KABANATA 4

129 9 0
                                    


Aalis na sana ako sa damuhan nang may mapansin akong lalaking nakaitim,tatawagin ko sana siya dahil may nahulog siyang papel pero pag-tingin ko ulit nawala nalang siya ng parang bula.

Pinulot ko ang papel na iyon,may nakasulat doon ang kaso hindi ako marunong magbasa.Nung bata kasi ako, talagang hirap na hirap kami,bata palang ako ay nagtrabaho na ako.Wala na din akong oras para mag-aral kaya hanggang ngayon hindi padin ako marunong magbasa.

Nahihiya ako pag-ganun kasi ang laki-laki ko na,pero hindi pa din ako marunong magbasa.Itinago ko nalang sa bulsa ko iyon.

~~
KINABUkasan ay maaga na naman kaming gumising,pinapunta kami ni Amy sa kusina.Ang napakalaking kusina na nakita ko.

Bumungad saakin ang mga tagapagsilbi na mabilis na kumikilos,may okasyon ba? Nakita ko si Zurie na naghihiwa ng patatas.

"Lucine naubos na ang mga mansanas, kumuha ka doon sa taniman."

Anak ng,ayoko na talaga sa mansanas na iyan! Pinapahamak ako palagi tsk.Ano ako unggoy? Ayoko ng umakyat tsk.

"Nakikinig kaba Lucine?"

"Ah opo,pupunta na ako."

"Mabuti, ito ang paglalagyan mo." Inabot niya saakin ang basket na kaagad ko namang tinanggap.

Pumunta ako sa taniman nila,may sarili pala silang gubat dito.Pumasok ako sa gubat,ang sabi kasi kanina ay nandito daw ang puno ng mansanas.

Nagulat ako nang makita si Prinsepe Cadfael na nag-eespada sa gitna ng gubat.Kaagad akong nagtago,pero bago pa ako makapagtago ay nakita na niya ako!

"Lucine." tawag niya saakin na ikinatayo ko ng tuwid,kilala niya ako?!

"A-ah ano,kilala n-niyo po ako m-mahal na Prinsepe?" shet nauutal ako sa harap niya.

"diba nabanggit ng Hari ang ngalan mo noon?"

Akala ko pa naman,napakamot ako sa batok ko.

"Ah oo nga p-pala haha." Nakakailang iyong tawa ko!

"ano nga palang ginagawa mo dito?" mahinahon niyang tanong.

"ah ano,k-kukuha po ako ng mansanas.Naubos na po kasi doon."

"Tutulungan na kita." nagulat naman ako sa sinabi niya.

"T-totoo?"  Umiling siyang lumapit saakin at kinuha ang basket,pero inagaw ko ulit iyon.

"Patawad ngunit hindi niyo po pwedeng gawin iyan,ako na po ang bahala haha."

"Sige,mauna na ako."

Ano?! Akala ko pipilitin niya ako!

Naiwan akong sinusundan siya ng tingin.Napanguso akong umakyat ng puno at kinuha iyong mga prutas.

Ilang minuto din ako sa punong ito.

"Bumaba ka diyan." rinig kong tawag,tiningnan ko ang nasa baba ko at si Prinsepe Sovann ang bumungad nun.

"Ayoko nga,kita mo bang may ginagawa ako?"

"mahuhulog ka diyan,may dala akong panungkit ng mansanas." Tiningnan ko ang dala niya,may dala nga siyang panungkit.Ang tanga ko naman ba't hindi ko naisip iyon?amp.

"Bababa naako,sandali." ganun nalang ang gulat ko nang madulas ang paa ko at mahulog.

Napapikit ako sa kaba,pero ilang segundo pa ang lumipas ay hindi man lang ako bumabagsak.Minulat ko ang mata ko at si Prinsepe Sovann ang lumabas.

Nakakahiya! Dali-dali akong tumayo at inayos ang suot ko.

"Naku salamat talaga kamahalan,sana hindi mo nalang ako sinalo." Pinagpag ko iyong dumi sa balikat ng Prinsepe.Kita ko pa ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko,ano namang nakakagulat doon?

"Ayos lang,ang bigat mo pala." natatawa niyang sambit,nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"S-seryoso?!"

"Oo." saka siya tumawa,nahihiya akong yumuko sa kaniya.

