11: Who Will Win?

16 7 0
                                    

Chapter 11: Who Will Win?

Kent's POV,

Napanganga ako ng makita ang baril ni Daphne. Isang automatic AR-15 rifle. Bakit automatic?Pano sila nakakuha niyan e diba banned yan?

Ay nasa death city pala kami.

"Sabi sa iyo hindi ba?Mas maganda sa akin,"nakangising sabi ni Daphne. Nanatili akong nakanganga kung hindi lang sinara ni Ria ang bibig ko.

"Maganda din naman sayo, Kent. Wag ka na mainggit,"ngumuso ako sa sinabi ni Ria. Eh Remington Sportsman 78-bolt action rifle lang naman ang sa akin.

"Mas maganda kasi sa kanya. Manual sa akin tapos automatic kanya,"nakangusong sabi ko.

"Ano bang pinagkaiba nun?"tanong ni Ria. Palibhasa, walang alam pagdating sa baril.

"Yung akin kasi, nakahiwalay yung magazine sa mismong baril. Mas matagal makaputok dahil ako mismo ang maglalagay ng bala sa bolt saka ipuputok. Ang kay Daphne kasi, automatic na ang pagload at pagputok ng baril kapag hawak hawak niya yung trigger. Ibig sabihin, mas mabilis bumaril ang kanya kesa sakin,"nanghihinayang na paliwanag ko.

"Alam ko kung ano ang dapat kong maintindihan sa iyong tinuran. Na ako'y magwawagi at ikaw ay masasawi sa ating laban," mas lalo lang akong na-down sa sinabi ni Daphne. Oo nga, mas magaling siya kasi mas maganda ang baril niya.

"Teka lang, hindi mo yata kilala masyado si Kent,"napatingala ako ng magsalita si Ria.

Nagpatuloy si Ria sa pagsasalita. "Nakita mo naman gaano kaalam si Kent sa baril diba?Hindi naman kasi yan sa kung ano ang gamit mong baril. Nakadepende yan sa taong gumagamit nito. At tingin ko,doon lalamang si Kent,"hindi ko alam pero feeling ko nag-blush ako sa sinabi ni Ria. Kasi naman, minsan lang niya ako purihin, lagi niya kaya akong inaaway.

"Tch,"asik ni Daphne saka tumingin sa malayo.

"Guys!Uhm...ano!Gora na daw...alis na daw...punta na sa pwesto!"sigaw ni Jhania kaya nagkatinginan kaming tatlo. Isa lang ang ibig sabihin nito.

Magsisimula na ang pustahan namin.

----

Nasa rooftop ako ng isang bahay katabi lang ang mall kung saan pagmamay-ari nila Daphne at Dexter.

"Are you in your place Kent?"tanong sa akin ni Daphne gamit ang isang radyo na nakita namin sa mall. Mabuti nalang at may battery din sa mall kaya nagagamit namin ito ngayon. Medyo iniba din nila Alex at Joshua ang disenyo nito. What I mean by that is that, they upgraded it.

Kaya nagfunction ito na parang nasa isang messenger group call kung saan nakakapagcommunicate kami sa isat-isa.

"Yes," sabi ko saka pinuwesto ang rifle ko sa edge ng rooftop. Tumingin ako sa rifle scope at itinutok ito sa baba upang tingnan kung may papasok sa area ko.

"Kent, Roger, Roger,Yo wassup–"minabuti ko nang putulin si Ria sa sinasabi niya.

"Ria naman,"

"Sorry Kent,"

"Don't be so maingay nga Ria, ang hirap kayang magfocus,"–Jhania

"Kaya mo yan Jhania, magtiwala ka lamang sa iyong sarili,"sabi naman ni Dexter na malamang katabi ni Jhania ngayon. Sila kasi ang magkasama samantalang hiwa-hiwalay naman kami nila Ria at Daphne. Sina Joshua at Alex naman ang nakabantay sa main entrance ng mall. Nasa side kami ni Ria, samantalang nasa back naman si Daphne. Nasa harapan din sila Jhania pero mga 10 meters ang layo sa mall.

"Maghanda na kayo, nakikita ko na sila,"hinanda ko na ang daliri ko sa trigger saka mas matamang tumingin sa ibaba.

Kung hindi lang bigay ni dad ang baril na to baka naitapon ko na. Pero di bale, sigurado akong makakahanap ako ng mas magandang baril na pang long range talaga.

Napangisi ako ng may nakita akong anino sa baba. Hindi ko alam pero kapag may hawak akong baril, nawawala lahat ng takot ko.

Past experiences siguro.

Itinutok ko ang baril dito saka pinaputukan. Natapatan ng street light ang nabaril ko nang matumba siya.

First kill ko sa death city.

Gamit ang rifle scope napatingin ako sa dugo. Hindi ko alam pero may bigla nalang akong naramdaman.

Show your true self, Kent.

H-Huh?Sinong kumakausap sa akin?

Let me go...again.

I froze.

No way.

----

Portal To The Death City[COMPLETED]Where stories live. Discover now