KABANATA 8

97 7 0
                                    


"Oh ba't parang hinahabol ka?" tanong ni Zurie, nandito kami ngayon sa kuwarto ng prinsesa.

Naabutan ko silang inaayos ang kuwarto ng prinsesa.

"Wala." Lumapit ako sa prinsesa upang isuot ang sapatos sa kaniya.

Binabagabag padin ako nung narinig ko,ano kayang ginawa ng Reyna sa Hari?Sovann..  umiling agad ako.

"Lucine." napaangat ang tingin ko sa kaniya.

"Bakit po kamahalan?"

"Nais ng herbalist ng palasyo na kumuha ka ng balat ng puno na Aspen sa gubat."

Teka ba't ako?pero pag-ganun naman ede makakalabas ako ng palasyo!

"Ho?! Sige po." shet makakalabas na ako ng  palasyo! Pero gumagabi na,sus may sasakyan naman diyan.

"Eto ang perang gagamitin mong pambayad,damihan mo ang pagkuha sapagkat ito'y gagawing gamot." Nakangiti akong tumango.

"Sasama ako kamahalan." Pinanlakihan ko ng Mata si Zurie.

"Ah kamahalan,pag-sumama saakin si Zurie ede mag-isa nalang si Aira.Talagang mahihirapan si Aira pag-ganun." Tumango-tango ang kamahalan saakin.

"Dumito ka nalang Zurie,matanda nadin naman si Lucine kaya na niya ng mag-isa." Ngumiti ako.

Matapos iyon ay isinuot ko ang balabal ko papuntang gubat.Inihatid ako ng kawal,sus akala ko pa naman ako lang.Pinasakay niya lang ako papuntang gubat,talagang pinagmasdan niya ako kung aalis ba ako o hindi.Napasimangot tuloy ako.

Binigyan din ako ng herbalist doon ng larawan ng punong iyon,malapit daw sa ilog tumutubo iyon.Nakasimangot akong naglakad papunta sa ilog na iyon.

Dumidilim na din,Mula sa kinaroroonan ko ay tanaw na tanaw ko ang bayan.Ang bayan na nilakihan ko,napangiti ako ng mapait nang maalala sina Lorcan at Sedna.

Kamusta na kaya sila? Sina Lorcan at Sedna ang tumutulong saakin lalo na pagpinapahiya ako ni Cynthia noon dahil nga hindi ako marunong magbasa.Nung minsan ay sa harap ng maraming tao,buti nalang nandiyan sila para sagipin ako.Una kong nakilala si Lorcan noong bata pa kami,nakita ko kasing kinukutya siya ng mga bata dahil sa katabaan niya,kaya sinagip ko siya nun.

Mataba si Lorcan noon pero hindi na ngayon,pogi naman si Lorcan at maganda naman si Sedna.Nakilala ko si Sedna nung minsang nanuod ako ng buwan,nakita ko siyang umiiyak,noong una akala ko nga multo dahil gabing-gabi na nun.Nalaman kong namatay iyong ama niya noon sa digmaan,kaya siya umiiyak nung gabing iyon.Isang kawal ng kaharian ang ama niya,hindi ito nagtagumpay na mabuhay dahil nasaksak daw ito ng Hari ng Robin.

Naalala ko pa nung minsang magnakaw kami ng tinapay,talagang umabot kami ng gubat dahil sa pagtakbo.Pagkauwi namin ay pinalo kami nina nanay dahil masama daw iyong ginawa namin,pinagbayad pa sila tatay nun haha.

Sa kanilang dalawa ay si Lorcan ang napakakulit habang si Sedna naman ang pikunin, palaging nang-aasar si Lorcan saamin pikon na pikon naman kami ni Sedna.

"Hoy Sedna! Naubos mo na iyong mansanas ni Lucine!"

"Sorry na,nagutom ako e.Libre mo na 'to saakin Lucine,tutal aalis kana bukas hehe." Inirapan ko siya.

"Sabing hindi ako aalis!"

"Mamimiss ka namin." saka ako niyakap ni Lorcan,tinapakan ko agad ang paa niya.

"Aray naman Lucine."

Pinunasan ko agad ang luha ko,kita ko na ang puno! Tumakbo ako malapit doon.Kinuha ko iyong pang-ukit para makakuha ako ng balat nitong puno.

KINGDOM OF ASTRIDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora