CHAPTER 1

6 0 0
                                    


AUDREY'S POV

"Drie! Ako na niyan!" nagulat ako sa pag sulpot ni Alen sa lukod ko at inagaw ang kahon na hawak ko.

"Eh kaya ko naman. Ano ba yan! So ano dadalhin ko?" reklamo ko sakanya. Sinabayan ko nalang siya sa paglalakad. Nang makarating kami sa tapat ng van tinaasan ako ni Rose ng kilay niya.

"At bakit wala kang dala? Asan ang mga flyers?" mataray niyang tanong saakin.

"Andito saakin Ma'am. Ang aga aga ang arte mo po." Biro naman sakanya ni Alen. Inakbayan ko naman si Rose.

"Huwag ka ng magalit. Inagaw saakin ni Alen eh." Tapos ngumuso lang say saakin. Ginulo ko naman ang buhok nya.

"AUDREY NAMAN EH! Kakasuklay ko lang eh." Natawa nalang ako dahil napapadyak pa siya sa inis saakin.

Ewan ko ba dito kay Rose kung bakit nagseselos pa rin saaken eh hindi ko naman gusto yung bebe niya. Long time crush ni Rose si Alen at si Alen naman kaklase ko pa simula junior high school.

"Ready na ba lahat? Kumpleto na ba ng team?" malakas na sigaw ni ma'am Alice.

"Ma'am kulang pa po. Wala pa si JD!" sigaw naman ni Alyssa.

"Kahit kailan talaga si JD!" rinig kong reklamo ni Rose.

Unang araw naming ngayon ng school promotion. This is my second year joining school promotion. Nililibot namin ang buong probinsya naming para i-promote lang ang school namin.

"Audrey! Halika na sa loob ng van nalang daw natin hintayin si JD." Tawag saakin ni Rose. Papasok na sana ako sa van nung may tumawag saakin.

"Audrey! Wait lang!" nilingon ko naman ang pamilyar na boses na tumawag saakin.

"Sanadali! Girl natapo mo ba yung power point presentation natin?" hingal na tanong ni Amy saakin. Ay oo nga pala muntik ko ng makalimutan.

"Oo nga pala. Tapos ko naman siya pero hindi ko pa nasesend kay sir." Tiningnan ako ni Amy ng masama.

"Ano kaba girl! Hindi pumapayag si sir mag pa report kapag hindi pa niya nache-check yung PPT presentation!" reklamo niya saakin.

"Sorry na, nakalimutan ko i-send kagabi. Sige ganito nalang chat ko nalang si sir ngayon baka pumayag pa."

"AUDREY! HALIKA NA ANDITO NA SI JD! AALIS NA TAYO!" narinig kong sigaw ni Rose.

"Cha-chat nalang kita kung papayag pa si sir. I-send ko rin sayo yung PPT. Sige na aalis na kami. Byeeeee!" at tumakbo na nga ako papasok sa van. No choice ako kundi tumabi kay JD dahil ako ang huling sumakay.

"Yey! Tabi tayo." Masayang sabi ni JD. Pinanlisikan ko naman siya ng tingin. Dahil alam ko na ang mangyayari. Matutulog lang naman siya buong byahe at mangangawit nanaman ang balikat ko. Nilingon ko naman ni Rose sa likuran ng van at ngumuso.

"Drie! Paheram ng earphones mo." Nakangiting sambit ni JD.

"Ayoko!" pagtataray ko sakanya.

"Ang damot naman. Sige na! drie!" pangungulit nya habang hinihila ang manggas ng uniform ko.

"Ang kulit! Bakit di mo dinala earphones mo?" masungit ko sakanyang tanong.

"Nakalimuta ko. Sige na share nalang tayo." Hinawi ko naman ang kamay niya sa manggas ko.

"Ayoko nga."

"Ang ingay nyo naman. Natutulog kami dito eh." Reklama mo ni Alen.

Wala rin naman akong nagawa at share nga kami ni JD ng earphones nag talo pa kami kung kaninong phone ang gagamitin. Ang kapal ng mukha nakikishare nalang gusto nya pa sya mag de-decide ng playlist. Wala pang sampung minuto na natigil kami sa pagtatalo at ako nga ang pumili ng playlist ay tulog na ang gung gung.

My Sanity (ONGOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang