Dallas is good with his words, no wonder kung ilang babae ang napaikot niya sa matatamis niyang salita. But what he said is true though. Maaga akong nagising kasi naka set sila ngayon for early breakfast. Naki-prepare na rin ako kahit hindi pa sumasang-ayon yung katawan ko sa sobrang aga ng preparation time nila rito. 

As of now, sa isang guest room muna ako natutulog ngayon. I miss my room pero hindi ko naman 'yon kwarto kaya wala akong karapatan. Lalo na't kwarto pala 'yon dati ni Steph.

Napatigil ako sa kakaisip nang madatnan ko silang dalawa ni Dylan sa kusina. Nasa countertop si Steph at nakaupo habang ginagamot ni Dylan yung daliri niya. Nakangiti siya at tumatawa habang may pahamapas  sa balikat ni Dylan. 

Bumalik yung utak ko noong gabing nagkwento si Dylan tungkol kay Stephanie. Hindi ko pa rin alam kung bakit siya umiiyak noon dahil sa kanya. She's here and she's completely in love with him so why?

"I love you," narinig kong sabi ni Steph.

Nagtago agad ako sa likod ng cabinet. Nakatalikod si Dylan mula sa akin kaya si Steph lang yung nakikita ko. Napansin kong nag tense yung likod ni Dylan ngunit nawala rin naman agad ito. 

"I--"

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at bigla akong lumabas dito sa lungga ko. Is he really going to say 'I love you too'? 

"Ay susmaryosep! Akala ko multo!" Sigaw ko sabay hawak sa dibdib ko. Napatalon naman silang dalawa sa pagsigaw ko at gulat ding tumingin sa akin.

Well, I mean, except for Dylan. Tumingin siya sa akin at parang ngayon niya lang ako napansin. I can't read his face right now. Hindi siya nagulat tulad ni Stephanie na kulang na lang tumalon sa kinauupuan niya. He's back with that expression on his face again.

Guarded. 

"Multo? Do I look like a ghost?" Medyo naiinis na sabi ni Steph pero wala akong pake. Mas naiinis ako sa kanya. Ang tinis ng boses niya.

"Sorry, akala ko kasi tikbalang ka." Hindi ko na napigilan yung salitang lumabas sa bibig ko.

Me and my mouth, darn it. Pero multo ba ang tikbalang? Bahala na. Buti nga hindi manananggal. 

"What's tikbalang?" tanong niya.

"Kabayo." 

"Excuse me? You think I'm a horse?" 

Callie naman kasi bunganga mo. Masyado ka atang na-trigger sa I love you.

"Horse? I said ghost. I thought you're a ghost. Tikbalang is ghost in my dialect." Pagpapalusot ko at dahil likas akong bobita, nag peace sign ako. 

Tumingin ako kay Dylan na nakangisi ngayon sa akin. Don't tell me alam niya kung anong tikbalang? Is he going to tell her? Tangina.

"She's telling the truth, Steph. Tikbalang is multo."

I- what?

Sinasakyan niya talaga yung kagaguhan ko? 

"Oh really? That's weird . . . Anyway, thank you babe for treating my cut."

Hinalikan niya si Dylan sa labi at bumaba sa countertop. Nawala agad yung ngiti ko at tumalikod ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Or maybe I know. 

Hindi ko na lang pinansin yung selos na nararamdaman ko ngayon. There I said it. It's weird feeling something so strong again after how many years aside from anger. 

***

Queen just left to attend another important meeting. Sana nga sinama na lang niya si Stephanie kaso sabi niya na since kababalik lang daw ni Steph, they can use the rest house to throw some party for her. 

It All Started With The Royal's BabyWhere stories live. Discover now