KABANATA 10

101 5 0
                                    

Sa mga araw na nagdaan ay palaging nag-aaway ang Hari at Reyna,Sana naman hindi naaapektuhan ang bayan nito.Napahinto ako sa paglalakad nang madaanan ang dalawang Prinsepe na nag-eespadahan.

Pinagmasdan ko lang sila at mas magaling nga si Sovann dahil mabilis siyang nakakakilos kaysa kay Cadfael.Seryosong seryoso ang mukha ni Cadfael habang nakangiti naman si Sovann.

Nakita ko ang inis sa mukha ni Cadfael dahil sa ngisi ni Sovann,naalala ko tuloy iyong sarili ko sa tuwing ngumingiti si Sovann saakin.

Umalis na agad ako doon, napahinto ulit ako nang makita ang Hari na nag-iisa sa kaniyang trono,nakaupo siya doon at parang may iniisip.

Hindi ko alam kung anong nagtulak saakin para lumapit sa kaniya at yumuko.Hinarap ko ang Hari at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"M-mahal na Hari,kamusta po kayo?" ngumiti siya sa tanong ko,habang ako ay kinakabahan.Kahit kailan talaga hindi ko pinag-iisipan lahat ng ginagawa ko hmp!

"Bakit mo naman natanong Lucine?" Napakamot ako sa batok ko.

"A-ah ano po kasi,alam mo na.Ang daming nangyari,gusto ko lang malaman iyong nararamdaman mo hehe." Hinawakan niya ang buhok ko at tinitigan ako.

"Kamukhang kamukha mo siya." aniya,nangunot naman ang noo ko.

"Ho?"

"Hindi ako masaya,mula pa nung una'y hindi na ako naging masaya." Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko sa sinabi niya.

"P-po?b-bakit?"

"Kamusta kayo ng nanay mo noon?"mukhang iniwas niya ang usapan,napangiti ako nang maalala si nanay.

"Noon po ay hindi maayos ang pamumuhay namin pero ngayon ay nakakaahon na kami,nagpapasalamat nga ako dahil lumalago ang pagawaan namin ng sapatos."

"Ang nanay mo,masaya ba siya?" parang nahihiwagaan ako sa sinasabi ng Hari.

"Sa tingin ko po ay masaya naman siya." nakangiti kong ani,pero hindi man lang ako nginitian ng hari.

"Ah mahal na hari,huwag na huwag niyo pong hayaang lamunin kayo ng problema.Lahat naman ho ng problema may solusyon,siguro ay hindi pa ngayon pero siguro balang araw." ani ko pa,tinitigan niya ako.

"Sige po mauna na ako." yumuko ako at dahang-dahang umalis.

Nang makaalis ako doon ay napabuntong hininga ako,shet nakakakaba pala pag-malapit ka sa hari!

"Anong ginagawa mo dito?" napaatras ako dahil sa mataray na tanong ng reyna.Ba't ba palagi kaming nagkakaabutan? Eh hindi naman namin gusto ang isat-isa.

"Mauna na ho ako." Yumuko ako,tatalikod na sana ngunit hinila niya ang braso ko paharap sa kaniya.

Napatingin ako sa braso ko na namumula dahil sa kuko niyang bumaon dito.

"Kinakausap pa kita!"

"Napahinto lang ho ako dito." tinitigan niya ako,lumaban naman ako ng titig sa kaniya.

Hanggat wala akong ginagawang masama hinding hindi ako masisindak sa kaniya.Tumango siya saakin kaya umalis na ako,ang hapdi ng kamay ko!

"Lucine? Anong nangyari sa kamay mo?!" nakasalubong ko si Sovann,na sa likod naman niya si Frost.Maging si Frost ay napatingin sa kamay ko.

"Ba't dumudugo iyan?" tanong ni Frost,tinago ko agad iyong kamay ko pero hinawakan ni Sovann ito.

"Wala lang ito." Ba't ba ganun siya kung mag-alala? Namumula tuloy ako leche.

"Anong wala?huwag mo sabihing nakipag-away ka?" tinitigan ko lang ang mukha niya,kinuha niya ulit ang kamay ko at sinuri ito.

May kung anong tuwa akong naramdaman sa sistema ko ngayon,hindi ko alam kung bakit,dahil ba nag-aalala siya saakin?

"Ano na?nakipag-away ka ba?" nabalik lang ako sa huwesiyo nang magsalita siya ulit.

"A-ano hindi ah,nakalmot lang ako ng ahas este pusa k-kanina." kumunot ang noo niya.

"Kalmot?! Hindi ako naniniwala,nakipag-away ka nga?Ingatan mo nga iyang sarili mo Lucine.Iyang pisnge mo,hindi na ba masakit?!" mas lalo akong namula nung hawakan niya ang pisnge ko.

"Ehem kamahalan." tikhim ni Frost,napatigil naman sa paghawak saakin si Sovann.Sinilip ko ang mukha niya at hindi na siya makatingin saakin.

"A-ah mamaya,s-sana pag-nagkita tayo ay nakabenda na iyan.Maliwanag ba Lucine?" natulala ulit ako sa kaniya.

"A-ah opo,maliwanag."

"Mauna na kami." ani ni Frost,nagsimula na silang lumakad palayo saakin.Naiwan ulit akong tulala at namumula ang mukha.

~~
"GRABE! Hindi ko mapigilang mainis sa ating reyna! Bakit niya nagawa iyan sa'yo?!" nandito kami sa silid namin.Kaming dalawa lang ni Zurie ngayon ang nandito kaya Malaya naming nasasabi ang mga nais namin.

"Tsk,pasalamat siya may kaunti pa akong respeto sa kaniya." hinimas ni Zurie ang kamay kong nakabenda.

"Hayst! Matapos iyong sampal na ginawa niya sa'yo,kalmot naman?! Nakakainis talaga,hindi na ba mahapdi?"

"Hindi na,malayo din naman sa bituka 'to.Kaya Zurie,mag-iingat ka sa Reyna ha." Tumango-tango siya habang nakayakap saakin.

"Talagang mag-iingat ako,ah Lucine tutal ikaw na ang kaibigan ko.May sasabihin ako sa'yo,ganun naman talaga ang magkakaibigan diba?nagsasabihan ng sekreto hehe." Tila natutuwa siya, hinimas ko naman ang buhok niya.Naalala ko tuloy si Sedna sa kaniya.

"Ano iyon?"

"Si Frost gusto ko siya hihihi."

"Sana gusto ka din." hinampas niya ako ng mahina na ikinatawa ko.

"Hoy! Grabe ka saakin."

"Bakit mo naman nagustuhan iyon?" ngumiti siya ng matamis.

"Nagustuhan ko siya dahil sa galing niyang makipaglaban.Nung minsan nga'y nakita niya akong nahihirapan sa pagbubuhat nung mga libro ay tinulungan niya ako.Mula nun ay naiilang na ako sa tuwing nandiyan siya,sa tuwing tumitingin din ako sa kaniya ay bumibilis ang tibok ng puso ko."

"Talaga bang bumibilis ang tibok ng puso kapag Mahal mo ang isang tao?" Tumango-tango siya saakin habang nakangiti.

"Oo! Ang sarap kaya sa pakiramdam nun."

"Ewan ko nalang."

"Naku! Iyang mga iniisip mo kakainin mo lang iyan pag-tinamaan ka na ng pag-ibig."

Inikutan ko nalang siya ng mata,biglang pumasok iyong babaeng pinagbintangan akong magnanakaw.Lalapit na sana si Zurie sa kaniya ngunit pinigilan ko siya,mas mabuting ako na ang lalapit.

Lumapit ako sa kaniya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Hoy!" hinampas ko ang talahanayan na na sa gilid niya,nasindak naman siya nito.

"Anong dahilan kung ba't mo'ko pinagbintangan kahapon?" Hindi niya inangat ang tingin niya saakin.

"Alam ko ang ginawa mo nung gabing iyon!" ani ni Zurie,napaangat ang tingin nung babae saamin.

Napangisi ako sa takot ng mukha niya, nagsidatingan na din ang ilang tagapagsilbi ngunit wala na akong pake doon nais kong malaman ang dahilan niya!

"Nakita ko noong gabing iyon ang pag-lagay mo ng gargantilya ng Reyna sa supot ni Lucine.Siguro ay matagal mo ng plano ito! Nung gabing iyon kalang nakatyempo dahil wala si Lucine.At Isa pa, pa'no naman magagawang nakawin ni Lucine iyon e wala naman siya dito nung gabing iyon! Ikaw ang totoong magnanakaw!" Nagsimula na ding magbulungan iyong mga tagapagsilbi dito na ikinangiti ko.

"Ngayon ay sabihin mo kung ano ang dahilan ng lahat ng iyan! Bida bida ka ba?o baka nama'y inggit ka?"

inis niya akong tiningnan.

"Jen nais kitang makausap." lahat kami ay napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon,si Amy pala ang nagmamay-ari nun.

"M-madam." umiiyak siyang tumingin kay Amy habang seryoso namang nakatingin si Amy.

"Sumunod ka saakin,kinakahiya kita." Umalis si Amy habang umiiyak naman na nakasunod iyong Jen na iyon.

Napangiti saakin si Zurie at ganun din naman ako sa kaniya.

~~
Gargantilya-necklace
talahanayan-table


KINGDOM OF ASTRIDWhere stories live. Discover now