"Patawad." Ba't ganito ang nangyayari?shet.

Kinuha ko ang panungkit at sinimulang kunin iyong mga mansanas.

"Tulungan na kita." sambit niya.

"Huwag na ho,ako na ang bahala." Ba't ba ang bait niya saakin?siguro, gusto niya mapalapit ang loob ko sa kaniya?! Iww hinding hindi ako mahuhulog sa kaniya no!

"Prince Sovann, magsisimula na kayo." sabay naming tiningnan iyong kadadating lang na tao.Hindi siya nakapang-kawal.

Maganda din iyon suot niya, siguro kaibigan ni Prince Sovann 'to.

"sige, Lucine maiwan na muna kita dito." Yumuko agad ako nang humarap siya saakin.

Tumango saakin iyong lalaking mukhang kaibigan ni Prince Sovann bago umalis.Nagkibit balikat nalang ako bago kumuha ng mga prutas.

"Eto na ho." Nilapag ko agad iyon sa harap ni Amy.

"Hinahanap ka ni Prinsesa Muriel,pumunta ka sa kuwadra ng mga kabayo.Nais niyang samahan mo siya sa pagpapatakbo ng kabayo."

"Masusunod." Yumuko ulit ako bago umalis,kinuha ko sa bulsa ng bestida ko ang mansanas at kinagat iyon habang naglalakad.

Natanaw ko si Prinsesa Muriel na may dala-dalang payong,nakaboots din siya.

"Lucine, marunong kabang magpatakbo ng kabayo?" tanong niya nang makalapit ako.

"Naku,Hindi po.Bakit?"

"Ganun ba?samahan mo nalang akong magpatakbo." saka siya ngumiti,pinalabas niya iyong kulay puting kabayo at sumakay.

Pinahawak niya sakain ang tali nun,sumunod naman ako.Ang laki-laki ng palasyo,akalain mo iyon may gubat na,may malawak pa talagang takbuhan ng kabayo.

Pinakain ko din ang kabayo habang naglalakad.

"Lucine,ang ganda ng mga gawang sapatos niyo." biglang sambit ni Princess Muriel, napangiti naman ako doon.

"Salamat naman ho hehe."

"matagal na din mula nung makabili ako ng sapatos sa inyo." ani niya.

"pwede naman ho kitang gawan pag-nakalabas ako dito."

"PRINSESA MURIEL NANDITO HO SI PRINSEPE FLAVIO NG ALBION." kita ko naman ang taranta sa mukha ni Muriel.

"Bakit ho Prinsesa?"

"W-wala." Aalis na sana siya nang may kabayong papunta sa direksiyon namin.

"Prinsesa Muriel." sambit nun nang makaharap siya kay Muriel,pogi ito! Mukhang magkaedad lang sila.

Nakita ko ang pamumula sa mukha ni Muriel,mukhang may gusto siya sa prinsepe ng Albion!

"Ah maiwan ko muna kayo." Yumuko ako bago umalis.

Umupo ako sa isang upuan doon at kumuha na naman ng mansanas sa bulsa ko,dalawang mansanas pala ang kinuha ko kanina.

Ang tagal naman ng prinsesa,ilang minuto nadin akong naghihintay dito.Napatayo agad ako nang mapadaan sa harap ko ang Reyna.Kinabahan akong yumuko sa kaniya.

"Hmmm? Hindi ko akalaing nagpapahinga kalang dito habang iyong mga kasamahan mo ay nagtatrabaho doon." sambit niya,hindi ko siya gusto.Mukha siyang nagpapanggap,iniangat ko ang ulo ko at hinarap siya.

"Hinihintay ko ho ang prinsesa kaya ako nandito." Hindi niya nagustuhan ang pagsagot ko,bakit ano bang masama doon?

"Aba't? Talagang sumagot kapa,bakit saan ba ang aking anak at dito ka naghintay?!" sigaw niya.

"Ah-"

"Inay,pinapatawag kayo ni Ama." biglang sulpot ni Prince Cadfael.

"Tsk." umirap saakin ang reyna bago umalis, tiningnan pa ako ni Prince Cadfael bago tuluyang umalis.

KINGDOM OF ASTRIDKde žijí příběhy. Začni objevovat