13: Dual

14 6 0
                                    

Chapter 13: Dual

Ria's POV,

"Is this still you o isa ka nalang wax figure na binigyan ng buhay?"Jhania asked so I shot a glare on her. Tapos muli akong napatingin sa malayo.

Kanina ko pa kasi iniisip paano nakabalik si Kian.

Oo. Alam ko ang tungkol sa kanya. But that's another story for another time.

Matapos niyang umamin sa akin, bigla siyang nahimatay kaya binuhat ko siya papunta sa mall. Doon, ay binantayan naman siya ni Dexter.

Kanina lang nagising na siya. At bumalik na si Kent, walang maalala sa nangyari. Hula nila Alex, nagka temporary amnesia daw siya but I know better.

Natatakot ako, para kay Kent lalo na at bumalik na si Kian. Mas malala pa ngayon na nasa Death City kami. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng magawa ni Kian sa lugar na to.

At yung pustahan namin?Alam kong si Kian yun. Dahil si Kent?Hindi nga nun kayang pumatay ng ipis, tao pa kaya?

"Jhania, tutorial na daw nila Dexter,"napalingon ako sa nagsalita at nakita ang nakangiting si Kent.

"Ay oo nga pala!Gtg guys ah!"sabi naman ni Jhania saka tumakbo palabas. Nakita ko si Kent na naglalakad papalapit sa akin kaya bigla akong lumingon palayo. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin pero hindi na ako nag abalang tumingin sa kanya.

"Hindi mo yata ako inaasar ngayon,"panimula niya. Nanatili akong walang imik, sinusubukang hindi siya pansinin.

"Ria, galit ka ba sa akin?"

"Hindi."hindi ko na napigilan ang sarili kong sumagot.

"Bakit iniiwasan mo ako?"again, hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya. "Ria, ang tagal na nating magkaibigan. Alam ko kung may problema ka sa akin o wala. May tiwala ka naman sa akin di ba?"

Nilingon ko siya. "Sayo oo. Pero kay Kian wala,"natigil siya bigla kaya ako naman ang nagpatuloy magsalita. "Kent, bakit hindi mo sinabi sa akin?Bakit hindi mo sinabi na bumalik siya?Di ba sabi mo matagal mo nang binaon sa limot si Kian?Wala na siya diba? Bakit hinayaan mo siyang bumalik?"

"S-Si Kian...pala yun..."kinakabahan niyang saad.

Napalunok ako. "Oo. At isipin mo nalang ang kaya niyang gawin ngayong nasa death city tayo. Delikado si Kian. Kaya hanggat maaari, wag mo siyang palalabasin,"sabi ko pa.

"Pero sabi ni mommy ikaw lang ang nakapagpaamo kay Kian. Hindi ko alam ang ginawa mo noon, pero sana tulungan mo ako. Nakikiusap ako. Please..."hinawakan niya ang kamay ko.

Napatingin ako sa malayo. Hindi nga talaga alam ni Kent ang nangyari sa amin ni Kian noon. Mabuti na din iyon. Mabuti na din na wala siyang alam.

"Ria, nagmamakaawa ako. Gusto ko ding masolo ang katawan ko. Ayoko kay Kian. Kahit pa, hindi kami masyadong nakakapagusap, ayoko sa kanya,"

Muli akong tumingin sa kanya
"Ayoko din sa kanya. Kaya tutulungan kita," sabi ko saka ngumiti.

Nginitian niya din ako. "Salamat Ria. Tara na, si Sam, kailangan ka,"

I chuckled. "Oo nga pala,"

----

Portal To The Death City[COMPLETED]Where stories live. Discover now