KABANATA 9

97 4 0
                                    

"inaantok kana ba?" tanong ko habang nakatitig padin sa ilog,hinintay ko ang pag-sagot niya pero wala pading sumasagot kaya tiningnan ko siya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sitwasyon niya ngayon,nakapikit na ang mga mata niya at gumegewang ang ulo hindi alam kung saan sasandal.

Mas lumapit ako sa kaniya at sinandal ang ulo niya sa balikat ko,wala naman sigurong masama sa ginagawa ko.Rinig na rinig ko ang paghinga niya na ikinangiti ko.

Mukhang napagod siya ngayong araw.

~~
Kinakabahan ako ngayon habang papasok kami sa kaharian,bumungad saamin si Frost,Reyna,hari, Prinsepe, tagapagsilbi at si Prinsepe Cadfael.

"jusko anong nangyari sa braso mo anak?!" lumapit sa kaniya ang reyna at niyakap siya.

Napaharap saakin ang reyna na ikinagulat ko.

"Ikaw ba ang may gawa nito ha?!" sigaw niya mismo sa mukha ko,nanginig ang kamay ko habang nakatingin sa kaniya.

"A-ah a-ano-"

"Hindi siya,may nakaaway lang akong mabagsik na hayop kagabi." saka siya ngumiti,tulala lang akong nakatingin sa kaniya.

Hindi ko inaasahan iyon,akala ko sasabihin niya ang totoo.Hindi ko maiwas ang tingin ko sa kaniya.

"Lucine,nagawa mo ba ang pinapagawa sa'yo?" biglang sulpot nung herbalist ng palasyo.

"Ah opo,e-eto." ibinigay ko agad sa kaniya ang supot na naglalaman ng balat ng puno na Aspen.

"Maraming salamat!" yumuko siya saakin.

"Walang anuman." yumuko din ako.

Hinila ako ni Zurie doon,habang papalayo kami doon ay tiningnan ko si Prinsepe Sovann,ganun nalang ang gulat ko dahil nakatingin pala ito saakin.

"Grabe talaga! Hindi ko inakalang susundan ka ng prinsepe doon! Kung alam mo lang kung ga'no nag-alala iyong mukha niya kahapon!" Nandito kami ulit sa likod ng puno,napangiti ako sa sinabi ni Zurie.Mukhang nag-alala talaga siya saakin,pero bakit kaya? Sinundot ni Zurie ang pisnge ko na ikinagulat ko naman.

"Anong ngiti iyan ha?!"

"Wala."

"sus magkwento ka nga! Anong nangyari doon sa gubat?" binigyan niya ako ng makahulugang tingin.

"Hoy! Kahit kailan talaga ang dumi ng utak mo Zurie.Sa totoo lang may nangyari talaga." Kita ko naman ang gulat sa mukha niya, natatawa tuloy ako.

"Ano?!"

"Nakita mo ba iyong sugat sa braso ng Prinsepe?"

"Oo bakit?"

"Ako may gawa nun."

"Anak ng?! Pa'no?bakit?!" Grabe ang oa niya.

"Dahil akala niya masamang tao ang prinsepe." napaangat ang tingin namin sa puno,nandun pala si Frost.Bumaba siya doon at lumapit saamin.

"Teka pa'no mo nalaman?"

"Kwinento saakin ng prinsepe." napatango naman ako dun.

"Naku! Lagot ka talaga pag-nalaman ng Reyna." Nanlumo ako sa sinabi niya.

"Oo nga e,atin atin lang 'to ha." Tumango silang dalawa,nabuhayan naman ako doon.

Pagpasok sa silid ay humiga agad ako, tiningnan ko ang papel na nakaipit sa damit ko.Ito iyong papel na nahulog nung lalaking nakaitim,ano bang ibig sabihin ng mga letrang ito?mukhang mahaba ang nakasulat dito.Dapat ko na talagang matutunan kung pa'no magbasa,nahihiya naman akong magpatulong kina Zurie.

KINGDOM OF ASTRIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon