"Malapit na ang kaarawan ni Sedna,may naiisip ka na bang regalo sa kaniya?"

"Oo,eto nga." Ipinakita ko sa kaniya ang sapatos na hindi pa tapos.

"Mabuti ka pa,e ako wala pa." napakamot siya sa batok niya.

"Umamin ka." bigla siyang namula sa sinabi ko.

"A-ano?! A-anong amin p-pinagsasabi mo?!" natawa ako,jusko parang bata.

Akala niya ata hindi ko napapansin ang mga tingin niya kay Sedna haha.

"Sus,alam kong may gusto ka kay Sedna." lalong namula ang pisnge niya at tinakpan ito.

"Wal-" Bago pa siya tumanggi ay inunahan ko na.

"Hep hep,huwag kanang tumanggi at Isa pa,matagal ko na iyang napapansin.Ramdam ko din namang may gusto din sa'yo si Sedna."

"Hayst,sana nga lalo na't gustong gusto niya si Prinsepe Sovann."

Oo nga pala,ayoko namang masira ang pagkakaibigan namin kaya balak ko ding aminin sa kaniya ang tungkol saamin ni Sovann.

"Pag-umamin ka sa kaniya,may aaminin din ako sa'yo." Tiningnan niya ako ng nagtataka.

"Seryoso ako,may aaminin din ako sa inyo."

Bumuntong hininga siya.

"Oh siya sige,aaminin na ako."

"Iyan ang Sovann namin!"

Nung hapon ding iyon ay sinara ko na ang pagawaan,walang katao-tao sa bahay kaya pumasok ako sa kuwarto nina mama.Kinuha ko iyong larawan na iniiyakan niya.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko ngayon!! Litrato iyon ni mama at ni Haring Tristram!!

P-pa'nong nagkaroon sila n-ng larawan?

Nung minsang magbukas sa publiko ang kaharian,lumabas din si mama nun at pagpasok niya ay umiiyak siya!

"Anak?" Napatingin ako sa kakapasok lang na si mama,nagulat siya nang makitang hawak-hawak ko ang litrato nila.

"Anong ibig sabihin nito?" Madiin kong ani.

"A-ano,wala lang i-iyan." aagawin sana niya ito ngunit hinila ko.

"May relasyon ba kayo ng Hari?"

Bigla ko din naalala nung minsang sinabi ng Hari na kamukha ko si mama,napagkumpirma ko sa isip ko na may relasyon nga sila.

"A-anak patawad..." Humikbi siya ngunit hindi ko siya matingnan ng diretso.

"Bakit mo nagawa kay tatay iyan?!" nagulat siya sa pagsigaw ko at tumayo.

"Wala kang alam! Kaya Wala kang karapatan para sigawan ang nanay mo!"

umiling ako.

"Anak,matagal na kaming wala ng Hari.Siya lang ang lalaking minahal ko."

"Pa'no si papa?!"

"Ang papa mo ay masama!! ginahasa niya ako kaya nabuo kayo!" napaupo ako dahil sa nalaman ko.

P-pa'nong?!

"H-HINDI."

"IYAN ANG KATOTOHANAN! NUNG PRINSEPE PA ANG HARI AY MAGKASINTAHAN KAMI,NUNG NALAMAN NG BAYAN ANG TUNGKOL SAAMIN AY NAGALIT SILA SAAKIN AT SINUNOG ANG BAHAY NAMIN,A-ANAK WALA A-AKONG NAGAWA K-KAYA N-NAPILITAN AKONG M-MAKIPAGHIWALAY S-SA KANIYA,ANG REYNA,BINANTAAN NIYA A-AKO."

K-KAYA BA GALIT ANG REYNA SA TUWING NANDIYAN AKO?! ANG SAMA NI PAPA! BAKIT NIYA GINAHASA SI MAMA!

KINGDOM OF ASTRIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon