Ngumiti lag ako sa kanya at patuloy na kumain. Pero maya maya pa ay nakaramdam na ako ng hirap sa paghinga. Feeling ko may bumabara na sa lalamunan ko. Tinapik ko na yung may bandang puso ko sa sikip na naramdaman ko.

“uy Aouie! Okay ka ang!? Eto uminom ka.” May inabot sa akin si Natalie na isang dark colord na liquid. Sa sobrang sikip ng dibdib ko at alam kong nabulunan ako, hindi ko na inalam pa kung ano ang likidong iyon at ininom ko na lang ito.

Maya maya pa ay nawala na ang bara sa lalamunan ko. Lumuwag na ulit ang daluyan ng hangin sa akin. Hndi na masikip o mabigat ang dibdib ko. In short, buhay pa ako!

“whoo! Akala ko mamamatay na ako dun eh! Haha” grabe kabado talaga ako dun. Feeling ko kasi hindi ako makahinga kasi nabilaukan nga diba? Tsk tsk tsk, may namamatay din pala sa katakawan. Ang takaw ko kasi eh tsaka masyado akong nagpadala sa emosyon ko.

“by the way Nat, ano yung pinainom mo sa akin kanina? Bakit kulay black?” curiosity lang po.

“ah yun ba? Blackberry juice yon haha. Freshly made at ako ang nagharvest at nag juice dyan kaya ganan.”

Woah! Ang galing haha marunong syang mag gawa ng fresh blackberry juice! Fresh yun take note! FRESH! Kaya pala parang may nalunok akong something kanina na maliit, siguro butil yon.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis. Wow, ang cute naman ng dress na ito haha. Sabi ni Natalie, bagong undies at bagong clothes daw ito kaya ang saya ko haha, ang bait nya no?

Isinuot ko na ang simple white shirt at pinatong na ang blue palda na hanggang above the knee na madaming layers haha. Nagsuklay na ako at sinuot ang doll shoes na suot ko kahapon. Lumabas na ako sa kwarto at nakaayos na din sya.

“oh, tara na at sasamahan na kita kina Cyril” sabi nya sa akin.

Lumabas na kami sa bahay nya at naglakad na. sobrang tahimik naming dalawa kaya ako ang nagpasimulang dumaldal.

“Nat, kwentuhan mo naman ako tungkol kay Margaret” sabi ko sa kanya pero bigla syang tumigil sa paglalakad kaya maging ako ay napatigil din. pero nag resume sya sa paglalakad matapos nya akong tingnan saglit.

“umm… wala akong masyadong alam sa kanya. Hindi naman kasi kami close non. Basta ang alam ko ay ayaw nyang tinatawag syang Margaret or Avery. Basta ang gusto nya sya si Cyril. Cyril lang ang itatawag sa kanya”

“eh anong mangyayari sayo kapag tinawag mo syang Margaret o Avery?”

“simple lang. kwento sa akin ng kaklase ko, nung may tumawag daw sa kanyang lalaki ng Margaret, isa lang ang nangyari. Nakasaksi sya ng lumilipad na sapatos na may killer hills”

“eh? May pakpak na killer hills?” meron na pala non? San nakakabili non?

“tss… nauto ka nanaman. Syempre joke lang yun no. uto uto ka pa rin pala hanggang ngayon” medyo napatawa sya sa akin. Aba malay ko bang nagiimbento to!

EA II: Battle Between Two KingdomsWhere stories live. Discover now