CHAPTER 8

4 0 0
                                    


Mabilis lang na lumipas ang mga araw. Last day na ng exam namin ngayon at next week ay magpapapirma nalang kami ng clearance at sangkatutak nanaman na mga requirements ito.

"Pa! ano breakfast?" sigaw ko habang pababa ng hagdan. Naka pencil skirt ako na navy blue at naka tuck-in na puting longsleeve habang nasa braso ko ang navy blue na coat at isang floral scarf dahil ang last day ng exam namin ay oral exam sa major subjects namin.

"Hali kana nag luto ako ng pancakes!" sigaw din ni papa. Nilapag ko sa sala ang mga dala ko at nagtungo sa kusina. Naupo ako sa isang high chair sa counter top, madalas ay dito kami kumakain hindi sa dinning area dahil minsan lang kami magsama sama sa hapag lalo na noong umalis na si ate.

Umuwi si papa last week dahil alam nyang may exam ako at wala raw mag aasikaso saakin si mama naman ay nandoon pa rin sa Legazpi pero pumapasok pa rin sya sa opisina at madalas nya akong kamustahin.

Hindi ko pa rin natatanong kay papa kung paano sila mag aayus ni mama. Eto na ata ang pinakamalala nilang pinag awayan.

"Anong gusto mo maple syrup o condensada?" nakangiting tanong ni papa.

"Both!" masiglang sagot ko sakanya.

Nagtanong lang si papa kung kamusta ang exam ko at nag patuloy kami sapag kain. Maaga ngayon si papa, well araw araw naman syang maaga dahil magbubukas pa sya ng tindahan sa palengke. Hindi pa man ako tapos kumain ay nag paalam na si Papa na mauuna na sya. Alas syete imedya na ako na ako nakaalis ng bahay dahil sa tagal kung kumilos. Maaga pa naman dahil 9 am ang oral exam namin pero balak kong mag memorize ng script sa library though saulado ko na ito ngunit iba yung kaba ngayon. Apat na major subjects ngayon ang i-ta-take ko Tourism, Bell service, Front office at Foob and beverage services. Lahat yan may mga script na kailangan naming isaulo. Kahapon nag simula ang first batch at ngayon ang second bacth at bukas ang huli.

Mag aalas otso ako nakarating sa library. Tinext ko na rin si Amy na hihintayin ko sya rito pero ang gaga parang tulog pa.

30 minutes palang akong nag rereview ng may naglapag ng kape sa harapan ko. Tumingala naman ako para alamin kung sino ito ngunit nagulat ako ng si Sir William ang nasa harap ko.

"Ang aga? Kinakabahan yan?" biro nya. This past few days mas naging close kami ni Sir madalas nya akong hingan ng tulong kapag sa mga paper works at through that mas naging kumportable na ako sakanya. Akala nga ni Amy ay may namamagitan saamin pero wala naman akong ibang nararamdam. Aaminin ko noon, crush ko si Sir noong baguhan palang sya rito pero nung naging close kami ng unti parang tropa lang kagaya nila JD.

"Sir bakit hindi ikaw ang hahawak saamin?" nakanguson kong tanong sakanya.

"I told you, Ma'am Lory will be your proctor hindi pwedeng ako dahil ako ang instructor nyo." May point naman sya pero kung sana sya ang proctor hindi ako kinakabahan ng ganito.

Inabot ko ang kapeng binigay nya at sumimimsim.

"Kaya mo yan! Ang daming TESDA assessments na ang napasa mo ngayon ka pa ba kakabahan?" napabuntong hininga nalang ako.

"Oh sya hindi na kita i-istorbohin, nakita lang kita kanina sa gate kaya naisip kong dalhan ka ng kape." Tumayo na sya at handing umalis.

"Thank you Sir sa kape. Ako naman sa susunod." Tumango lang sya at nginitian ako.

Hindi ko na imagine na magiging close kami ng ganto ni Sir dahil ang suplado talaga nya noon saakin. Pero well masaya naman ako sa friendship namin ngayon. Friendship hmp. HAHAHAHAHA

"Ano ba yan ang sungit ni Ma'am Lory! Nag kamali lang ako ng isang salita pina ulit saakin buong script!" nagmamaktol si Amy sa harap ko habang kumakain kami ng lunch. Natapos na kami sa unang exam at tatlo pa pag katapos ng lunch break. Napabuntong hininga na lang ako dahil ang sungit nga ni Ma'am. Na i-deliver ko naman ng maayos ang script halatang kinakabahan ako pero hindi naman ako nag kamali.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Sanity (ONGOING)Where stories live. Discover now