CHAPTER 3

5 0 0
                                    


Hinanap ko si JD pero hindi ko sya nakita sa loob ng restaurant. Pag ako talga iniwan ng buang na yon makakatikim sya ng malakas na sapak. Lumabas ako ng resto at nakita ko sya kaagad na nakasakay na sa motor. Ng makita nya ako ay kinawayan niya ako.

"Gagi ang akala ko iniwan mo na ako." Pinalo ko sya sa balikat nya.

"Nauna na sila Marcus. Halika na may klase pa ako ng 1:30." Hinila nya ako at sinuot ang helmet.

Saktong 1pm kami ng makarating sa school. Maraming mata nanaman ang nakatingin saamin.

"Thank you sa lunch." Inabot ko sakanya ang helmet.

"Hintayin mo naman ako." Nagderederetso lang ako ng lakad. Wala akong pake sa mga tao pero nakakairita lang na makita sa mga mata nila ang panghuhusga. Last year lang kasi nag transfer dito si JD at alam kong gwapo naman talaga si JD kaya nga marami ang nag kakagusto sakanya kaya hindi maiwasan na marami ang gumagawa ng issue na may relasyon kami. Duh? Hindi ba pwedeng mag kaibigan lang kami?

"Eto naman hihintayin lang ako eh." Tapos sumikbit nanaman ang braso nya sa braso ko. Alam kong sobrang kumportable na namin sa isa't isa kaya normal na lang ito saamin pero simula nong napansin kong iba na ang mga tingin saamin I started to distance my self from them.

"Sa library ako, sa classroom kana." Tinulak ko sya paalis.

"Ungrateful human being!" tapos inirapan nya lang ako.

Alas dos pa naman ang klase ko kaya tatambay muna ako sa library. Nilabas ko ang cellphone ko para mag check ng mga messages.

Si Amy ang unang una sa messenger ko. Ang dami nyang chat 22+. Hindi nga pala ako nakapag paalam na hindi ako sasabay sakanila mag lunch. Nireply ko naman sya at sinabing nag lunch na ako at nasa library ako.

Nag check din ako ng mga GC at baka may mga announcement. Wala naman masyadong ganap. Hindi ko na inopen ang ibang mga messages dahil tinatamad akong mag reply.

Itatago ko na sana ang ang cellphone ko ng may mag notify.

William : see me at my office now.

Na shook ako. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako. Bwisit naman!

Hindi ko alam kung ise-seen ko o ii-ignore. Kaagad ko namang inayos ang mga libro na kinuha ko iiwan ko lang eto dito at babalik lang din naman ako.

Wala akong choice kaya ngayon naglalakd na ako papuntang opisina ni sir.

Kakatok palang sana ako ng bumukas ito at bumungad saakin si Amy.

"Gurl kanina pa kita hinahanap gaga ka!" sabay hampas sa balikat ko.

"Nireplyan na kita ah at na seen mo na yun." Tamad kong sagot sakanya.

"Oo nga at ilang oras ka pa bago ka makapag reply. Pano kung mamamatay na ako eh hindi mo na ako naabutan."

Sasagot na sana ako ng bigla akong tawagin ni sir.

"Ikaw ba yan Ms. Monreal?" sumagot lang ako ng opo.

"Ay oo nga pala hanap ka ni sir. Nakalimutan ko."

"Pano ang arte mo." Pag tataray ko sakanya.

"Og sige na mauna na ako sa library tayo magkita." At umalis na nga si Amy.

Pag ka pasok ko bumungad saakin si Sir na busy sa pag checheck ng mga papel.

"Maupo ka, saglit lang ito." Naupo naman ako. After nyang matapos ang limang natitirang papel ay may hinugot sya sa drawer ng table nya.

My Sanity (ONGOING)Where stories live. Discover now