KABANATA 15

68 4 0
                                    

Nandito ako ngayon sa piitan ng kaharian,kanina pa ako sigaw ng sigaw.Pilit na sinasabi na hindi saakin iyong sulat na iyon!

"Parang awa niyo na! Hindi nga saakin iyon! Napulot ko lang iyon! May isang lalaking nakaitim ang nakahulog nun!" Napatingin saakin ang kawal at inis akong tiningnan.

"Pwede ba tumahimik ka! Mamaya ay pupunta dito ang Hari.Dun mo patunayan na wala kang kasalanan!" Napaupo ako sa inis.

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa noo ko,hindi ko na alam.Dalawang araw na akong nandito,kamusta na si Sovann?maayos na ba siya?

Pinunasan ko ang luha kong pumatak,ilang araw na din akong walang tulog.Bigla ko tuloy naalala iyong nangyari nung araw na iyon.

Matapos kong mabasa iyon ay umiling ako,napangisi ang Reyna saakin at pinakuha ako sa mga kawal.Napatingin ako kay Sovann sa huling pagkakataon,malalim ang kaniyang pagtulog.

"Walang hiya ka! Ikaw pala ang nagplano nito!" Napayuko ako sa masamang tingin nila, nakita ko si Zurie na hindi makapaniwalang tiningnan ako.

Umiling ako sa kaniya at sinabing hindi ako ang nagplano nito.Habang si Frost ay nakakunot ang noo na tila may iniisip.

Galit na galit sila saakin paano ko sila haharapin ngayon? Ang tanga ko! Kung sana ay binasa ko iyon hindi 'to mangyayari!

"Kamahalan." rinig kong sambit ng kawal saka siya yumuko.

Tumayo agad ako at sinilip kung sino iyon.

"Maari bang iwan niyo muna kami?" Teka si Sovann 'to! Mukhang maayos na siya!

"Masusunod mahal na Prinsepe." saka sila umalis.

Lumapit siya saakin,naiiyak ko siyang tiningnan.

"S-sovann,maayos ka na ba?kamusta ka?" Hinawakan ko ang pisnge niya,kaso tinabig niya ito na ikinagulat ko.

Naiiyak ko siyang tiningnan,napahawak ako sa dibdib ko dahil kumikirot ito.

"Hindi ko akalaing magagawa mo 'to saamin." nasasaktan ako sa tono ng pananalita niya! Ang lamig.

"S-sovann maniwala ka! Naalala mo iyong gabing nakita mo akong nagtatago sa damuhan?matapos iyon ay may nakita akong lalaking nakaitim! N-nahulog niya iyong sulat! Tatawagin ko s-sana siya kaso nawala nalang siya n-ng parang bula! Hindi a-ako marunong magbasa nun kaya h-hindi ko nabasa! T-tinago ko nalang." Umiling siya saakin,mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.

"Maniwala ka Sovann! W-wala akong kasalanan!"

"W-wala kang ebedensiyang maipakita s-saamin kaya h-hindi ko magawang magtiwala s-sa'yo." nahihirapan niyang sambit.

"S-sovann." tanging sambit ko nang magsimula siyang tumalikod.

"Mauna na ako."

"S-sovann." Hindi ko akalaing h-hindi niya ako mapagkatiwalaan..

Naiwan akong umiiyak sa piitan na iyon,nung araw na iyon ay hindi na bumalik si Sovann.Nalaman ko ding naging maayos na ang bayan,hindi din nila Alam na ako ang nagplano nun kahit hindi naman,sinabi saakin lahat ng kawal dito.

Isang linggo na ako dito,Wala akong ideya sa mangyayari saakin.Masakit din 'tong puso ko dahil kay Sovann,ni hindi din ako pinuntahan nina Frost at Zurie.

Kaibigan b-ba talaga ang turing nila s-saakin?

"Lucine." agad akong napatayo dahil sa boses ni Zurie.

Zurie?!

"Z-zurie!" natutuwang sambit ko,akala ko hindi na siya pupunta dito!

"Frost!" nandito din pala sila! Natutuwa kong pinunasan ang luha ko.

"Huwag kang mag-aalala hindi kami galit sa'yo." napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Zurie.

"Nandito kami para kamustahin ka,ano kamusta ka?" ani ni Frost.

"Hindi ako masaya dito,gusto ko na kayong makasama." hinawakan ni Zurie ang kamay ko.

"Ganun din kami."

"S-si Sovann k-kamusta?"

"Malungkot din si Sovann tulad namin,ni hindi namin siya makausap.Sa tuwing binabanggit ka naman namin ay naiinis siya." Napangiti ako ng mapait,mukhang galit nga talaga siya saakin.

Nakatitig lang ako sa kawalan ngayon,pinalabas sina Zurie kanina ng mga kawal kaya mag-isa na ulit ako.Pagod na pagod na ako,gusto ko munang makaidlip.

NAgising ako sa yapak ng mga paa, tumayo agad ako nang makita ang Hari.

"Mahal na hari." Seryoso niya akong tiningnan,nakausap ko siya nung nakaraang araw.Sinabi ko sa kaniyang hindi ako ang nagplano nito.

Katulad ng sinabi ko kay Sovann ay ganun ang sinabi ko sa Hari,kasi iyon naman talaga ang totoo.

"Makakalabas ka na." ani niya,natutuwa ko siyang tiningnan.

"Ibig sabihin ba niyan ay naniniwala na kayo saakin kamahalan?Hindi po talaga ako ang nagplano nito.Wala akong alam." Tipid siyang ngumiti saakin.

"Ngunit hindi kana maaring makapasok sa palasyo." nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

"H-ho?p-pakiulit nga."

"Hindi kana maaaring makapasok sa palasyo,uuwi kana sa inyo."

H-hindi...

"Mga kawal! Palabasin niyo siya dito at ihatid sa kanilang bahay."

"Teka-" tumalikod na ang hari at naiwan naman akong tulala.Binuksan nung kawal ang kulungan ko,ni hindi ko magawang makakilos dahil sa sinabi ng hari.

Hindi ako mapakali,ang daming tumatakbo sa isip ko.Bakit ganito?bakit hindi na ako puwedeng pumasok sa palasyo?!

H-hindi ko na makikita si S-sovann,sana nandito siya.Gusto k-kong magpaalam s-sa kaniya,a-alam niya Kaya ang nangyari saakin?

P-pero hindi man lang siya nagpakita?

"Bilisan mo!" tinulak ako nung kawal papasok sa isang kalesa,sa likod kami dumaan para hindi nila ako m-makita.

Eto n-naman iyong gusto mo diba?ang makaalis sa kaharian?diba nga ayaw mo pa dito?oh ba't umiiyak ka diyan?akala ko ba ayaw mo ba't parang ayaw mo pang umuwi sa inyo?

Nakaharap ako sa palasyo, ang palasyong naging pangalawa ko ng tahanan.Sina Zurie,Frost at S-sovann.

Bakit ba ako nahulog sa'yo?! Sana ay pinigilan ko nalang ang nararamdaman ko upang h-hindi ako masaktan ng ganito.

Ang tanga mo Lucine,alam mo namang ang laki ng agwat niyo! Prinsepe siya tapos ikaw tagapagsilbi lang! Anong akala mo magiging kayo? Tsk, Hindi totoo iyong mga naririnig mong kwento ni Janna! Kahit kailan ay hinding hindi magiging magkasintahan ang prinsepe at isang hamak na tagapagsilbi!

S-sovann.... mahal mo d-din kaya ako?iyong mga g-ginagawa mo,talaga bang pagkakaibigan lang i-iyon?

Inaamin ko ayoko pang umuwi! Gustong gusto ko pangmanatili sa palasyong iyan,sa palasyong naging tahanan ko.Gusto ko pang makasama sina Sovann pero mukhang ayaw talaga ng tadhana.

Sovann nais kitang makita sa huling pagkakataon.

Yumuko ako nung makita ang bayan,pagdating sa harap ng bahay namin ay pinaalis agad ako nung kawal.

Tinitigan ko ang bahay namin,wala akong lakas upang katukin ito.Kung pwede lang bumalik sa palasyo ay ginawa ko na.

KINGDOM OF ASTRIDWhere stories live. Discover now