18: Captured

16 7 0
                                    

Chapter 18: Captured

Kat's Note: 5 chapters remaining!

Alex's POV,

"Sa likod tayo dumaan, dali!"sigaw ko sa kanila saka tumakbo papuntang pinto. Napalingon ako kay Daphne na nakatulala sa parte ng mall na unti unting nasisira.

"Daphne, tara na,"sabi ko saka hinawakan ang kamay niya at hinila pero hindi siya nagpatinag.

"A-Ang pinaghirapan naming teritoryo...ngayon ay unti unting gumuguho...ano nalang ang sasabihin ng aming mga magulang sa pangyayaring ito
..."sabi niya habang nakatulala pa din sa parteng iyon.

"Please!Mamamatay tayo dito!"sabi ko saka hinila siya. Mabuti nalang at nagpahila na siya.

Doon kami dumaan sa likod ng mall. Yung karaniwang dinadaanan ng mga staffs na pinto. Mabuti nalang at nilibot namin ni Josh ang buong mall kaya nakabisado na namin ang buong mall.

"Eto na ang mga sandata,"sabi ni Ria saka hinagis nila ni Kent ang mga sandata sa amin. Agad naman naming kinuha ang nakalaan sa amin.

Time to be in the field, Alex. I thought to myself while looking at the club I'm holding. I tightened my grip on it and start walking.

"Walang hihiwalay okay? Kent and Daphne sa harap kayo. Dexter and Ria, sa likod kayo. Josh, sa gilid tayo. Jhania, hawakan mong mabuti si Sam, sa gitna ka lang,"I commanded and they all nodded.

Let's fucking start this.

----

I slit the woman's throat before it swings her sword to me. Mabilis siyang bumagsak at tumalsik ang dugo sa akin.

Umikot ako patalikod saka ginilitan ang lalaking nasa likod ko. Padami na sila ng padami. Malamang nakatunog na sila sa lokasyon namin.

"Waa! Don't cry baby Sam!"narinig kong sigaw ni Jhania. Napalingon ako sa kanya at nakita ang nagwawalang si Sam.

"Guys! Let's stand by!Jhania. Patigilin mo muna si Sam. We'll guard the area,"I said. Mabilis namang tumango si Jhania saka umupo sa kakahuyan. Kami naman ay nakaalerto sa pwesto namin.

I am here, facing Jhania's east. Si Josh naman sa kabila. As much as possible, 5 meters lang ang nilalayo namin mula sa kanya. Lalo na at hindi siya makakagamit ng sandata dahil kay Sam.

"Josh, ikaw ba yan?!"awtomatikong lumingon ako sa direksyon ni Josh. Nakita ko ang dalawang pigurang lumalapit sa kanya.

"Josh, mag-iingat ka!"sigaw ko.

"Josh, ang tagal ka na naming gustong makita..."

Huh?

Wait.

Oh gosh.

"Ma?Pa?"

So it was Josh's parents? What a coincidence. Finally, nakita na din namin sila.

"Please, kami lang to. Wala na sila. I-Ibaba niyo na ang sandata niyo..."sabi nung babae.

"Well, Im not sure of that!"inis na sabi ni Ria.

"MAGULANG KO SILA!"

"Ibaba na natin, guys,"sabi ko at dahan dahang binaba ang sandata ko. Ganun din ang ginawa ng mga kasama ko.

"Josh, sa wakas, nagkita na tayo,"nakita ko kung paano magyakapan sila Josh at ang magulang niya. Alam kong mali, pero naiinggit ako sa nakikita ko.

Sana talaga makalabas na kami sa impyernong ito.

Nakita ko ang pagtaas ng lalaki ng kanang kamay niya saka sinara ito. What does that supposed to–

Bigla nalang nagsilapit ang mga kasamahan ng nakalaban namin kanina saka tinalian kami sa kamay. Di na kami nakapalag sa kanila, isa pa, nakababa naman na ang mga sandata namin.

Nakita ko na nagpupumiglas ang mga kasamahan ko pero maging sila wala nang nagawa.

Damn you parents of Josh. You're oh so dead.

----

Portal To The Death City[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon