17: Deciphered

14 7 0
                                    

Chapter 17: Deciphered

Alex's POV,

"Masakit pa ba?"tanong ni Jhania kay Kent habang dinadampi ang bulak na may alcohol. Patuloy naman sa pagsigaw si Kent.

"Magtatanong ka pa!Kita nang–aray! Masakit pa nga e!"sigaw ni Kent.

Binaling ko ang tingin kay Ria. "Ano ba kasing nangyari?"tanong ko.

"He punched the mirror for some unknown reason,"inis na sabi ni Ria. Ni hindi nga siya makatingin ng diretso kay Kent. At ganun din si Kent sa kanya.

Alam kong may iba pang nangyari, but I didn't bother asking.

"Kian appeared in the mirror!Tinalo ko lang siya!"Kent said in defense.

"So basically,you defeated Kian with punching the mirror?How the hell would I believe that?"tanong ko. Duh, kahit saang anggulo tingnan,hindi posible ang sinabi niya. Maliban siyempre kung nasa fantasy story kami.

"Tahimik!Pinayagan na namin kayo na magsalita ng ingles ngunit sobra na yata. Wala na kaming nauunawaan!Parte pa din ba kami ng grupong ito?"pagpigil ni Daphne sa amin. I sighed. Sorry na, nakalimutan ko.

"Ang saad ng ate, maaari kayong magingles subalit sana ay ipaunawa niyo din sa amin."sabi naman ni Dexter.

"Okay! Sorry talaga Dexter at ate Daphne,"sabi ni Jhania saka nag peace sign.

"Huwag mo akong matawag tawag na ate! Hindi ka parte sa aming pamilya,"

"Eh dapat bang–"

Nawala ang atensyon ko kina Jhania at Daphne nang may kumalabit sa akin.

"Bakit?"pabulong na tanong ko kay Josh.

"You have to see this,"sabi niya kaya tahimik kaming umalis at pumunta sa first floor.

Nandito kami sa may boutique shop and yes, dito nakatambak ang mga librong nakuha namin sa library.

"Lahat ng page, lahat ng libro ay magkakaiba ng kwento. Lahat ay tungkol sa Dikarya City. Ang siyudad na ito bago pa siya maging Death City. Lahat–"

"Alam ko na lahat yan, Josh. Get straight to the point,"I said boringly.

Binukas niya ang isang libro at pinakita niya sa akin. "Lahat ng libro, nakasulat sa english alphabet. Maliban diyan sa page na yan,"tinitigan ko ang page na tinutukoy ni Josh at tama siya. Mga simbolo ang nakikita ko.

"Malapit siya sa baybayin kaya sinubukan ko pero may mga parteng, hindi tumutugma."

"Anong nabuo mo mula sa ibang nadecode mo?"this time I'm getting curious.

"Mukhang isang uri ng latin na dasal. Sandali, isusulat ko."sabi niya saka kinuha ang papel at isang ballpen.

"Tingin mo, iyan na ang makakapagpalabas sa atin dito?"tanong ko habang nagsusulat siya.

He looked up at me, his eyes full of hope. "Sana,"

"Be optimistic, okay?Makakalabas tayo dito,"sabi ko.

"Heto na–"iaabot na sana ni Josh ang papel na sinulatan niya nang biglang may sumabog.

"What the fuck is that?"tanong ko habang nakatingin sa labas.

Lumabas kami ng boutique at naabutan si Jhania dala dala ang bow and arrow niya.

"Alex!Josh!"

"Anong nangyayari?!"tanong ko.

"Ang mga elitista! Nandito na sila!"

Oh shit.

---

Portal To The Death City[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon